Jessica's POV
Alam namin ang nangyari kahapon, ang paghingi ng sorry ni Maknae at oanghuhusga sa kanya ni Yeol hanggang sa nangyari sa music room. Syempre, hindi naman kasi nagtatago saamin si Maknae ng kahit ano. Pero kahit humingi siya ng tawad na hindi naman talaga dapat, galit parin ako sa kanila. Lalo na sa kanya, kay Kris.
"Unnie, ang lalim naman ata ng iniisip mo?" Tanong ni Seo at tumabi saakin sa sofa, nandito lang kami sa mansion dahil Sunday at walang pasok.
"To tell you the truth, galit parin ako sa kanya." Diretsong sabi ko, I used to it. Sanay na akong dinidiretsa lahat.
"I know unnie, miski ako." Sabi niya at naabunting hininga. Bigla namang nagsidatingan ang mga girls at umupo sa mga bakanteng sofa.
"So anong plano?" Tanong ni Sooyoung habang nalamon kasama si Yoona. Tss, laging ganyan yang dalawa. Lamon ng lamon.
"Plano? Diba nga po tinigil ko na?" Patanong na tanong ni Seo.
"Ako! May suggestion ako!" Napatingin naman kaming lahat kay Yuri na nakangisi habang nakataas ang kamay.
"Ano yun?" Tanong ni Taeng.
"Just give them a sweet revenge. Hayaan natin silang maalala tayo, kapag naalala nila tayo at napalapit sila saatin. Sila naman ang iwan natin." Suggest niya, bigla namang napa-iling si Seo kaya lahat kami napatingin sa kanya.
"Hindi uubra yan Yuri unnie. I know na mahal parin natin sila, baka tayo lang din ang matalo sa huli." Sabi ni Seo, napatango nalang kami.
"Guys, ganito nalang. Huwag niyo nalang silang pansinin. Lahat tayo may galit sa kanila pero hindi tayo lumaki para makasakit ng tao. Kapag naalala nila tayo, then okay. Pero wag na wag kayong magpapa-uto sa kanila." Suggestion ni Sunny, agad namang tumango si Hyoyen at Tiffany.
"Naalala ko pa dati, yung times na masaya tayo sa kanila. Na akala natin hindi nila tayo niloloko." Mahinang sabi ni Tiffany.
"Kung paano tayo sumaya sa kanila." Dugtong ni Yuri.
Napansin ko naman nakayukom na ang kamay naming lahat at nangingilid na ang luha namin. Oo, pati ako naiiyak.
"Mga unnie naman! Huwag na kayong umiyak! Naman eh. Please naman." Sabi ni Seo habang aligaga na pinupunasan ang mga luha namin. Pero miski siya naiyak narin.
"Don't worry unnies, ako ang gaganti sa kanila. In my own way, I promise na hindi ko sila sasaktan physically or emotionally." Doon naman kami napatahan sa sinabi ni Seo.
"Anong gagawin mo?" Tanong ni Hyoyeon habang nagpupunas ng luha niya.
"Simple lang po. I will defeat them sa academics and we will defeat them sa mga contests." Nakangiting sabi niya kaya lahat kami napangiti.
"Nice idea Seo, kaya love ka namin eh!" Pagsang-ayon ni Yoona kay Seo.
"GROOOUUPP HUUUGGG!" Sabay-sabay na sigaw namin at nag group hug. Im so blessed na nagkaroon ng kaibigan na katulad nila.
"Saranghae Girls." Mahinang sabi ko. Ngumiti naman sila.
"Nado saranghae!" Sigaw nila at nagtawanan kami. This is us. :D
------------------------------------
A/N: It's a miracle! Nasipagan akong mag UD. XD Anyways, WELCOME TO THE PHILIPPINES POPE FRANCIS!
BINABASA MO ANG
Love Hate? [EXOSHIDAE ff.]
FanfictionWARNING: Kasalukuyan ko po itong ine-edit kaya kung may mababasa man kayong kahit anong error, pasensya na. Salamat sa lahat ng nagbasa, nagbabasa at magbabasa pa lang! Love lots~ P.S: 2012 ko pa 'to ginawa kaya pagpasensyahan niyo na kung may mga...