Kabanata 4

33 0 0
                                    

Torn



I can't even explain it. Hindi naman niya 'ko tinatanong kung pwede ba siya manligaw pero parang nagkakaintindihan naman kami. We don't date or entertain other people besides each other. Other people are also aware of what's with us because we're private but not lowkey. Alam mo yon?


I just wish he would ask...


"Sammy!" Napatingin naman ako sa tumawag sa'kin.


"Ano ba yan? Umagang umaga parang stress na stress ka na?" Tanong sakin ni Hakob habang may dala dalang mga paper bag sa loob ng kwarto ko.


Kagigising ko lang at kung minamalas ka nga naman alas singko pa lang ng madaling araw ay ginambala na 'ko agad ni Hakob na kakauwi lang from France.


"Ano ba 'yang mga dala mo? Napakarami naman ata?" Inis na tanong ko. Kanina pa kasi siya nagdadala ng paper bag, hindi matapos tapos.


"Pasalubong." Napangiwi naman ako dahil ron.


"Sa lahat ng sinabi kong pasalubong wala man lang tumama?" Inis na tanong ko sa kaniya. Puro paper bag nga kasi ang nakita ko, halatang walang pagkain. Yung keychain pala, baka meron.


Tumabi naman siya sa'kin sa kama at niyakap ako.


"Ang sabi mo 'Hakob, utang sa labas. Antok na antok pa 'ko, iuwi mo na lang yung Eiffel tower o kahit anong gusto mo from Paris.' kaya ayan binilhan kita clothes, ang pangit kasi ng style mo." Napanganga naman ako dahil sa sinabi niya.


Naoffend ako don ha!


"Joke lang, love you. Inutusan ako ni Mama magshopping for her. Sinabay na kita." sabi niya.


Tumayo naman ako mula sa pagkakahiga at sinipat ang mga damit na inuwi niya.


"Ba't puro designer items 'to? Alam mo naman 'di ako mahilig sa ganto." Sabi ko sa kaniya.


Nagkibit balikat lang naman ang magaling 'kong kapatid. "Hindi naman ako makakakita ng Bench o Penshoppe don, Sammy." sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.


"Keep everything you like. Tapos ipamigay natin yung iba sa mga nangangailangan." Sabi niya.


"Ano namang gagawin ng mga nangangailangan sa cardigan ng Ralph Lauren, sige nga Hakob?" Tanong ko dahil walang sense ang sinasabi niya.


"Edi suotin?" sabi niya in a matter-of-fact tone.


Nailing naman ako dahil walang price tag ang halos lahat ng nandoon. Mukhang mahal ang mga 'to.


"Last na 'to ha?" Sabi ko habang sinusukat ang mga binili niya.


"Thank you." Sabi ko sa kaniya, kaso pagtingin ko tulog na pala.


Binuksan ko ang aircon at inayos ang kumot niya. Sa dinami-rami ba naman kasi ng flight na pipiliin, yung madaling araw pa. Sana iniligaw na lang siya ng piloto at sa Japan siya ibinaba, ganon.


At dahil ginising niya na 'ko, hindi na 'ko makatulog ulit. May duty pa naman ako mamayang alas tres ng hapon.


Kahit ayaw ko pa gumalaw, naligo na 'ko dahil wala naman na akong magagawa. Kahit magpagulong-gulong pa 'ko sa kama, hindi na 'ko makakatulog ulit.


The Man I Once LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon