Author's Note: Thank you, all, for the love and support to HYEBIL. Happy 50k reads~ 🥳💗
Hope you enjoy this one!
🌹🌹🌹
(Timeline: 2 years married, pregnant with first child)
Marian's POV
"Does anything hurt, baby?" tanong ni Archi.
Lagi na lang niya akong tinatanong kung may masakit ba. Simula noong nalaman namin na buntis ako, grabe na iyong pag-aalaga niya. Nagsabi rin siya kay JP na bawasan na ang brand contents at partnerships kasi gusto raw niyang mag-focus sa 'kin. Sabi ko ay huwag na at hindi kailangan kasi five months pa lang ako at hindi naman maselan ang pagbubuntis ko.
"Walang masakit. Pang-ilang tanong mo na 'yan?" sabi ko.
Nakaupo kami ngayon sa sofa at nanonood ng Netflix sa malaking TV namin.
"Your face contorted, though," aniya saka nag-pout. I smiled to his attentiveness.
"Masakit lang ang likod ko." Symptoms ng buntis.
"Do you want a massage, baby? I took a lesson!" he smiled sheepishly. I nodded, to which he beamed.
Nag-enroll siya sa mga paternity lessons kaya alam na niya ang mga gagaw'in. Lagi rin kaming uma-attend ng counseling at iba't ibang exercise or activities para sa mga buntis. Napangiti ako dahil hindi pa pinapanganak ang baby namin ay napaka-hands on na tatay na niya. Ramdam ko ang pagmamahal niya sa baby namin.
Tumalikod ako sa kaniya. Kumuha siya ng efficasent oil saka minasahe ang likod ko. Pagkatapos ng likod, iniharap niya ako sa kaniya saka kinuha ang paa ko at ipinatong sa mga hita niya.
"I'll massage your legs and feet, too, baby."
I chuckled. "Okay."
"Buti you're not manas," sabi niya.
Sumimangot ako sa sinabi niya. Lumingon siya sa akin at napatawa nang makita ang itsura ko. He chuckled, "I mean, it's normal naman baby. But good thing you're not."
"Lagi naman akong naglalakad at nage-exercise," sabi ko. Binabantayan din ng OB ko ang weight ko.
"I know, baby."
Sabado ngayon kaya nasa bahay lang kami pareho. Maya-maya ay aalis kami para mag-grocery dahil wala na kaming stock sa bahay. Archi insisted that we have a helper pero tumanggi ako. Gusto kong maging hands on wife sa kaniya. Kaya ko pa naman ang mga gawaing bahay. Lagi rin naman niya akong tinutulungan.
Simula noong nabuntis ako, halos hindi na niya ako pinapagawa sa bahay na animo'y baldado ako. Siya rin ang nagpresinta na maglaba tuwing sabado na labis kong ikinatuwa. Sinong mag-aakala na magiging ganito siya. Lagi siyang niloloko ni Ryann na ang understanding daw niyang asawa. Natawa ako sa laman ng sinabi niya.
"Grocery or baby things?" tanong niya nang makarating sa mall.
Nakakapit ako sa braso niya habang naglalakad kami. Nakasuot ako ng yellow sundress na hanggang itaas ng tuhod ang haba saka white Oran sandals na regalo niya sa akin noong pasko. Siya naman ay nakasuot ng cargo shorts, navy blue polo shirt at Topsiders.
"Baby things," sagot ko habang tumitingin-tingin sa paligid. Pumasok kami sa department store dahil doon ko siya hinatak. Ang una kasi niyang pupuntahan ay iyong mga mamahaling shops, eh.
"I'll talk to Gwen to start pitching ideas for our baby's nursery," he said as were looking around.
Si Ryann ang gumawa ng bahay namin at si Gwen ang interior designer pero dahil engineer din naman si Archi ay halos nagbabatuhan sila ng ideas at design. Masaya ako sa kinalabasan ng bahay namin kaya sure akong magiging maganda rin itong nursery.
Busy akong magtingin ng iba't ibang klase ny baby set nang biglang yumakap sa likod ko si Archi saka pinadausdos ang mga kamay sa t'yan ko. He rubbed my swollen belly in circular motion habang nakapatong ang mukha sa may balikat ko.
"This one's nice. I like the color," aniya sa hawak kong color blue na baby set.
Inilibot ko ang paningin para sana tumingin pa ng iba nang mahagip ng mga mata ko ang mga naka-ngiting itsura ng sale ladies sa amin.
"Baby. . ." pag-agaw ko sa atensyon ni Archi.
"Hmm?"
"Nakatingin sila sa 'tin." Nilingon ni Archi ang paligid at mahinang napatawa. He kissed my left cheek before he stood up straight. Namula nang kaunti ang pisngi ko sa ginawa niya.
Sa huli ay hindi muna ganoon karami ang binili naming gamit. Sa department store muna kami nagpunta kasi nakaramdam na ako ng pananakit ng likod. Sa susunod na kami pupunta sa mga gustong puntahan ni Archi.
"Mag-isip na tayo ng mga kukuhaning ninong at ninang," sabi ko nang makauwi na kami sa bahay. Nakapag-ayos na kami ng pinamili at nakaligo na rin kami pareho. Ngayon ay nasa couch na ulit kami sa sala.
My husband likes cuddling. Clingy talaga siya kaya gusto niya akong niyayakap lagi. Nakahilig ang ulo ko sa balikat niya habang ang braso naman niya ay nakapulupot sa baywang ko, ang isang kamay ay humihimas sa t'yan.
"Okay."
"Sure slot na ba ang Jollibee and Friends?" tanong ko. Barkada niya ang mga ito at parang mga kapatid na kaya sinisgurado ko lang ulit. Ito pa naman ang unang baby ng barkada.
He nodded. "They'll make tampo if I leave one out. . . although baka si JJ lang pala since he's the dramatic one," he said, chuckling.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi ba ikaw 'yon?"
He chuckled at what I said. "Well. . . maybe true." Natatawang napairap ako bago kinuha ang notebook at ballpen.
"Okay. So si Red, JJ, JP, Ryann. . ."
"I wonder what our baby will learn from Ryann, though?"
Napailing ako.
"I mean, he's smart, yeah. But he's cold, sarcastic, sometimes rude, and damn, he likes to fuck a lot." Natawa ako sa itsura ni Archi habang sinasabi ang mga iyon. I caressed his jaw and kissed it.
"Best friend mo 'yon, bakit mo sinisiraan si Ryann?"
"Baby I'm just stating the truth!"
Nagpatuloy kami sa paglilista ng mga ninong at ninang at pag-iisip ng baby names.
Nahihikab na ako nang maramdaman ko ang kamay ng asawa ko na unti-unting sumusuot sa loob ng leggings na suot ko.
"Kamay mo," sita ko.
"Baka kaya pang maging twins, baby!" He wiggled his eyebrows suggestively, grinning at me.
Napairap ako. "Tapos na, wala nang pag-asa," sabi ko.
"It's okay, I still want it, though," aniya saka dahan-dahang kumalas sa akin at lumuhod sa harap ko. Napa-irit ako ng hilahin niya ang mga hita ko palapit sa kaniya dahilan para mapahiga ako sa couch.
Tawa siya nang tawa kaya hinampas ko siya. "Siraulo ka talaga! Buntis ako!"
"I'll be careful, baby!" Iyon ang huling sinabi niya bago ibaba ang leggings ko.
Jusko, anak. Napakalandi ng tatay mo.

BINABASA MO ANG
Snippets and Special Chapters
RandomThis book contains snippets and special chapters of my completed stories. Make sure you finished them first before reading this as this contain spoilers! :) Language: Taglish Book cover: @onlyyna