Kabanata 3

22 0 0
                                    

Date




Hindi ko rin alam kung paano kami napunta sa ganitong sitwasyon. What did I do to deserve this? Kabado na may halong inis akong tumingin kay Gab na nakangisi sa'kin habang magkatabi kami at nakasakay sa space shuttle dito sa Enchanted Kingdom.


"Kapag ako namatay? Mumultuhin talaga kita, makita mo lang!" Kahit hindi pa gumagalaw ang ride ay halos maiyak na 'ko.

Tumawa lang ang walang hiya. Nagsimula namang umatras pataas ang ride dahilan para mapamura ako ng sunod-sunod.

Hindi pa 'ko pwedeng mamatay huhu, 'di pa 'ko tapos sa residency, gusto 'kong pumuntang langit na may maipagmamalaki sa mga lolo't lola ko na deads na, tsaka nagpakahirap ako ng ganon tapos mamamatay lang ako? Sa rides pa? wala man lang kadigni-dignidad? NASAAN ANG HUSTISYA!

"Chill, Sam. I got you." Sabi niya at mas hinigpitan ang paghawak sa kamay ko.

"Bakit kasi dito mo 'ko dinala! Bago pa lang ang amusement park na 'to! Kapag nagkaproblema at nasakto pa satin, hindi talaga kita tatantanan kahit sa kabilang buhay!" umiiyak na sabi ko.

Tinawanan na naman niya 'ko. "Edi wag mo 'kong tantanan, ayos lang sakin." Sabi niya at ngumiti.

"Pwedeng wag mo 'ko rito landiin? Hindi ko masakyan eh." sabi ko. Dahilan para matawa na naman siya.


"You'll be fine, Sam...You have me." mapreskong sabi niya at ngumiti sakin.


"Alam 'kong pogi ka kapag ngumingiti, pero ngayon kasi wala siyang naitutulong—POTA!" Hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil bigla-biglang umandar ang ride.



"WOOOOH!" Rinig kong sigaw nitong katabi ko.


Sayang-saya pa siya? Habang ako dito tinatawag na lahat ng santo na kilala 'ko.



"Alam mo? Tangina mo." Sabi ko sa baliw kong katabi na tawa ng tawa at may pahawak-hawak pa sa tyan. Kabababa lang namin ng ride at ganon na lang ang pasasalamat 'ko dahil mukhang gusto pa ng Diyos na mabuhay ako sa mundong 'to.

"Pfft—yung itsura mo kanina—HAHAHAHAHAH!"


Aba gago 'to ah?


"Parang pfft--parang naiwan kaluluwa mo ron sa taas HAHAHAHA!" tudyo niya pa sakin. Napapatingin na rin samin ang ibang tao dahil ang lakas tumawa ni Gab may pa hawak hawak pa sa tuhod niya na parang napagod kakatawa, tapos tatawa ulit.


"Ay, hindi ko po siya kilala." Pagtanggi ko sa mga nakatingin dahil nakakahiya na siya. Humagalpak na naman si Gab dahil ron.


"Mabilaukan ka sana sa sarili mong laway katatawa." Inis na sabi ko sa kaniya. Mabilis naman siyang tumigil pero kitang-kita ko pa rin ang pagpipigil niya.


"Pfft—I'm sorry. You just looked so cute." Sabi niya. Inirapan ko naman siya.



"San mo gustong kumain?" tanong niya sakin kaya wala pang isang minutong nagtatagal ang kunwaring pagtatampo at inis ko ay ngiting-ngiti agad akong tumingin sa kaniya.

"Kilala mo talaga 'ko!" sabi ko at inakbayan siya pero wala pang isang minuto ay tinanggal ko agad.

Ang sakit huhu, nastretch ata ang buong braso ko. Hanggang kili-kili lang kasi ako ni Gab. Ang tangkad naman kasi nito.

Sinisi raw ba yung height nung tao.

Natawa naman siya dahil halata sa mukha 'ko ang sakit. Siya naman ang umakbay sakin.

The Man I Once LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon