1

6K 196 12
                                    

Seohyun's POV

"Gising na po!" Nakita ko namang natawa si Hyoyeon sa ginawa  kong pagsigaw. Ansakit sa lalamunan, jusko. Kami kasi ang nagluto ni Hyoyeo para sa breakfast kaya ito kami rin ang taga-gising.

"Grabe ka Seo!/ Pwede ng alarm clock!/ Basag ata eardrums ko eh!/ Seo naman!/ Sarap ng tulog ko eh!/ Bad ka Joohyun ha!/ Nahulog tuloy ako sa kama!" Natawa naman kami ni Hyoyeon sa mga reklamo nila. 

"Ano, pwede na bang alarm clock si Seohyun?" Natatawang tanong ni Hyoyeon.

"Pasado. Pati ako nagising." Nagtawanan naman kami sa sinabi ni Jessica, siya kasi ang pinaka-antukin saamin eh. Haha.

"Kain na po tayo." Pag-aaya ko. Sumunod naman sila at kaunahang tumakbo ay sina Sooyoung at Yoona. 

"Taeyeon. Nag-text si Tito, tayo nalang daw ang magpreform sa Monday." Sabi ni Sunny. Si Tito Sooman kasi ang may-ari ng school na pinapasukan namin. 

 "Wala ba ang SuJu? Asar ha." Naku, tinamad nanaman si Jessica. Pero sabagay, medyo nakakatamad nga. 

"Teka, kakausapin ko lang." Sabi ni Sunny at lumabas muna ng Dining area. 

Tahimik lang kaming nakain habang wala si Sunny, at ilang saglit pa ay nakabalik na siya.

"Girls. May ibang gagawin pa daw kasi ang SuJu. Tapos ang sabi ni Tito, pupunta tayong school ngayon para mag-practice. May sasamahan daw tayong transferee na magpeperform." Pagpapaliwanag ni Sunny. Tumango nalang kaming lahat, as if naman kasi na may magagawa pa kami hihi.

"Sige. Bilisan niyo na at pupunta pa tayong school." Utos ni Taeyeon kaya sumunod na kaming lahat, hindi rin naman uso samin ang salitang 'late'. 

Saturday pala ngayon kaya wala kami sa school. Kakasimula palang rin naman ng pasukan kaya pwede pa ang transferee, basta may talent and brain.

Sunny's POV

Ang Suju talaga! Alam naman naming nagsisinungaling lang sila na may gagawin sila. Sus, tinatamad lang ang mga 'yon. Anyway, papunta na kami sa University. 

"Sino kaya yung mga transferee no?" Biglang tanong ni Taeyeon. 

"Hindi namin alam Taeng. Pare-parehas lang tayong galing sa bahay." Nabatukan naman ako ni Taeyeon dahil doon. Totoo naman kasi ang sinabi ko eh. 

"Namilosopo ka pa Sunkyu!" Inirapan ko nalang siya at nanahimik. 

Pagdating namin ng school, agad-agad kaming dumiretso sa office. Mabuti nalang at kaunti lang ang may saturday class. Baka pagkaguluhan pa kami. 

Kumatok ako sa pinto at pumasok na. Sumunod naman ang girls. 

Nakita naming may kinakausap si Tito na 1,2,3..... 12 na lalaki. Andami naman nila.

"Oh girls, nandyan na pala kayo." Pagpansin sa amin ni Tito ng mapansin niya kami, sa wakas.

"Ay wala Tito, standee lang namin 'to." Pambabara ni Hyoyeon. 

"Boom Basag!" Nagtawanan naman kami pati si Tito nakitawa narin pero yung mga lalaki ay naka-kunot lang ang noo. Shet, ang cute nung medyo chubby na maliit tapos may hawak na siopao.

"Anyway Girls. Pinapakilala ko pala sa inyo ang EXO." Literal na nanlaki ang mata namin. EXO? EXO!?

"EXO!?" Sabay-sabay na sigaw namin. Napakunot naman ang noo ng EXO at ni Tito.

"E-exo?" Bulong ni Seohyun at biglang tumakbo palabas ng office kaya nagsisunuran ang iba.

"Tito I'm sorry pero, aalis po muna kami." Sabi ko. Tiningnan ko ulit si Xiumin at tumakbo palabas. 

Nakita nanaman namin sila. Ayoko na. Akala ko, ibang lalaki ang nakita ko kanina. Si Xiumin parin pala. 

-----------

A/N: Sa SNSD po, si Seohyun lang po ang pinakabata at ang rest ay magkaka-edad. Sa EXO naman po ay si Sehun lang, pero magka-edad sila ni Yoona. So, sa story na 'to, si Seohyun ang pinakabata. Fan fiction only.

[Edited version (2017)]

Love Hate? [EXOSHIDAE ff.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon