December 28 na bukas na monthsary namin hindi ko na kaya na ganito kami.
Hindi ako tumigil sa pagtetext kay Kimberly, tinawagan ko siya isang beses sakto nag riring... Salamat sinagot niya.
AKO: Kimberly...
KIMBERLY: Wala ka ng dapat iexplain. Alam mo Troy, nagbago ako dahil sayo. At alam kong alam mo na simula nung bata pa lang tayo ayoko ng niloloko ako. Ito na siguro yung away natin na di ko kayang patawarin. Ang masakit pa dun nakita ko harap harapan e. Ayoko na, ayoko na ng ganito. Pinapalaya na kita. Para wala naring gulo. Bye.
AKO: KIMBER...
Pinatay niya na bigla... Hindi ko kaya ito. Buong araw ako nag mukmok at nag isip isip hindi ko kaya na mawala siya... Hindi ko kaya siya lang yung babaeng kinamamahal ko. Hindi ko kaya buong araw ko siyang tinext paulit ulit ko syang tinetext pero ni isa walang reponse.
Nagdecide ako na pupunta ako sa Lote kung san kami tumatambay lagi bukas kung kailan monthsary namin.
