Chapter 69: Daring Truth

356K 7.9K 4.9K
                                    

Chapter 69: Daring Truth

 

Ashley’s POV

 

 

 

“Anong ginawa mo dati kay Gian at nagkaganyan siya ngayon?!” Agad na tanong ni Lexi.

I was like, that was the perfect question! Sana lang, sana lang sagutin ni Bea… sana magsabi siya ng totoo kasi baka pag nangyari yun maintindihan ko si Gian. Maintindihan ko kung bakit ganun siya kabilis napatawad nito. Tinignan ko si Gian, wala man lang siyang reaksyon.

“That’s too personal!” Sigaw ni Beatrice. Nakita kong hinigpitan ni Lexi yung pagpisil sa kamay niya. “Ouch!!!”

“Sagutin mo. Hindi ko bibitawan tong kamay mo hanggang sa mabali mga daliri mo!” I was expecting na may pipigil ka Lexi. Akala ko pipigilan siya ni Gian o kaya kahit sila Scott at Bryan pero nanunuod lang din sila and that makes me even more eager to know the truth. I want to beg her to speak and answer honestly.

“I said that question is too much! Ano ba! Hindi na laro tawag dito ah---OUCH!!!” Bawat reklamo ni Beatrice humigpit yung pisil ni Lexi.

“Wag kang makipagtigasan sakin Bea. Matatalo ka lang” Banta ni Lexi.

I felt Cyrus’s hand on my shoulder. Pansin niya rin siguro yung tense, hindi na ko makahinga. Feeling ko maiiyak na ako.

Nagulat kaming lahat nung biglang tumayo si Gian.

“Why don’t you just tell them the f*cking truth?! You’re ruining the game.” Sobrang cold ng pagkakasabi niya kay Beatrice tsaka siya umalis at nagpunta sa garden.

Gusto ko siyang sundan pero gusto kong marinig yung isasagot ni Bea.

Tinignan kami ni Beatrice na parang pinagtutulungan namin siya which is somewhat true. I can see it in her eyes na nasasaktan siya, physically and emotionally.

Nakita ko kung paanong buong pwersa niyang binalibag yung kamay ni Lexi na mahigpit na nakahawak sa kamay niya at agad na tumayo.

Clash of the Campus Royalties (CCR) - (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon