Taeyeon's POV
Oh diba, may POV na ulit ako? Hahahaha. Okay, masaya lang talaga ako kasi masaya narin ang Girls. Eto nga at ganadong-ganado silang pumasok ngayon at miski si Sica kay maagang nagising.
Pagkarating namin sa school ay nagulat kami sa nakaabang samin, yung mga 'ex-girlfriend' ng EXO, napakunot naman ang noo ko. Aawayin ba nila kami?
"SNSD" Sabay-sabay na pagtawag nila saamin, bigla naman akong kinabahan.
"May kailangan ba kayo?" Lakas loob na tanong ko, nagulat naman ako ng ngumiti sila.
"We're very happy na nagkaayos na kayo ng EXO, yes minahal namin sila pero hindi naman kami ganoon kasama para paghiwalayin pa kayo dahil alam naman namin na kayo yung mahal nila." Panimula nung ex ni Kai.
"Kahit masakit saamin ay tinanggap namin na hindi talaga sila para saamin at saka sila ang childhood friend namin kaya hindi kami galit sa kanila na ginamit nila kami." Nakangiting sabi nung ex ni Tao.
"We're very sorry sa mga sinabi namin sa inyo noon. We'll make sure na hindi na kami manggugulo sa inyo. Please forgive us." Sabi naman nung girlfriend ni Kris, ngumiti naman ang Girls at syempre ako. Sabay-sabay kaming nag-bow sa kanila at nginitian sila.
"Pinapatawad na namin kayo." Sabay-sabay naming sabi, napangiti naman sila.
"So friends?" Tanong nung ex ni Chanyeol.
"Sure!" Sabay-sabay na sigaw namin at nag group hug. At ayun nga sabay-sabay na kaming pumunta ng room at lahat sila ay nagulat ng makita kami lalo na ang EXO.
"Ba't ganyan kayo makatingin? Para kayong nakakita ng multo." Natatawang sabi nung ex ni Sehun kaya nagtawanan kaming Girls.
"Okay na kayo?" Takang tanong ni Lay.
"Isn't it obvious?" Masayang tanong ni Hyoyeon pero may halong sarcasm. Loka talaga.
"Good." Nakangiting sabi ni Suho, nag thumps up naman kami.
Luhan's POV
Masaya ako at nagkaayos na kami, syempre sino ba namang hindi? Hahahaha. At saya din ako kasi magkakaibigan yung 'ex' namin sa SNSD. Akala kasi namin panibagong gulo nanaman pero mali kami.
"Ang creepy mo" Biglang sabi ni Fany kaya napatingin ako sa kanya habang nakakunot ang noo ko.
"Bakit naman?" Tanong ko, napatawa naman siya ng mahina. Damn, ang ganda niya talaga.
"Ngumingiti ka kasi mag-isa habang nakatulala." Natatawang sabi niya kaya napatawa rin ako, nakakadala kasi yung tawa niya.
"Masaya lang talaga ako at okay na tayo." Nakangiti kong sabi. Napabuntong hininga naman siya.
"So far, yes. Pero may problema pa tayo sa mga parents natin." Malungkot na sabi niya, inakbayan ko naman siya at ginulo ang buhok niya.
"Ano ka ba! Magsaya muna tayo no, tsaka maaayos din ang lahat." Nakangiti kong sabi kaya napangiti rin siya. Ang ganda, shet.
"Ayan, edi ngumiti ka rin. Na-miss ko yang eyesmile mo." Sabi ko at kinurot yung pisngi niya. Nag-pout naman siya kaya napatawa ako ganun din siya.
Sehun's POV
Nandito kami ngayon nina Yoona, Sooyoung, at Tao sa canteen, syempre sinasamahan namin ang mga mahal namin na kumain, okay corny. Hahaha.
"Say ahh Sooyoung ko~" Paglalambing ni Tao at sinubuan si Sooyoung ng sushi. Kainggit naman 'tong dalawang 'to. Napatingin naman ako kay Yoona na nakanguso na.
"Bakit Yoona?" Pagtatanong ko kung ba't siya nakanguso, lalo naman siyang napanguso. Aba, halikan ko kaya 'to.
Konsensiya: Kailan ka pa naging Manyak ha? Oh Sehun!?
Sabi ko nga eh, hindi ko siya hahalikan. T.T
"Wala." Halata sa boses niya ang pagtatampo, may namuo namang kalokohan sa isip ko.
"Naiinggit ka sa kanila no?" Pang-aasar ko sa kanya.
"Hmp! -3-" Pagtatampo niya at lalong nag-pout. Kumuha naman ako ng slice ng cake at tinusok sa tinidor.
"Say ah Yoona ko~" Paglalambing ko, napatingin naman siya sakin pero naka-pout parin. Nako, 'tong Yoona ko talaga. Hahahah.
"Huwag ka na magtampo Yoona ko, Say ah na~" Napangiti naman ako nang isubo niya, ginulo ko naman ang buhok niya at napangiti siya.
"Namiss kita Yoona ko." Full of sincerity na sabi ko, grabe hindi na ako 'to. Kilala ako bilang evil maknae at iba ang ugali ko kina hyung. Pero syempre, ibang usapan 'to mahal ko 'to eh. Hahhaha.
"Namiss ko din ang sarili ko Sese. Hahahahha!" Sabi niya at humalagpak ng tawa, kahit nakakainis ang sinabi niya ay napatawa rin ako, nakakahawa kasi siyang tumawa.
Hyoyeon's POV
Nandito kami sa Dance studio sa school ngayon, syempre kasama ko si Lay.
"Oh, anong sunod nating sasayawin?" Pagtatanong ko habang nagpupunas ng pawis.
"Ha? Nagsasayaw ba tayo?" Napabusangot naman ako, hay akala ko naman kapag kasama niya yung mahalaga sa kanya hindi siya nagiging makakalimutin. So, hindi na ako mahalaga sa kanya ngayon?
"S-sorry, ako lang pala yung nagsasayaw." Sabi ko at nag fake-smile, tumalikod na ako at pupunta na sana sa may sound system pero may naramdaman akong yumakap sa likod ko.
"Ito namang Prinsesa ko, syempre joke lang yun. Mahalaga ka sakin kaya hindi ako makakalimot kapag nasa tabi mo ako." Sabi niya, hinila naman niya ako paharap sa kanya at niyakap ulit, napalo ko naman siya sa likod niya, narinig ko naman siyang tumawa.
"Nakakainis ka! Akala ko hindi na ako mahalaga sayo!" May halong pagtatampo na sabi ko.
"Hahahaha! Ibig sabihin mahalaga rin ako sayo? Natakot ka na baka hindi ka na mahalaga sakin?" Naramdaman ko namang namula ako sa tanong niya, hinarap naman niya ako at inipit niya yung mukha ko sa mga palad niya.
"Ch-che! Tara na nga, sayaw na ulit tayo!" Pag-iiwas ko at tumalikod na sa kanya, tumawa naman siya at hinila ulit ako paharap sa kanya.
"Ito naman tampo agad, mahal parin kita
BINABASA MO ANG
Love Hate? [EXOSHIDAE ff.]
Fiksi PenggemarWARNING: Kasalukuyan ko po itong ine-edit kaya kung may mababasa man kayong kahit anong error, pasensya na. Salamat sa lahat ng nagbasa, nagbabasa at magbabasa pa lang! Love lots~ P.S: 2012 ko pa 'to ginawa kaya pagpasensyahan niyo na kung may mga...