Xiumin's POV
Nandito na kami sa may elevator at papunta na sa office nila, kinakabahan ako baka hindi sila pumayag.
*ting* Lumabas na kami at tumuloy sa office, nandoon sila miski ang mga mister nila.
"Oh nandyan na pala kayo." Pansin saamin ng nanay ni Bunny ko.
"Kindly introduce yourselves para malaman namin kung kanino napunta ang mga anak namin." Seryosong sabi ng nanay ni Yoona.
"Park Chanyeol, boyfriend po ni Seohyun."
"Oh Sehun, boyfriend po ni Yoona."
"Kim Jongin, boyfriend ni Yuri."
"Byun Baekhyun, boyfriend ni lii-- Taeyeon."
"Wu Yi Fan or Kris, boyfriend ni Jessica."
"Kim Min Seok, boyfriend po ni Sunny " Syempre dapata magalang. Hahaha.
"Huang Zi Tao, boyfriend po ni Sooyoung."
"Xi Lu Han, boyfriend po ni Tiffany."
"Zhang Yixing, boyfriend po ni Hyoyeon."
Natapos na kaming magpakilalang siyam.
"Kim Joonmyeon, wala po akong girlfriend."
"DO Kyungsoo, wala rin po."
"Kim Jongdae, ang pinaka gwapo--" sinamaan naman namin siya ng tingin.
"Hehe. Kim Jongdae, wala po akong girlfriend." Pag-uulit niya. Kahit kailan talaga 'to.
"Okay, okay, sigurado na ba talaga kayo sa mga anak namin?" Pagtatanong ng tatay ni Tiffany.
"Opo." Sabay-sabay na sagot namin.
"Dapat lang, kapag sinaktan niyo ang prinsesa namin, babalian namin kayo ng buto." Sabi naman ng tatay ni Yuri, kaya naman pala amazona yun eh, mana sa tatay at nanay. Hahaha.
"Makakaasa po kayo samin." Nakangiting sagot ni Kai, tsk halatang sipsip eh.
"Huwag na nating patagalin 'to. Pumapayag na kami sa gusto niyo, sabihin niyo lang kung saan at kailan." Napangiti naman kami sa sinabi ng nanay ni Seo.
"Thankyou po. Well, napag-usapan narin namin ng mga tatay namin at sinabi nila na kung available kayo mamayang dinner, doon daw po sa tambayan niyo." Nagtinginan naman sila at makikita mo na excited na sila.
"Kyaaaah! Antagal na nating hindi nakakapunta doon!" Masayang sabi ng nanay ni Taeyeon.
"Ano na kayang itsura nun no? Napabayaan na kaya?" Curious na tanong ng nanay ni Hyoyeon.
"Ah basta! Aalagaan ulit natin yun!" Masayang sabi ng nanay ni Yoona.
"Magsitahimik na kayo, ang iisip bata niyo pa. Mahiya kayo sa mga bata." Saway sa kanila ng nanay ni Sica.
"Psh. KJ!" Reklamo ng nanay ni Sunny ko, hahaha. Manang mana sa kanya ang bunny ko.
"EXO, dahil kayo ang dahilan kung ba't magbabati na ulit kami ay boto na kami sa inyo" Sabi ng nanay ni Taeyeon at nag thumbs up pa, napangiti naman kami.
"Paano po yung siyam na ugo-- este siyam na lalaki?" Pagtatanong ni Chen.
"Kami ng bahala sa kanila." Sabi naman ng nanay ni Yoona.
"Actually, yung dalawa sa kanila ay kampi samin." Sabi ni Dyo.
"Sino?" Sabay-sabay na tanong nila. May speech choir ba? Hahahaha.
"Charles and Zeke." Sagot ni Suho, napatango naman sila
"Hindi na nakakagulat dahil open minded naman ang dalawang yun." Sabi ng nanay ni Jessica.
"So it's settled. Pwede na kayong umalis, alam naman naming gusto niyo ng kausapin ang mga anak namin." Natatawang sabi ng tatay ni Seohyun kaya nagpaalam na kami at umalis na.
Sa wakas. Unti nalang at matatapos na.
BINABASA MO ANG
Love Hate? [EXOSHIDAE ff.]
FanfictionWARNING: Kasalukuyan ko po itong ine-edit kaya kung may mababasa man kayong kahit anong error, pasensya na. Salamat sa lahat ng nagbasa, nagbabasa at magbabasa pa lang! Love lots~ P.S: 2012 ko pa 'to ginawa kaya pagpasensyahan niyo na kung may mga...