Tinakpan ni Jam ng kumot ang topless na si Kris habang natutulog ito. At sa paglalim ng gabi ay tila nakaramdam ng panginginig sa lamig si Jam. Sa hindi inaasahang pangyayari ay napayakap si Kris sa kanya. Dahilan upang biglang kumalma at uminit ang katawan ni Jam ng mga oras na 'yon ng hindi niya din namamalayan.
Nakatulog ng mahimbing ang dalawa at nang magising kinaumagahan ay nagulat silang akap-akap nila ang isa't isa. Naitulak ni Jam si Kris at nahulog ito sa kama. Dali-dalian din naman niya itong napagtanto at inabot ang kamay kay Kris para makabangon mula sa sahig.
"Shit! Sorry! Nabigla lang ako dude." paghingi ng pasensya si Jam.
Nagstretching naman ng baywang si Kris at bumungad sa umaga ni Jam ang mga mala-pandesal nitong abs. Iniwas ni Jam ang tingin at dumiretso sa lamesa para gumawa ng kape. Binigay niya ang isa kay Kris.
"Peace offering ba 'to?" pabirong hirit ni Kris.
"Ha? Ikaw bahala. Well, sorry sige oo peace offering." sagot ni Jam. "Nagulat lang naman kasi ako na magkayakap tayong dalawa." dagdag pa nito.
"Ayaw mo ba?" pang-aasar na hirit uli ni Kris na tila binibigyang kulay ni Jam.
"Para kang sira." sagot ni Jam na may alanganing ngiti.
"Joke lang! Eto masyadong seryoso. Alam kong bawal magbiro sa bagong gising pero chill ka lang." tugon ni Kris.
"Sige maliligo na ko, kakain pa ko sa labas. Nagugutom na ako eh." palusot ni Jam sabay diretso papalakad sa banyo.
"Hoy sama ako!" sigaw ni Kris.
"Ha? Bat ka sasabay maligo?!" pagkabiglang hirit ni Jam na napatigil sa pinto ng banyo.
"Sira! Ibig ko sabihin sa breakfast. Mali nanaman intindi mo." pagpaliwanag ni Kris.
"Ahh. Ok. Sige." sagot ni Jam sabay pasok at lock ng pinto ng banyo. Hindi nito alam kung bakit iba-iba ang nasasagot nya sa mga sinasabi ni Kris.
Matapos magprepare at magbihis ng dalawa ay dumaan muna si Jam sa lobby para i-follow up ang room reservation nito.
"Hi Ahmed. I'm Jam, I have a room reservation scheduled this afternoon for check-in. I just want to confirm what time can I transfer because I slept in my friend's room last night." tanong ni Jam sa receptionist na nakaschedule ng umagang 'yon.
"Hi Sir! My manager told me about your situation and your room will be available by 1PM." sagot ni Ahmed.
"Alright then. Thanks for confirming!" tugon ni Jam sabay senyas kay Kris na nilalaro ang chess sa waiting area.
"May alam ka bang kainan na malapit dito?" tanong ni Jam.
"Meron naman, okay lang ba sa'yo ang Chinese food? May mga bukas na Chinese restaurant sa kanto ng Jalan Alor." sagot ni Kris.
"Sige ikaw bahala, mas madami ka naman alam dito kaysa sa 'kin." pagpaubaya ni Jam.
Habang naglalakad ay nadaanan nila ang Restoran Viet Nam kung san sila uminom. Sumagi sa isip ni Jam ang mga sinabi nito kay Kris noong gabing' yon habang si Kris ay patuloy lang sa paglalakad.
"Andito na tayo. Eto ang Jalan Alor. Tahimik at bukas sa sasakyan ang kalye na ito ngayon pero pagpatak ng alas singko o alas sais ng gabi, sarado ito hanggang ala una ng madaling araw. Madaming pagkain ang meron dito parang fiesta gabi-gabi. Madami ring turista, isa ito sa Must Go places kung andito sa KL." pagpaliwanag ni Kris.
![](https://img.wattpad.com/cover/122819148-288-k724261.jpg)
BINABASA MO ANG
Your Beksfriend Presents: Baka, Pwede Naman, Siguro
RomanceWhen moving on was a beautiful turning point to see the value of loving yourself and finding true love. How many times will you get hurt and move on? Listen to this: Baka, Pwede Naman, Siguro - Krsitel Fulgar & CJ Navato Spotify:album:4qyppJTc7UGf...