Mag-aalas dos na ng madaling araw ng dahan-dahan nang humihinto ang tren, paparating na ito sa Butterworth Railway Station. Nakatulog si Kris sa Balikat ni Jam sa sarap ng tulog nito at dala na rin mabigat nitong nararamdam at pilit nililihim ang pagluha sa biyahe. Gising na Jam bago pa man sila makarating at pinagmamasdan niya ang maamong mukha ni Kris na tila hindi siya makapaniwala na sa gwapo nito at iiyak dahil sa pag-ibig. Sa mga oras na iyon, kahit hindi pa sabihin ni Kris kay Jam ay alam niyang tungkol sa pag-ibig ang pilit nitong pag-iwas sa mga tanong ni Jam.
"Andito na tayo, Kris." Mahinhin na pagtapik ni Jam sa pisngi ni Kris. "Madilim pa pala. Hala Alas-dos pa lang ng madaling araw." Dagdag pa nito.
"Okay na ba ang mga gamit mo?" tanong ni Kris kay Jam kahit siya pa itong bagong gising.
"Oo, okay na ako. San ba ang exit dito?" tanong ni Jam habang lumilingon sa paligid.
"Doon sa unahan, yung mag nakasulat na 'keluar', sundan lang natin yung ibang pasahero." Sagot ni Kris.
Habang nakaupo sila sa common bench sa main entrance at hinahanap ang daan sa Google Maps ay biglang pinatay ang mga ilaw at lumapit at isang guard para sabihan sila na bawal tumambay sa loob. Lumabas ang dala bitbit ang mga maleta nito.
"San na tayo nito? Parang walang mga sasakyan na dumadaan." Tanong ni Jam dahil alam nitong mas kabisado ni Kris ang daan. Ngunit alanganin din sa pagsagot si Kris dahil hindi niya pa ganoon kakabisado ang Butterworth kumpara sa Penang Island.
Nang makalabas ang dalawa sa parking area ay nakita nila ang maliwanag na building may bukas na convenience store sa baba. Dali-daling tumawid ang dalawa sa kabilang bahagi ng kalye, sa takot ng dalawa ay dumaan pa din sila sa tamang daanan at inantay pa din ang traffic lights para sa mga pedestrian.
"Tara doon sa kanto tayo tumawid, baka mahuli tayo ng jaywalking, nakakahiya tapos sa ibang bansa pa." patawang hirit ni Kris kahit pareho itong kinakabahan dahil animo'y ghost town ang paligid. Puro dilaw na ilaw sa kalsada lamang ang nagsisilbing gabay ng dalawa.
Nang makapasok sa 7-Eleven ay abot tainga ang ngiti ng dalawa sa singkit na babaneng naka-hijab ng itim at nakauniform ng maroon. Tinanong nila ang babae kung anong oras nagbubukas ang pier papuntang George Town, Penang. "Around five in the morning." Nakangiting sagot ng crew. Pilit na nagpakilala ang dalawa sa crew pero ayaw magpahalatang takot. Lumabas galling sa pinto sa likod ang isang crew na lalake at nag-aayos ng mga display na chichirya.
Napagpasyahan ng dalawa na kumain muna habang nag-aantay ng alas-singko ng umaga, meron pa silang dalawang oras. Sa unang tatlumpong minuto ay maayos pa ang dalawa at nagtatawanan. Pabalik-balik naman ang dalawang crew sa pag-ayos ng mga gamit at paglinis ng convenience store. Nagulat si Kris at Jam ng biglang may pumasok na mga transgender woman sa 7-Eleven at tila inaakit sila ng tingin. Mukhang galling sa gimikan ang mga naturang mga babae. Pareho nilang first time makakita ng transgender woman sa Malaysia. Naamaze ang dalawa pero may dalang takot dahil mas malalaki sa kanila ang mga naturang babae. Kinausap si Kris ng isa sa tatlong trans at tinanong kung saan sila papunta. Kalmang sumagot si Kris, "We're heading to Penang for vacation."
Napansin ng babaeng crew na tila naiilang ang dalawang binate sa pilit na pakikipaglandian ng isang trans habang tumatawa ang dalawa. Walang naintindihan si Jam at Kris sa ibang sinasabi ng tatlo. Kinausap ng babaeng crew yung tatlo na tila kakilala niya ito sa palaging tambay sa convenience store na iyon. Kaya napag-isipan ni Kris sa mga sandaling iyon ay subukang tignan kung meron available na Grab Car. Sinuwerte rin siya at meron ngang tumanggap ng booking niya hanggang Penang. Nagpasalamat ang dalawa sa babaeng crew at mabilis na sumakay ang dalawa sa kotse.
"Magkano ang bayad ng Grab natin?" bulong ni Jam kay Kris.
"Medyo pricey, pasensya na hindi ko na sinabi sa'yo kasi baka magulat ka, ako na lang magbabayad, bukas mo na alamin ha. Ang importante malapit na tayo sa Penang, eto na pala yung tulay, akala ko talaga kailangan barko talaga ang ang sasakyan, pupwede pa lang by land." Natawa si Kris habang nagkukwento.
"Ba't ka napapangiti d'yan?" tanong ni Jam.
"Ha?! Wala, napansin ko lang, andami kong first time na naexperience kasama ka." Sagot ni Kris.
Napatigil ang dalawa sa katahimikan at napangiti na lang si Jam sabay tingin sa labas ng bintana ng kotse kung saan siya nakaupo. Nang makarating na sa George Town ay tila madilim ang mga kalye na parang sa mga horror movies. "We're here sir." Sambit ng Grab driver kay Kris.
"Terima Kasi." Sagot ni Kris.
Nagulat si Kris nang makita ang hotel na tinuluyan nito noon na sarado. Tinignan niya ang schedule ng operating hours at nakita niyang alas-sais pa ng umaga magbubukas ito. Humarap siya kay Jam at sinabi ang oras, tila nadismaya si Jam pero wala rin itong magawa. Biglang tumunog ang Christmas lights sa vendo machine ng malumanay na Joy To The World, sa sobrang creepy ng tunog ay natakot ang dalawa. Nilakad nila ang Armenia Street at naghanap ng pupwedeng pagtambayan na lang. Habang nilalakad nila ang kasunod na kalye ay nakita nila ang Little India Villa, dinaanan lamang nila ito dahil sa dulo ay may natanaw silang 7-Eleven.
Habang naglalakad ang dalawa ay may nakasalubong silang sixfooter na Malaysian-Indian transgender woman, malaking babae at morena. Nakasuot ito ng bathrobe na puti at tila may inaantay sa tapat ng isang bukas na tindahan. Hindi nila ito masyadong pinansin at dumeretso sa kanto, subalit malayo pa lamang ay tanaw na nila na maraming lalakeng nakatambay sa labas na animo'y mga lasing na. Hindi na tumuloy pa ang dalawa at sa paglalakad nila pabalik ay kinausap na sila ng nakasalubong nilang Transgender woman. "Hey boys, are you looking for somewhere to stay? You can stay here." Pag-aya ng naturang babae.
Ngumiti ang dalawa sabay umiling, sumenyas at sinabi ni Jam "No, Thank you." Sabay ngiti pero hindi ito ikinatuwa ng babae at nakasimangot na pumasok sa loob ng naturang gusali. Sa takot ng dalawa ay napagpasyahan nilang bumalik sa Little India Villa. Sa kagustuhan ng dalawang makapagpahinga ay napilitan na lamang silang mag-checkin sa naturang hotel. Nang makapasok ang dalawa sa kwarto ay iisa lamang ang kama at umuugong ang makalumang ceiling fan na de kahoy ang elesi. Hindi maayos na banyo at ang nawawala ang showerhead. Lagkit na lagkit na si Jam sa sarili niya kaya kahit hindi kaaya-aya ang banyo ay napilitan itong maligo para makatulog ng maayos. Walang tuwalayang binigay kaya lumang damit at face towel na lang ang ginamit nito. Paglabas niya sa banyo ay nadatnan niyang tulog na at humihilik si Kris. Sinilip ni Jam ang mga bintana, Nakita niyang yung dalawang bintana ay nakaharap sa kalye at yung tatlo ay nakaharap sa isang eskinita na halos dikit na sa kabilang gusali. Pagtingin nito sa oras ay alas kwatro na ng umaga. Maraming bagay ang tumatakbo sa isipan ni Jam habang nakahiga sa tabi ni Kris. Nang nakaramdam si Jam ng kalmadon at nakapahingang katawan sa paghiga at biglang inabot ni Kris ang kanang kamay nito na tila inakap si Jam.
BINABASA MO ANG
Your Beksfriend Presents: Baka, Pwede Naman, Siguro
RomanceWhen moving on was a beautiful turning point to see the value of loving yourself and finding true love. How many times will you get hurt and move on? Listen to this: Baka, Pwede Naman, Siguro - Krsitel Fulgar & CJ Navato Spotify:album:4qyppJTc7UGf...