Chapter 36: A date with HIM.

429K 7.3K 798
                                    

This chapter is dedicated to LEENAI_214 na LIKE-NA-LIKE tong story ko! Salamat sa support at pagiging CERTIFIED CLASHER! Mwuah! :*

Nga pala, BRENT on the side... (Yap it's Lee Min Ho. Haha ;))

Chapter 36: A date with HIM.

“Anak, bilisan mong kumilos. Nanjan na si Brent sa baba” Sabi mommy sakin at agad na lumabas ng kwarto ko. Medyo napapadalas na pala yung paglabas namin ni Brent. Namiss namin yung isa’t isa eh. Walang malisya ah, kaibigan lang talaga yung turing ko sa kanya at sa tingin ko ganun din naman siya, ATA? Haha.

Pagbaba ko ng hagdan,

“Paganda ka ata ng paganda?” Bati niya.

“Nako! Nag amerika lang naging bolero na.” Natatawang sabi ko.

“Osige. Humble pa nga!”

“Ewan ko sayo!”

“EHEM. Baka gusto niyo nang lumakad? Anong petsa na.” Sabi ni Daddy. Oo, tambay siya sa bahay ngayon. Masyado na kasing busy lately e, at oo ulit kasi, kilala niya din si Brent. Close sila ni Daddy.

“Sige po. Una na kami” Paalam niya. Mabait pa rin si Brent, yun nga lang medyo naging ‘playboy’ yung dating niya. Hehe.  Sa states ba naman nag stay for two years! Mga liberated pa naman karamihan dun!

Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya. Kahit papaano naman nawawala na yung gap naming dalawa since matagal kaming di nagkita. Sabi nga nila Lexi baka magkadevelopan naman daw kami. AS IF NAMAN! XD

“Oy nangiti ka magisa diyan?”

“Bawal na ba?”

“Sorry na. Hahaha gumaganda ka kasi lalo e” Hinampas ko nga.

Loko talaga! Alam niyo ba kung saan kami pupunta?

Mag-mamall kami. ^___^

“Shakey’s tayo!” –ako

“Mas okay kung sa Max’s” –Siya

“Eh ayaw ko dun! Sbarro kaya?’ –Ako

“Ayaw ko rin dun! Sawang sawa na ko sa mga ganyan! Eh kung sa Razon’s?”

“EH KUNG WAG NA LANG KAYA TAYONG KUMAIN?! >.<” Kainis eh. Hindi kami talaga madalas magkasundo ng lalaking to!

Clash of the Campus Royalties (CCR) - (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon