05 Follow Your Heart

3 0 0
                                    

***Phone alarm***

"It's 7 am already... I wonder if he's coming with me."

Mga salitang naglalaro sa isipan ni Kris pagkagising nito kinabukasan. Dali-dali itong naligo at naghanda para makapag-check out at mahabol ang schedule ng bus papuntang Malacca dahil ayaw nitong gabihin siya paalis papuntang Port ng Butterworth, Penang patawid ng Georgetown, Penang.

"Sasama ka ba dude? Pa-check out na ako in 30 minutes."

Text message ni Kris kay Jam. Inisip niyang antayin ito sa lobby at baka magbago pa ang isip ni Jam. Habang pababa ng elevator hawak nito ang cellphone at umaasa sa sagot ni Jam. Laking tuwa niya ng makita si Jam na nakaupo sa lobby dala ang maleta nito.

"So, I guess the answer is yes?" natutuwang tanong ni Kris.

"Well, Ikaw nga ang tour guide ko 'di ba?" pabirong sagot ni Jam.

Sumagot ng ngiti si Kris habang tinitignan sila ni Ahmed na animo'y naiintindihan sila. Sabay na nag-check out ang dalawa habang nag-aabang ng Grab papuntang KL Sentral kung saan sasakay sila ng bus papuntang Malacca.

"Nag-breakfast ka na ba?" tanong ni Jam. Umiling lang si Kris, senyales na hindi pa ito kumain.

"Eto, Burger and Fries." Sabay bunot ni Jam sa kanyang backpack.

"Salamat, wala bang panulak na kasama?" pabirong sagot ni Kris.

"Eh, kung tulakin kita palabas ng kotse?" sabay abot ng bote ng mineral water "Ayan. Bale 17RM (Malaysian Ringgit) na utang mo ha." patawang sagot ni Jam.

"Ay, wow, may kapalit agad, 'di ba pwedeng kiss na lang?" pahapyaw ni Kris.

"Ulol! Pinagsasabi mo d'yan." Nahihiyang tugon ni Jam.

"Biro lang, eto naman! Ako na magbabayad ng lunch mo sa Malacca." Sagot ni Kris at tila natahimik ang dalawa. Pagbaba ng kotse ay hinanap nila ang pila ng ticket ng bus. Gaya ng ibang turista nagselfie ang dalawa habang nakapila sa linya.

"Two tickets please." Wika ni Kris.

"Can I see your passport please?" Tugon ng attendant sabay abot ni Kris ang kanilang mga passport at binigyan sila ng bus tickets.

"Hawakan mo mabuti itong ticket mo ha." Kinuha ni Kris ang kamay ni Jam at inabot ang ticket nito at sabay nila hinanap ang waiting area kung san sila sasakay ng blue bus ng eksakto alas nuwebe ng umaga.

Dumating na ang bus na sasakyan nila at puwesto na sila ng upo.

"Pwede bang ako na lang ang sa window?" pakiusap ni Jam kay Kris. "I want to see the view outside, since this is my first time." dagdag pa niya.

"Oo naman, malakas ka sa 'kin eh." Pangiting sagot ni Kris na kitang kita ang mga dimples nito.

"Toinks! Sinasabi mo d'yan." Pagbasag ni Jam sa moment ni Kris.

"Alam mo para kang babae, meron ka ba?" patawang banat ni Kris sa sinabi ni Jam. "Hindi ko alam kung galit ka ba o natutuwa o kung ano man. Para kang may sapi." Dagdag pa niya.

Naglagay na lang ng earphones si Jam at kunwari ay dinedma at hindi narining ang sinabi ni Kris.

Habang nasa biyahe ay biglang nakatulog si Jam sa bintana. Napansin ito ni Kris at dahan-dahan nitong nilipat ang ulo ni Jam sa kanyang balikat. Naalimpungatan si Jam pero bumalik sa pagkakatulog.

Your Beksfriend Presents: Baka, Pwede Naman, SiguroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon