May mga bagay na hindi maipaliwanag ng puso at isipan, may mga bagay din naman na sadyang alam din natin ang sagot pero pinipilit nating iwasan. Pilit pinapaniwala ni Jam ang sarili na marahil ay bugso lamang ng sitwasyon ang mga nararamdaman niya sa mga oras na iyon at binigyan niya lamang ng ibang kahulugan ang bawat kilos at pagtratong pinapakita ni Kris sa kanya.
"In fairness ha, maganda ka pumili ng design ng ref magnet." Nag-aalangang nanginginig na boses ni Jam.
"Talaga ba? Bakit parang labas sa ilong mo?" pagsagang ni Kris sabay bawi ng "Biro lang. mukha ka kasing nabuhusan ng malamig na tubig d'yan."
"Haaa???" pagkagulat na sagot ni Jam. Tila napaisip kung masyado bang halata ang mga kinikilos niya.
"Ha? Ha ka d'yan, Hotdog!!! Halika na nga, luting ka ata eh. Baka gutom ka na naman. Kakatapos lang nating kumain eh puro ka kasi picture." Pagpuna ni Kris sa ginawa ni Jam.
"Malamang, 'di naman ako mayaman na kayang bumalik dito anytime ko gusto, tsaka I cherish the moments na first time ko." Pagdepensa ni Jam sa tukso ni Kris.
Habang naglalakad ang dalawa pabalik ay tila may nabuong pader sa pagitan nilang dalawa. Pinipilit nilang kausapin ang isa't isa subalit hirap si Jam na sagutin ang mga sinasabi ni Kris. "Nakapagbook na ko ng Grab papuntang terminal, medyo malapit na yung car." Sambit ni Kris na napansin ang biglang pagtahimik ng kaibigan.
"Ayan na yung itim na sedan." Pinagbuksan ni Kris ng pinto si Jam at walang reaksyon sa mga mukha nito.
"Salamat." Sabay pasok sa sasakyan si Jam.
Pagdating ng terminal ay hinanap nila ang pila pero tila nakakalito ang looban ng lumang bus terminal sa Malacca. Nakakuha na ng ticket si Kris pabalik ng KL Sentral.
***Ring! Ring! Ring!***
"Hello, Babe. Andito na ako sa bus, on my way back to KL. Why?" wika ni Kris habang kausap ang girlfriend na si Chloe sa phone.
"I see. Let's just talk once you get back to KL, okay? I'm sorry." sagot ni Chloe na tila malungkot ang boses.
"What are you sorry for?" naguguluhang tanong ni Kris.
"I know you're enjoying your vacation, let's just talk later." Sagot ni Chloe.
"Don't be sorry babe, okay? I'll call you as soon as I get back to the hotel. Bye!" Wika ni Kris. Sabay putol ng tawag ni Chloe.
Tinitignan ni Kris ang mga larawan nila ni Chloe sa kanyang cellphone. Iniisip nito na sana kasama niya ang girlfriend na mamasyal sa Malaysia. Nakatulog ang dalawa sa biyahe at biglang tumunog ang cellphone ni Kris.
***Ding! Ding! Ding!***
***3 messages received from Karlo***
"Dude! Where are you?"
"I mean I know nasa Malaysia ka now."
"May sasabihin ako. Online ka ba?"
Message ng matalik na kaibigan ni Kris.
***Ding!***
***1 message received from Chloe***
"Are you already in KL?"
Message mula kay Chloe.
***Ding! Ding! Ding!***
***Ding! Ding! Ding!***
Sunod-sunod ang tunog ng cellphone ni Kris, nagising si Jam sa ingay ng message tone nito. Napansin niyang marami nang messages si Kris at dahil nakalapag lamang sa hita nito ang cellphone ay nakita niya ang pangalan ni Chloe.
***Ring! Ring! Ring!***
Biglang tumunog uli ang cellphone ni Kris.
***Chloe Calling...***
Nang makita uli ni Jam ang pangalan ni Chloe ay nagpatay malisya na lamang ito na kunwari's walang narinig. Sinuot niya ang kanyang earpods at nilihis ang tingin papuntang bintana. Naaninag pa din nito ang cellphone ng kasama na may tumatawag at pasimple niya itong siniko para magising.
Naalimpungatan ng gising si Kris at nagpanggap naman si Jam na hindi siya naramdamang nagising at pasimpleng sumisilip sa daan na tila may hinahanap. Binuksan ni Kris ang cellphone na medyo napipikit-pikit pa.
***20 Messages Received, 10 Missed Call***
Na-curious si Kris sa dami ng mensahe at tawag na natanggap niya. Kaya dali-dali niya itong binuksan at napansin ang last message ng matalik na kaibigan.
"Dude, I talked with Adriana and she told me that the agency fired Chloe. They found out she's pregnant. At first, I was not surprised because she's your girl. But... Dude! Si Marco nagwawala kanina sa camp. They've been seeing na pala almost three months already while she's with you. Kaya pala she can't be with you kasi maselan yung pagbubuntis niya. That girl, she's something!" Paglalahad ni Karlo ng mga nangyayari sa Manila habang wala si Kris.
Halos hindi maipinta ang mukha ni Kris sa nabasa at ayaw paniwalaan ang mga sinabi ng kanyang matalik na kaibigan. Nakatulala lamang si Kris hanggang dumating sila ng KL Sentral. Paghinto ng bus ay napansin ni Jam ang mga luha sa gilid ng mga mat ani Kris.
"Anong nangyare? Ba't ka naiiyak?" tanong na may pagtataka ni Jam.
"Andito na ba tayo?" pag-iwas ni Kris sa tanong ni Jam.
"Oo. Nasa KL Sentral na tayo. Magbubook na ako ng grab pauwi ng hotel." Sambit ni Jam.
"Teka. 'Wag na. Pwede bang diretso na tayo ng KTM ETS, kuha na tayo ng ticket ng train papuntang Butterworth, please." Nagmamakaawang boses ni Kris.
Habang naglalakad ang dalawa ay napansin ni Jam na tulala ang kaibigan. Hindi siya mapakali at hindi niya rin naiwasang tanungin muli ito.
"Kris, may problema ka ba?" tanong ni Jam.
"Wala. Hehe" mabigat na sagot ni Kris na pilit tumawa ng hilaw.
Dama ni Jam ang bigat ng mga oras na 'yon para kay Kris. Kaya kahit na may awkwardness siyang nararamdaman ay pinipilit niyang kausapin si Kris para umamin ito at mailabas ang kung ano mang dinadamdam nito. Nakatayo ang ang dalawa sa platform habang inaabanagan ang pagdating ng mabilis na tren. Pagpasok nila ay tinulungan ni Jam si Kris sa mga gamit nito. Umupo si Kris sa may isle.
"Baka gusto mo sa may window seat? Okay lang." Pagpaubaya ni Jam kahit gusto nitong nakaupo lagi sa may window seat.
"Hindi na, okay lang ako, wala naman ako makikita kasi alas nuebe na ng gabi." Sagot ni Kris sabay bahagyang natawa.
"Ay.. Oo nga pala. Pasensya na." paghingi ng paumanhin ni Jam dahil hindi niya naisip ang oras ng biyahe nila.
"Okay lang, first time ko din pumunta ng Penang via KTM ETS ng ganitong oras, dati kasi umaga eh." Wika ni Kris.
"Basta kung pagod ka sa biyahe natin sa Malacca kanina, matulog ka lang, ako na magbabntay ng gamit natin." Sagot ni Jam habang tintignan si Kris na pabalik-balik nakatingin sa cellphone nito. "Ikukwento mo ba o magtatanong uli ako kung okay ka lang?" dagdag pa niya.
Pag-abante ng tren ay bumulusok na din ang luha na pinipigilan ni Kris.
"Huyyy! Saglit, baka isipin ng mga tao ako ang nagpa-iyak sa'yo." Hirit ni Jam.
"Ano ka ba?! Iiyak na ko eh." Sabay tawa ni Kris.
"Kwento mo lang kung ready ka na." nakangiting sagot ni Jam. Ngumiti din ng sagot si Kris na tila dahan-dahang nabunutan ng tinik.
BINABASA MO ANG
Your Beksfriend Presents: Baka, Pwede Naman, Siguro
RomantikWhen moving on was a beautiful turning point to see the value of loving yourself and finding true love. How many times will you get hurt and move on? Listen to this: Baka, Pwede Naman, Siguro - Krsitel Fulgar & CJ Navato Spotify:album:4qyppJTc7UGf...