143
"Bet ko sana halikan na lang para mawala yung cake niya sa labi kaso naalala ko Santo nga pala siya kaya inabutan ko na lang siya ng tissue." Pagkekwento ko kila Mica ng nangyari last week.
Inis naman na tumingin sakin sila Sydney.
"Pigilan mo 'ko Mica, nandidilim paningin 'ko." Sabi ni Janet na umaamba amba pa sa'kin.
Nandito kami ngayon sa Club Dredd, Sunday ngayon at papanuodin ko tumugtog si Ssob Santo Gabo. Inaya ko na rin ang tropa dahil matagal na rin simula nung huli kami magkita.
"Does your brother know? That you guys already made-up and he's courting you now?" tanong sa'kin ni Sydney.
"Yeah, though he said that he still need to talk to Gab during the trip to Etivac." Sagot ko.
"Well, your brother has a point. Gabriel deserves to know." Sabi naman ni Mica.
"Teka nga, punyeta! Ba't nag-eenglishan na kayo diyan?" Tanong ni Janet kaya naghagalpakan kami sa pagtawa.
"Si Sydney kasi, feeling forenjer." Sabi ko at tumawa naman sila.
"Bobo ka talaga! Hindi ba Foregner 'yon?" banat naman ni Janet kaya natawa na naman kami.
"Nakakainggit naman yung trip to Cavite. Nakakamiss rin yung Puerto Azul ha, lagi kami ron nila Kuya Gab nagceceleb ng birthdays ng fam eh." Sabi ni Sydney at saka uminom ng tequila shots na inorder namin.
"Bakit hindi tayo sumama?" Aya ni Janet.
"Tropa time nga, kulit mo rin eh 'di ka naman belong sa tropa nila." Sabi ko.
"Pero inaya ka naman ni Kuya Baste eh." Sabi pa ni Janet.
"What if? We just plan our own trip? Ang laki ng laki ng Puerto Azul baka nga hindi pa tayo magkakitaan ron eh." Sabi ni Syd.
"Hmm...I like that idea. It's been a long time since we went on a trip. Yung tayo tayo lang." sabi ni Mica.
Pinag-isipan ko naman ng mabuti. Oo nga naman, bakit 'di na lang kami umalis ng kami lang apat.
"Ok." Pumalakpak pa si Mica kaya nagulat kami. "I'll book our trip and text you guys the deets na lang, and please i-leave niyo na 'yun. 2 days lang naman siguro 'yun. Ayaw kong nag-eenjoy tapos may isang mawawala bigla kasi tinawagan ng boss or something." Sabi ni Mica samin.
She's usually the one who organizes our trips and what-nots.
"Opo, Nay." Sagot namin kaya ngumiti lang siya at itinaas ang gitnang daliri samin.