Chapter 63: Ilang tawa?

353K 6.3K 1.5K
                                    

Dedicated to her kasi ano...nung may literal na nanggaya sa CCR feeling ko mas nagalit siya sakin. HAHAHA! De nafeel ko yung concern niya sakin. Tsaka ang active niya sobra, kaya natandaan ko agad. Hello~ Gusto ko lang malaman mo na... nahirapan akong hanapin yung account mo sa wattpad! HAHAHA! Nakareserve na tong chapter sayo. Kung di ko pa naalala na nagpost ka dun sa wall ng manggagaya di ko pa makikita yung account mo. Ingat ka lagi diyan sa Australia! Mwahmwah! :*

Pati pala yung mga clashers na nagPM, nagcomment, nagpost at nagparamdam sakin na kahit anong panggagaya yung gawin nila sa story ko eh, nandiyan sila para sumuporta sakin. Grabe, di ko alam na aabot dun.  Haha. All i'm waiting is an apology then okay na sana pero never heard anything from you so...wala. Wala akong madugtong! HAHAHA. K.bye. XD

Chapter  63: Ilang tawa?

[ASHLEY’S POV]

Nagdala lang ako ng konting damit since isang gabi lang naman ako kila Monique. Unlike Fretzie, hindi ko naman kailangang tumira dun ng isang lingo. Mababanas lang ako sa Beatrice na yun. Psh.

Palabas na ako para pumunta sa sasakyan na maghahatid sakin kila Monique nung may natanaw akong anino sa tapat ng gate namin.

Aba siyempre nagpanic ako! Agad kong tinawag yung guards namin pati na si Manong driver tsaka patakbong pumasok sa loob ng bahay. Let’s say isa to sa epekto ng pagkakakidnap namin sa Bora. By the way, walang nakakaalam sa parents namin about that incident. It’s a BIG secret.

“MA’AM ASHLEY!!!”

May kung anong kumalabog sa puso ko dahil sa sigaw ni Manong pagkapasok niya. Isang malakas na sigaw ang kumawala mula sa bibig ko na agad na ikinataranta ng mga katulong sa bahay. Nakita ko rin si Mommy at Daddy na nagmamadaling bumaba sa hagdan.

“A-Anong nangyayari dito?!” Malakas na sigaw ni Daddy. Napakamot ng batok si Manong at kinausap si Daddy habang si Mommy naman ay agad na lumapit sa akin.

“Mommy! May tao sa labas! Natatakot po ako!” Nanginginig ako. Paano kung binalikan ako nung mga lalaking kumidnap samin sa Bora?! AYOKO NAAA!!! Natatakot ako!

Yinakap ako ni Mommy. “Tahan na Ash. Don’t be scared, nandito naman kami ng dad mo. Ano bang nangyayari?”

“May nakita po akong tao sa labas Mommy! Nakita ko! Nakita ko! Mommy tumawag po kayo ng pulis, sige naaa!” Naiiyak kong pakiusap.

Clash of the Campus Royalties (CCR) - (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon