"Anong pinagsasabi mo?!" Sigaw ni Bea. Biglang itong kinutuban at napatingin sa kinalalagyan nila Fretzie.
Laking gulat niya nang makitang wala na ang mga ito. Nanginginig sa galit niyang tinignan si Anya.
"ASAN SILA?! ANONG GINAWA MO?!!" Galit na sigaw ni Beatrice.
"Tumigil ka na Bea! Pabayaan mo na sila!" Sigaw ni Anya. Napabuga ng hangin si Bea sa sinabi ni Anya.
"Why would I? I started this clash---No, I created this war, tapos sasabihin mong tumigil na ako?" Sagot ni Bea. Agad niyang pinagtatawag yung mga tauhan niya.
"ANG TATANGA NIYO! PAANO KAYO NATAKASAN NG MGA YUN?! HABULIN NIYO AT IBALIK NIYO SILANG LAHAT DITO!" Utos niya sa mga ito at agad na itinali si Anya.
"Ipagdasal mo na bumalik sila dito kasi kapag hindi... ikaw ang papatayin ko." Banta ni Bea.
Nagulat si Trixie sa narinig. Hindi alam ni Bea na kanina pa siya nakadungaw sa itaas at tahimik na nanunuod sa dalawa.
Kinuha niya agad yung phone niya at tinawagan yung driver niya na naghihintay sa labas ng abandonadong gusali.
"M-manong..." Nanginginig at kinakabahang umpisa ni Trixie. Alam niyang panibagong katangahan nanaman ang gagawin niya pero bilang kaibigan kailangan niya itong gawin.
***
"Bilisan niyo!" Hinihingal na sabi ni Lucy kila Fretzie habang tumatakbo.
"Paano si Trixie at Anya? Naiwan sila sa loob!" Nagaalalang sabi ni Fretzie. Natigilan si Lucy.
"Kaya nga bilisan niyo! Babalikan ko pa yung mga kaibigan ko sa loob!" Natataranta na din si Lucy at kinakabahan sa nangyayari kila Anya.
Nakahinga sila ng maluwag nung makita nila yung kotse ni Trixie.
"Yan yung ginamit namin para sundan kayo. Dali! Pumasok na kayo, nasa loob yung driver ni Trixie. Antayin niyo kami nila Anya dito babalikan ko lang sila." Sabi ni Lucy. Hindi na napigilan ni Monique ang sarili at agad na niyakap si Lucy.
"Lucy salamat..." Sabi ni Monique, hindi pumasok sa isip niya na sila Lucy pa ang taong magliligtas sakanila.
Akmang bubuksan na ni Ashley yung pinto ng kotse ng bigla itong humarurot paalis.
Nanlaki yung mata ni Lucy sa nangyari. Ganun din sila Monique.
"MANONG SANDALI LANG!!!!" Sigaw ni Lucy. Pilit nilang hinabol yung sasakyan ngunit masyado itong mabilis.
"B-Bakit umandar bigla?" Di makapaniwalang tanong ni Ashley. Nanlalaki yung mga mata nila. Yung pag-asa nila para makaligtas sa nakakatakot na lugar na ito ay... nawala na.
"Hindi ko din alam!" Sagot ni Lucy. "Paano na? Sabay sabay tayong mamatay dito?!" Naiiyak na sabi ni Lucy.
"Hindi kayo mamamatay kung sasama kayo samin!"
Nanlaki yung mga mata nila sa narinig. Dahan dahan nilang tinignan yung nagsalita sa likuran nila at unti-unting nanghina.
"Nasundan na nila tayo." Malungkot na sabi ni Fretzie.
"Wala na ba tayong pag-asang makaligtas dito?" Nanghihinang bulong ni Ashley habang tinitignan yung mga tauhan ni Beatrice.
"Actually... meron pa. I don't know kung paano sila makakarating agad dito pero we still have a chance." Sabi ni Lucy habang hawak ang kamay ni Monique.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Monique.
"Natawagan ko si Bryan kanina pero namatay agad yung phone niya kaya cannot be reached siya kanina. Nasabi ko na kinidnap kayo ni Beatrice and there namatay na yung phone niya. I guess natawagan na rin ni Trixie si Scott that's why busy yung line niya nung tinatawagan siya ni Bea. At kanina tinawagan na rin ni Bea ang kuya mo. Siguro naman may chance pa tayong mabuhay?" Tanong ni Lucy.
BINABASA MO ANG
Clash of the Campus Royalties (CCR) - (PUBLISHED)
RomanceQUEENS OF WALDEN HIGH VS. KINGS OF HARTFORD ACADEMY Let's get it on!!!!