The One Where Ryann Tattooed Ava

119 6 3
                                    

Author's Note: Very short lang, just a snippet. HEHE.

❦ ❦ ❦

"Magaling ka bang mag-drawing?" nakataas ang kilay na tanong ko, hesitant pa rin na siya ang magtata-tattoo sa akin! Wala siyang experience! Mamaya pangit kalabasan, 'di pa naman nabubura ito. Ayokong maging experiment rat, noh!

He gave me a blank look. "I'm an engineer. Duh?"

Ay, oo nga pala. Civil engineer nga pala jowa ko.

Natawa ako sa itsura niya. Mukha siyang offended. Akala ko 'di siya seryoso noong sinabi niya na siya na ang magtata-tattoo sa akin noong nalaman niya na sa bikini line ko gusto magpa-tattoo kasi ang cool tingnan. I did not take him as a possessive jowa. But he said he didn't like other men seeing my private parts kahit na professional naman sila at wala lang 'yon sa kanila. At saka, as if maghuhubad naman talaga ako, noh! I'd still be covered, though. Territorial lang talaga siya, ayaw pa aminin.

"Eh, hindi naman building ido-drawing mo. Bulaklak naman," rason ko pa. Inirapan na lang ako ng magaling na lalaki.

Inayos niya na ang gagamitin niya. "I did train, though," he mumbled, not looking at me while assembling the needle.

Nagtatampo ba siya?

I internally laughed.

I know he trained for it. He's not reckless. He knows the consequences of having tattoos. And. . . I don't know. Ganoon ko ata talaga siya kamahal na kahit pangit kalabasan, okay lang. Memories pa rin. Art pa rin naman iyon. . . siguro. Pero sana talaga hindi pangit maging gawa niya!

"Take it off," aniya.

I easily took off my top, then leaned down on the tattoo chair. Inilapit niya ang upuan niya sa gilid ko dahil sa left side boob iyong location ng ipapa-tattoo ko.

It's an image of roses and thorns intertwined together that spans six inches long from my side boob to my side rib.

Naghihintay akong magsimula siya kasi nakatitig lang siya sa 'kin habang bahagyang nakataas ang kilay.

"What are you waiting for?" confused na tanong ko.

"Take your bra off."

"Huh? Kailangan ba?" takhang tanong ko.

He did not reply and just stared blankly at me.

"Ikaw, ha," tukso ko, wiggling my brows. "Hindi naman ganito sa ibang tattoo artist, ah. . ."

"How am I supposed to tattoo you?" he pointedly asked.

I chucked.

" Aysus, mga galawan mo. You just wanna see my boobies, eh."

"I can see it whenever and wherever I want," mayabang na sagot niya.

"Wow. Iyo?" natatawa kong tanong habang naiiling.

"Yes. Mine. It was just attached to your body, but it is mine."

Natawa ako sa itsura niya.

"Siraulo."

Hinubad ko din naman ang bra ko pero tinakpan ko ang boobs ko ng kamay ko. Pumwesto na kami para makapagsimula na siya.

"Aray!" sambit ko naya-maya.

He looked up at me weirdly. "You and Dave are the same. Pareho kayong OA."

"Wow."

The tattoo session lasted for almost two hours kasi maya't maya ko siya pinatitigil. Mabuti na lang at sanay na siya sa akin kasi for sure kung ibang artist ito, baka hindi na ako tanggapin sa susunod kasi ang dami kong demands.

My brow was raised as I gave an approving look at the tattoo he made. Nakaharap ako sa salamin habang takip pa rin ang dibdib habang siya naman ay nasa likod ko.

"What did I tell you?" Nanunuyang tanong niya.

I chuckled. "Oo na. Not bad for your first time. Pwede mo nang gaw'in business."

"Next time let's get a couple tattoo."

Napalingon ako sa kaniya nang nakataas ang kilay.

"Didn't peg you as someone who'd want anything couple-ly."

As usual, inirapan na naman ako. "Arte," sabi ko bago tumingkayad at pinatakan siya ng halik sa labi. . . na nauwi sa full-blown make-out session. #

Snippets and Special ChaptersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon