Simula

39 0 0
                                    

April 5, 1995


Kinuha ko agad ang bag ko sa locker nang matapos ang shift ko sa hospital. I'm a resident and now completing my post-graduate training program. Nagmamadali akong pumunta ng parking dahil excited na 'ko makasama ang mga kaibigan 'ko. Nag-usap kasi kami na magmeet sa Club Dredd sa may Cubao.


Habang nagdadrive ay sinabayan ko ang Overdrive ng Eheads na tumutugtog sa stereo.


Magda-drive ako hanggang Baguio...Magda-drive ako hanggang Bicol...Magda-drive ako hanggang Batangas...

Tapos magsu-swimming do'n sa beachIsasama ko ang girlfriend ko
Isasama ko kahit sino'ng may gusto...

Kahit may kasama siyang aso
Basta't mayro'n s'yang baong sariling buto...

Magdadala ako ng pagkain
Burger, fries, tapsilog at siopao...

Magda-drive ako hanggang Visayas
Magda-drive ako hanggang sa Mindanao

Magda-drive ako buong taon
Magda-drive ako habang-buhay
Magda-drive ako hanggang buwan

"Please, please lang turuan niyo akong mag-drive...

Gusto kong matutong magdrive (kahit na wala akong kotse)...

Gusto kong matutong mag-drive (Kahit na walang lisensiya)" 

Mag-drive...
Drive...
Drive...Mag-drive...

Mag-drive...


Mabilis naman akong nakarating dahil gabi na rin at hindi na masyadong traffic sa edsa. Hindi pa 'ko pumapasok ng club ay rinig ko na agad ang banda na tumutugtog sa loob. Lumapit agad ako sa mga kaibigan ko na madali kong nahanap dahil ang iingay.


"Sammy!!! Akala namin hindi ka na makakapunta!" Bati sakin ni Mica. Bumeso naman ako sa mga kaibigan 'ko. 


"Please, I badly need this. Sobrang nakakastress ma-assign sa ER." sabi ko at kinuha agad ang inaabot na beer ni Sydney.


"Wala naman kasing pumilit sayo na magdoktor ka te!" Tumatawang sabi ni Janet.


"Alam ko...pinili ko 'to, ginusto ko 'to, magdusa ako." Sabi ko saka tinungga ang beer.


Habang ineenjoy ang musika at inuman ay nagkwentuhan kami.


"Kumusta naman work niyo?" Tanong ko sa kanila.


"Nakakastress yung firm ngayon, parang gusto ko na lang maging hotdog." Sabi ni Janet, she's a secretary in a well known law firm, kaparehong kumpanya kung saan nagtatrabaho ang Lawyer na boyfriend ni Mica. 


"May kinuha kasing kaso ang boss ko, artista. Magiging mainit kami sa mata ng publiko  kaya busying-busy ang halos lahat." Sabi niya pa.


"Teka, hindi ba confidential dapat yon? Ba't mo sinasabi samin." Tumatawang tanong ni Mica.


"Hindi naman ako nagname drop be. Tsaka ano namang gagawin niyo? Kakalabanin kami sa korte?" Sabi ni Janet kaya natawa naman kami.


"I'm having fun at my work naman, medyo 'di pa 'ko sanay pero it takes time to adjust naman talaga." Sabi ni Sydney, she's an architect. Their family owns a construction company and she just started working there, nagsimula kasi muna siya sa ibang company. 


The Man I Once LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon