Chapter 60: The EX. :)

335K 5.6K 1.5K
                                    

Chapter 60: The EX. :)

Fretzie’s POV

Nandito ako ngayon kila Monique kasi magmomovie marathon kami ni Yats. About sa issue kahapon? Pipilitin na lang naming kalimutan yun, sabi na rin sakin ni Ethan kagabi na wag ng alamin kasi ayos na ang lahat. Sino ba naman ako para makielam pa diba? Ang importante, masaya ako at masaya kami.

Nakasalubong ko pa si Monique sa sala nila.

“Saan ka pupunta?” Tanong ko. Bihis na bihis kasi ang bruha, napakafashionista talaga. Parang laging nagfafashion show eh.

“May date kami ni Pogs. ^____^” Ohhhh… Buti ayos na sila. Kagabi kasi nagsumbong samin yan! War daw sila, as if namang kaya siyang tiisin ni Bryan. Haha!

“Kayo na! Baka magkapalit na kayo ng mukha niyan!”

“Okay lang! Ang gwapo kaya ng Pogs ko!”

“Mukha niya pero porma mo. Parang ang sagwa nun noh? Hahaha!”

“=____=”

“GANDS!” Speaking of, nandiyan na yung pogs niya.

“Waaaaah! Ang pogi mo talaga Pogs! *___*”

“Ang ganda mo talaga Gands.” Pinisil niya pa yung pisngi ni Monique.

=______=

Yuck. Nakokornihan ako. Hahahaha!

“Yung kotse mo?” Tanong ni Monique kay Bryan.

“Dala ko.” Tapos nginitian niya si Monique. Mahilig kasing magmotor tong si Bryan eh kaso maarte lang talaga si Monique, ayaw sumakay sa motor. =___=

“ANG BIGAT KAYA NUN POGS!” Sigaw ni Monique sabay hampas sa balikat ni Bryan. Natawa na lang ako sa kanilang dalawa. Jusko, The CORN COUPLE!

Clash of the Campus Royalties (CCR) - (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon