Textmate
"Good morning!" Sabi ko pagpasok ng café na pag-aari ni Sydney. Binati naman ako ng mga staff ni Syd.
"Where's Syd?" Tanong ko sa staff roon.
"Ay, nasa office po mam! Diretso na lang po kayo don." Sabi niya.
Nginitian ko naman siya. "Sige, salamats!" Sagot ko.
"Oh, Sammy! Nandiyan ka na pala 'di mo man lang ako tinext, edi sana sinalubong kita with open arms." Bati niya sakin pagpasok ko sa office niya.
Umupo naman ako sa sofa set niya na katapat ng table niya. Nakita ko namang ihininto niya muna ang ginagawa niya at humarap sakin.
"Kinabahan naman ako sa'yo, ano ba yung sasabihin mo?" Tanong niya sakin.
Nagtext kasi ako sa kaniya kaninang tanghali. Hindi kasi kaya ng konsensya 'ko na hindi sabihin sa kaniya.
"Sydney...patawarin mo 'ko." Sabi ko sa kaniya. Kumunot naman ang noo niya.
"Bakit?" Tuma-tawang tanong niya.
"Aba gago 'to, halos matae na nga 'ko sa kaba dito, tinatawanan mo pa 'ko?" Sabi ko sa kaniya.
"Ano ba kasi yun? Sabihin mo na." Sabi niya.
Huminga naman ako ng malalim.
Bahala na. Ang mahalaga nasabi ko.
"I like your cousin." Sabi ko sa kaniya.
Tumingin naman siya sakin na nagtataka.
"Samantha, ang dami 'kong pinsan. Gusto mo hulaan ko kung sino ron? Aabutin tayo ng siyam siyam rito." Tanong niya sakin kaya natawa naman ako.
"Ay, sorry! Nawala sa isip ko. Si Gab, Syd." Sabi ko sa kaniya.
Saglit naman siya natigil at tumitig lang sakin.
Habang hinihintay ang reaksyon niya ay kinakabahan ako ng todo.
Ayaw 'kong maging dahilan 'to ng pagkasira ng friendship namin. Kaya kung anong desisyon ni Syd ay ayos lang ako.
"Hmm. I actually don't know what to tell you. But I don't hate it. It's just weird." Sabi niya sakin.
"Kelan pa 'to?" Tanong niya sakin.
"Nung isang araw lang nung nag-inuman tayo." Sabi 'ko.
"Hala? 3 days ago lang yun ah? Bakit nagpaparamdam ba yung Kuya ko?" Tuma-tawang tanong niya.
"Kung nagpaparamdam man, 'di 'ko naman masyadong feel. Pero gusto 'kong malaman mo na sinabi ko 'to sa'yo kasi hindi ako komportable na may sikreto sa'yo. At nirerespeto ko kung ayaw mo yung nararamdaman 'ko." Sabi ko sa kaniya.
Umupo naman siya sa tabi ko.
"And I appreciate your honesty, Sammy. I'm ok with it. Buti at sinabi mo sakin agad. Ayaw ko rin sanang malaman kung kelan may nangyayari na sa pagitan niyo. That will just make our relationship complicated." Sabi niya kaya tumango ako.
"I'm sorry." Sinsero kong sabi sa kaniya.
"It's ok, Sam." Sabi niya at niyakap ako.