Chen's POV
Nandito ako sa may labas ng event ng engagement ng EXO at SNSD. Wala din naman kasi akong magagawa doon. -__-
"Raven." Bulong ko ng matapos ng isulat sa may buhanginan dito ang pangalan niya. Nakaka-miss naman ang batang 'yon.
"Ang ganda talaga ng pangalan ko." Unti-unti akong napalingon sa nagsalita. Halos mamutla ako ng makita siya.
"Oh, para ka namang nakakita ng multo." Natatawang sabi niya. Agad ko siyang nilapitan at binatukan.
"Walangya ka talagang bata ka! Hindi mo man lang sinabi sakin na nag-debut na kayo!" Sabi ko habang nakaipit ang ulo niya sa braso ko at ginugulo ang buhok niya.
"O-oy tigil na!" Sigaw niya at kumawala sa pang-iipit ko sa kanya.
"Pasalamat ka talagang bata ka at mahal kita, kundi nabaon na kita sa buhangin." Sabi ko sa kanya, oo si Raven nga.
"Ch-che! Tumigil ka nga." Nauutal na sabi niya at nagblush pa kaya agad ko siyang sinundot sa tagiliran.
"Kinikilig si Raven. Yiieeh." Pang-aasar ko sa kanya at kiniliti na siya.
"Hahaha! T-igil! Hahahaha" Pati ako napapasabay sa tawa niya, hanggang sa napa-upo na kami sa buhanginan at kinikiliti ko parin siya.
"Hahahaha! T-tama na! Hahaha!" Itinigil ko na ng makita kong namumula na siya sa kakatawa.
"Kainis ka talaga!" Sigaw niya at pinalo pa ako ng maka-recover siya. Tatayo na sana siya ng hilahin ko ulit siya paupo at iniharap sakin.
"Raven, kahit lagi akong loko-loko at binansagang troll ng grupo. Kahit lagi kitang inaasar at kinukulit, mahal na mahal talaga kita. Noong pinakilala ka sakin ni Tito Sooman ay akala ko magiging kapatid lang ang turing ko sayo pero lumagpas pa ang pagtingin ko sayo. Akala ko nung una wala lang siya pero ng makauwi kami dito sa Pinas ay lagi na kitang hinahanap kaya naman ng magkita tayo ulit ay niligawan na kita. Ikaw ang pinaka-una kong minahal, Raven. At hindi ko alam kung magiging masaya ako kapag wala ka. Walang halong troll o biro, mahal na mahal talaga kita." Mahabang lintanya ko sa kanya. Nakita ko namang naiyak na siya kaya agad ko itong pinunasan.
"Alam kong hindi ito romantic place pero tatanungin na kita." Sabi ko at tinayo siya, lumuhod naman ako sa harapan niya.
"Will you be my girlfriend?" Diretsong tanong ko, grabe kinakabahan ako. Antagal niya kasing sumagot.
"Raven naman. Ano na?" Tanong ko, hinigit naman niya ako patayo at niyakap.
"Oo Chen, yan talaga ang iniintay ko." Naiyak na sabi niya, agad ko naman siyang niyakap ng mahigpit.
"Thankyu Raven. Hinding hindi kita lokokohin, mahal na mahal kita." Naiiyak na sabi ko, naiiyak ako sa sobrang saya. Kahit naman loko-loko ako ay may karapatan naman akong maging ganito kasaya.
"I love you too Chen." Sagot niya, hinalikan ko naman siya sa noo at ngumiti.
"AYIIIEEEH!" Napatingin kami sa likod ko at nakita doon ang EXO at SNSD.
"Owemji Chen! Binata ka na!" Natutuwang sabi ni Taeyeon habang nagpupunas ng luha.
"Congrats Chen at sinagot ka na." Nakangiting bati ni Suho.
"Grabe! Hindi ko na kaya! Kinikilig talaga ako! Bakit kasi hindi ganoon ka-sweet 'tong si Kai!" Kinikilig na sabi ni Yuri at pinaghahampas pa si Kai kaya napatawa kami.
"GROUP HUG!" Sigaw ni Tiffany kaya nag-group hug kami.
Nang maghiwalay na kami ay hinalikan ko bigla sa pisngi si Raven at tumakbo na palayo.
"NAKAKAINIS KA JONGDAEEE!" Narinig kong sigaw niya habang hinahabol ako. Tawa naman ako ng tawa.
Sa wakas, naging kami narin ni Raven. :)
BINABASA MO ANG
Love Hate? [EXOSHIDAE ff.]
FanfictionWARNING: Kasalukuyan ko po itong ine-edit kaya kung may mababasa man kayong kahit anong error, pasensya na. Salamat sa lahat ng nagbasa, nagbabasa at magbabasa pa lang! Love lots~ P.S: 2012 ko pa 'to ginawa kaya pagpasensyahan niyo na kung may mga...