Chapter 70

2.1K 80 4
                                    

Suho's POV


Second day na ng stay namin dito sa Bora, nag swimming lang naman kami kahapon, ngayon naman ay magkasama kami ni Charice sa mga tindahan ng pasalubong.


"Ano pang gusto mo?" Tanong ko, puro kasi para sa anak namin ang binibili namin at para sakin. Ayaw niyang bumili ng para sa kanya.


"Hmm. Okay na yan." Sagot niya at aalis na sana ng hilahin ko siya.


"Hindi ka ba bibili ng para sayo?" Tanong ko, humarap naman siya sakin at ngumiti.


"Hindi naman ako sanay na bumibili para sa sarili ko gamit ang ibang pera." Sagot niya, napailing naman ako.


"Diba mag-asawa na tayo? Edi kung ano yung pera ko, pera mo narin." Paalala ko, napakamot naman siya sa batok niya.


"Ako nalang pipili ng para sayo." Suggestion ko, tumango naman siya.


Ang mga pinili ko ay yung hindi masyadong pambabae, hindi naman mahilig sa ganun 'tong si Charice. Tsaka para narin hindi siya manyakin ng mga nandito. Naka-simpleng white shirt at tokong nga lang siya ngayon pero kung maglaway naman yung mga lalaki. -____-


"Busangot nanaman yang mukha mo." Saway niya sakin at pinalo ang mukha ko, brutal talaga ng babaeng 'to.


"Kailan talagang hampasin?" Reklamo ko, sinamaan naman niya ako ng tingin.


"Nagrereklamo ka?" Nakakatakot na tanong niya kaya agad akong umiling at kumuha nalang ng mga damit para sa kanya.


Grabe kaya magalit yang si Charice, tanda ko dati nagalit yan tapos hindi niya pinakita sakin yung anak namin nang 3 araw. T^T


Pagtapos naming mamili ay pumunta na kami sa room namin, nakakapagod kaya. Tsaka namumula na ako sa sobrang init, sa puti ko banaman edi halatang yung pagkapula ng balat ko.


Agad akong humiga sa kama, si Charice naman ay inaayos yung mga pinamili namin, gusto ko sana siyang tulungan kaso napagod talaga ako. Ako kasi yung pinagbuhat niya.


"Ayos ka lang?" Tanong niya at tinabihan ako, nakadapa ako sa kama siya naman ay naka-upo.


"Ako? Ayos? Oo naman!" Sarcastic na sabi ko, napailing naman siya at inihiga ako ng maayos, anlakas talaga ne'to.


"Sorry naman, pahinga ka muna." Sabi niya, aalis na sana siya ng hilahin ko siya pahiga at yakapin.


"Dito ka lang." Bulong ko habang nakapikit, naramdaman ko namang humiga siya ng maayos at niyakap rin ako.


"Opo. Pahinga ka na. I love you." Napangiti naman ako.


"I love you too." Sagot ko.

Love Hate? [EXOSHIDAE ff.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon