A Casual Weekend

318 5 0
                                    

Author's Note: Happy 25k, HYEBIL! The epistolary that only took me 2 months to finish because everything's just free-flowing. I think maybe it's because Dave's just dramatic so it was super fun writing them. HAHA!

Tysm for all your support. :)

***

Timeline: (3rd year together)

Marian's POV

"Hey, 'couz! You're waiting for my crazy cousin?" tanong ni Cci nang makalabas sa conference hall ng Ongpauco mansion. May meeting kasi roon silang mga elected politicians ng pamilya.

Tumango ako. Nakaupo ako sa isa sa napakaraming sala ng Ongpauco ancestral mansion at hinihintay si Archi. Hindi siya kasama sa meeting, pero nasa isang kuwarto siya kausap ang iba niyang mga kamag-anak. He insisted that I be there also, pero tumanggi ako. Usapang pamilya iyon. At kahit na pamilya naman ang turing nila sa akin, technically ay hindi ko pa dala ang apelydo nila kaya may limit pa rin kung hanggang saan ako lulugar.

"He's coming out shortly. Uncle's just discussing something with him," sabi niya saka naupo sa tabi ko. Si Cci ang pinakaclose ko sa lahat ng pinsan niya dahil siya ang pinakamagaling makisama. Walang masamang tinapay sa kaniya. Bagay nga sa kaniya ang maging pulitiko.

"So. . . tatakbo ka ba ulit, Konsi?" patuksong tanong ko saka binunggo ang balikat niya.

Mahina siyang napatawa. "Yeah."

Alam ko na iyon ang pinag-usapan nila sa loob ngunit hindi ko alam ang detalye. I've already seen it coming. Magsisimula na naman kasi ang eleksyon. Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang ay napagkasunduan siyang patakbuhin ng pamilya. But Cci was actually good at his job. He takes his job seriously--na marami ang nagulat lalo na si Archi dahil niloloko lang naman niya ang pinsan niya. Akala niya ay hindi ito magseseryoso.

"Baby!"

Napalingon ako sa tumawag. Lumabas sa isang kuwarto si Archi kasama ang mga magulang niya at ibang tiyuhin.

Kaagad siyang lumapit sa akin saka ako mabilis na hinalikan sa labi. "Hi, baby. Thanks for waiting." Narinig ko ring sumipol sa gilid ko si Archimedes. Nahiya ako at namula dahil sa inasal ng boyfriend ko. Hindi talaga ako masasanay na wala iyang pakialam sa paligid niya.

Naramdaman kong pumulupot sa baywang ko ang kamay ni Archi. Nahihiyang ngumiti ako kina Ma'am Eleonor at Sir Archibald. Ngumiti lang naman sila sa akin.

"Good evening po," bati ko. Hindi ko pa rin sila matawag na Tito at Tita kahit na ilang taon na kami ni Archi. Boss ko pa rin kasi ang nanay niya at madalas ay wala ng boundary ang personal trabaho kasi executive secretary niya ako.

"Hi, Marian. You're going on a date today?"

Tumango ako. "Opo. Punta po kaming Clark para mag-practice."

"Race's this weekend na, right?" Sir Archibald asked.

"Yeah, I remember!" sabat ni Cci.

"Yes, Dad. Will practice with Marian and the guys," my boyfriend replied.

Hindi na kami nagtagal sa mansion at umalis na rin. Tanghali na rin at halos isa't kalahating oras din ang drive papunta roon.

Nag-drive thru lang kami sa lunch bago nagderetso na sa Clark. Nang dumating kami roon ay naroroon na ang ilang crew ng team niya. Wala pa ang crew chief niya. Mamaya ay sasaglit rin sina Jj at Ryann para maki-karera sa kaniya.

Nagtungo kami sa may lamesa sa loob. Inilalabas na ang kotseng gagamitin niya habang nagsisimula na siyang i-brief ng assistant crew chief para sa magiging game plan nila.

Snippets and Special ChaptersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon