Gaano ba kasaya ang high school life? Sa ngayon wala akong alam. Sabi nila, ito daw ang pinakamasayang part ng pag-aaral pero sa'kin ang O.A. nila. Ewan ko, pero di ko feel yung mga ganung bagay. Pero.... ewan ko.....
Ako nga pala si David Chris Natividad. Isang fourth year student sa San Francisco High School. Normal naman akong tao. Masayahin. Sabi nila matalino pero sa akin 'hindi' dahil makapal lang naman siguro ang mukha ko. Yung tipong kung hindi magtataas ng kamay ang mga ka-klase kong kumag, nandiyan ako para magtaas ng kamay kahit di ko naman talaga alam ang sagot sa guro. That's what we call the power of "Kapal ng Mukha". Ewan ko ba pero napakacompetitive kong tao. Ayokong natatalo. Ayokong nalalamangan ng iba. Ayokong napapahiya . Gayunpaman, mas gusto kong baguhin ang mga iyon pagtuntong ko ng Fourth Year.
Wala naman sigurong masama kung mangarap ka ng mataas di ba? Gusto ko talaga maging Valedictorian ng klase kaya ayun Dreams do come true naging valedictorian ako ng batch 2015 (oh di ba hanep? sabi sayo kapal lang yan ng mukha eh)
Tama na muna yan. Sa susunod na kabanata niyo na abangan, mas madami akong kwento. Anyways, minabuti kong tawaging "Kabanata" ang bawat chapter ng story ko para astig di ba? yung tipong mala- El Fili o Noli. Wala trip ko lang walang basagan ng itlog.
Ito na simula na......
Start of Classes
*kring kring kringggggginginginingggg!*
For sure alarm clock yang tumunog kaya nagising ako. Papatayin ang alarm clock at bababa ng hagdanan patungong kusina.
kakain..
maliligo...
maghahanda ng baon.....
magba-bye....
Pero ang pinakamasyang part ng araw na ito para sa akin ay yung paglalakad sa kalye at kalsada patungong eskwelahan na aking minamahal (naks!) *sabay kindat pero hindi makikita ng readers! :P* Trip na trip ko to kasi gusto ko talaga yung feeling na nakakalanghap ng masarap ng simoy ng hangin. Makakita ng mga schoolmates o kung sino mang naka-uniform na nakangiti at tipong eggsayted pumasok ng eskwela. Heaven yun para sa akin.
Habang naglalakad napa-isip ako...
Ano kayang mangyayari sa first day namin. Sana maraming transferee, nakakasawa na rin kasi yung mga mukha nung mga yun e. Ay wag na nga ayoko na mag-expect gaya dati sabi nila may korean transferee raw wala naman pala. Putek na yan!
Papasok sa green na gate. May matalas na mata ang mga guard dito kaya mag-iingat ka. I.D. checked. Uniform checked. Kulay ng buhok checked. Style ng buhok checked. Dinaig pa bodyguard ni PNOY joke! wala lang talaga akong maisip na joke ok.
ito na... hinahanap ang section "Amethyst".......
Amethyst - first section ng fourth year tanging mga nakakuha lamang ng average 85.00 pataas ang mga bumubuo dito. Yung iba chamba yung iba may utak talaga. BOW!
Ayun nasa itaas ng bagong gawang building na dinonate ng mga australiano! Eggsayted matssss!
BINABASA MO ANG
Meet the "A" Class: Halo-halong Sparta Edition
Teen FictionFirst time kong gumawa ng story dito sa Wattpad. Di naman ako writer pero I will try my very best (wow!) para maging maganda yung story na toh! This is based on my real life experiences in high school! Yung iba siguro papalitan ko nalang pero andun...