Nagulat si Jam nang makita na iisang kama lang ang meron sa kwarto ni Kris.
"Okay lang naman 'di ba pare?" tanong ni Kris.
Kahit nahihiya si Jam, wala na siyang choice kaysa mahuli siya sa labas.
"Oo... Don't worry, bukas tanghali aasikasuhin ko agad ang kwarto ko." wika ni Jam.
"Take your time pare, wala naman akong lakad bukas umaga, hapon pa ako lalabas." sagot ni Kris. "You might wanna change na, I guess you feel sticky. There's an extra towel in there. You can use that since mag-isa lang naman ako dito." dagdag pa ni Kris.
"Salamat." ngumiti si Jam at dumiretso na sa banyo para maligo. Biglang narinig itong kanta mula sa labas.
***Hanggang Dito Na Lang by Jaya***
Napa-isip tuloy si Jam kung may pinag-dadaanan din ba si Kris. Maya-maya narinig na niya itong kumakanta, bago ito lumabas ng banyo ay biglang tumigil itong kumanta.
"Favorite mo ba si Jaya?" tanong ni Jam na akala ni Kris ay inaasar siya nito.
"Huh? Hindi naman. But admit it, she's really good and super heartfelt, ang soulful niya kumanta, yung kahit hindi ka malungkot, madadala ka." sagot ni Kris habang nakatingin sa isang leather notebook.
"Ahh hindi mo nga paborito..." bulong ni Jam.
"Excuse me?" wika ni Kris dahil hindi niya narinig ang mga sinabi ni Kris.
"I mean, maganda mga kanta niya. Nakakalungkot nga. Nadadala ako sa tuwing naririnig ko ang kantang 'yan, kahit 'yung ibang kanta niya." biglang bawi ni Jam habang inaayos ang mga pinagpalitan na mga damit. Samanatala, habang kinakausap niya pa si Kris ay hindi niya napansin na wala na pala ito sa kinauupuan niya at pumasok na ng banyo.
"Ay bastos. Kinakausap ko pa bigla naman ako iniwan. Lahat na lang iniiwan ako." kinakausap ni Jam ang sarili. Binuksan ni Jam ang dala nitong Fuji X-A5 nakita pa nito ang mg kuha niyang pictures kasama ang ex nito. Hindi pa kaya ni Jam na burahin ang alaalang iniwan ng taong minahal niya ng tatlong taon.
Naluha ito ng muling makita ang mga pictures nilang magkasama. Naabutan ni Kris si Jam na lumuluha at napatigil ito sa pinto ng banyo habang suot lamang ay towel. Tinitigan nito si Jam na animo'y nagtataka sa nangyayari. Hindi naman sila close, sa airport at aiplane lang sila nagkakilala pero magaan ang loob niya sa bagong kaibigan.
"Pare, umiiyak ka ba?" pabirong tanong ni Kris.
"Ha? Napuwing lang ata ako, hind ko ata nalinis ng maayos ang camera ko." depensa ni Jam.
"Ahh ganon ba? Okay." sagot nito habang nagbibihis ng panlakad. Kitang-kita ang magandang hubog na katawan ni Kris, and morenong kulay nito sa suot niyang white fitted shirt at cargo shorts. Kaya napatingin si Jam at napatanong kung saan ito pupunta.
"Gusto mo ba sumama?" tanong ni Kris.
"San ka ba?" pag-usisa ni Jam.
"Sa building na na magkaholding hands sabi ni Bea Alonzo." sagot ni Kris.
"Aabot pa ba tayo kung pupunta tayo don?" wika ni Jam.
"So sasama ka nga? Aabot tayo, akong bahala, chineck ko na ang Google maps, malapit lang sa hotel ang Petronas, madadaanan pa natin ang KL Tower na may maganda din ilaw. 'Wag mo kalimutan' yang camera mo ha, may kasama ka nang model." pagbiro uli ni Kris na tila natuwa na sasamahan siya ni Jam.
BINABASA MO ANG
Your Beksfriend Presents: Baka, Pwede Naman, Siguro
RomantikWhen moving on was a beautiful turning point to see the value of loving yourself and finding true love. How many times will you get hurt and move on? Listen to this: Baka, Pwede Naman, Siguro - Krsitel Fulgar & CJ Navato Spotify:album:4qyppJTc7UGf...