Kabanata 5

24 0 0
                                    

Sigurado




Ibinaba ko agad ang bag ko sa sofa nang makauwi ako sa bahay. Pabagsak rin akong humiga sa sofa sa sala dahil pagod na pagod ako mula sa shift sa hospital. 


Hindi pa man rin tumatagal ang pagkakahiga ko sa sofa eh narinig ko na ang yabag ni Hakob pababa ng hagdan. Kung paano ko nalaman na siya 'yon? hindi ko rin alam. Basta siya 'yon.


"Samahan mo nga 'ko sa kanto. Bibili lang ako ng chichirya." Sabi niya sa'kin.


"Pagod ako, Hakob. Si Ate Franz na lang ayain mo." Sagot ko naman sa kaniya.


"Dali na...sasamahan mo lang ako eh." Pagpupumilit niya at naupo sa bandang paanan ko at hinimas pa ang legs ko.


"Lilibre kita." Sabi niya kaya mabilis naman akong bumalikwas.


"Yakult tsaka mik-mik gusto ko." Sabi ko sa kaniya at hinatak siya palabas.


"Yan...ganiyan ka. Ginagamit mo lang ako." Dinuro-duro niya pa 'ko habang naglalakad kami palabas ng bahay kaya natawa ako.


Habang naglalakad kami ni Hakob ay naramdaman 'kong nagvibrate ang phone ko dahil sa text kaya tinignan 'ko naman agad 'yon.


sSoBB G4bri3LXzc: Madam, I just got home from work. You home already?

Me: Uu kakauwi q lang ssob, ppnta kami s tindahan don sa kanto ngayn ni Hakob lilibre nya q yakult ih.

sSoBB G4bri3LXzc: Hahaha ok, enjoy your bonding. Sleep early, it's your day off tomorrow.

Me: Angas mo naman ssob, kabisado m isked q?

sSoBB G4bri3LXzc: Same tayo ng day off remember?  Friday and Sunday.


Natawa naman ako dahil don. Natigilan lang ako nang makita na nakatitig na sa'kin si Hakob. Mabilis ko namang itinago ang cellphone ko at niyakap ang braso siya habang naglalakad.


"Tss...I need to talk to Gab." sabi niya sa'kin. Napabuntong hininga naman ako.


"Ok, Sure. Sabihin ko sa kaniya." sagot ko kaya ngumiti naman siya sa'kin.


Maybe this is for the best. Para malaman ko na rin kung may plano ba yung tukmol na 'yun.


Nang makarating kami sa tindahan mabilis kaming nakilala nung tindera dahil madalas kaming tumakas dati ni Hakob sa bahay nung mga bata pa kami para tumambay dito.


"Oh? Sebastyan? Samantha! Ketagal niyo ng 'di nakakadaan dito ah? Kumusta naman kayo?" Sabi samin ni Aling Mercedes.


"Hehe, nabusy po kasi sa trabaho." Sagot naming dalawa ni Hakob.


"Aba! Jusko, tumatanda na talaga ako. Eh, pwede ko bang maitanong  kung ano ang mga trabaho niyo?" tanong samin ni Aling Mercedes.


"Oo naman po." Natatawang sagot ko pinanuod ko naman ang mga batang naglalaro ng pukol bata sa tapat ng tindahan. 


"Businessman po ako, at alam niyo po ba si Sammy? Doktor na po!" Proud na proud na sabi ni Hakob.


"Ay talaga ba? Nako! Mabuti naman. Hindi ba 'yun na ang pangarap mo dati pa?" sabi sakin ni Aling Mercedes. Sumagot naman ako.


"Hehe, hindi pa po ganap na doktor, nag-aaral pa lang po. Masyado po kasing proud sakin si Hakob kaya inunahan niya na yung mga prof ko. Pasado na ako agad." Sabi ko kaya nagtawanan kami.


The Man I Once LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon