Chapter 61: WE ARE THE QUEENS

350K 5.8K 896
                                    

Chapter 61: WE ARE THE QUEENS

[Ashley's POV]

Nagtext sakin si Fretzie, pinapapunta niya kami sa bahay nila. Kahit sobrang antok na antok ako sa pagiistalk sa account ni Gian kagabi, wala akong nagawa kundi ang sumunod.

Hindi naman magpapatawag si Fretzie kung hindi importante eh.

Saktong pagdating ko, kakapasok lang nila Lexi at Monique.

"Bat nagpatawag yan? Inaantok ako..." Sabi ko pagkaupo sa sofa nila at humikab. Feeling ko, mukha na talaga akong panda ngayon. Hay... Namimiss ko si Gian. >__<

"Malay! Ako nga nakikipagdate pa kay Pogs eh. >3<" Nakapout na sabi ni Monique.

"Hay. Buti pa ako, walang ginagawa sa bahay!" Sabi ni Lexi, pansin kong medyo matamlay siya ngayon. Di pa rin siguro sila ayos ni Scott.

"Di pa rin kayo bati ni Scott? Wow.. " Nabigla ako. Sa kanilang dalawa ni Monique, sila ni Scott yung ineexpect kong magkakaayos kaagad.

"Ang arte nung isang yon. Bahala siya, hindi ako yung unang makikipagbati sakanya."

"Hindi mo ba siya namimiss?" Tanong sakanya ni Monique.

"H-Hindi!"

Clash of the Campus Royalties (CCR) - (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon