Marben's Spotlight
May mga pagkakataong may hihingi sa'yo ng tulong. Syempre tutulungan mo naman dahil it's either naaawa ka sa kanya o may utang na loob ka. Natural lang 'yun hospitable kaya tayong mga Filipino
Natatawa talaga ako sa mga pangayayaring 'yun.
Ako nga pala si Marben Basa, member ng G.U. pero Coffeeshop band din naman. Mahilig nga pala akong magmura yun lang kasi ang natatanging paraan para mapasaya ko yung mga classmates kong "BANAL" di umano. May mga malulutong din namang magmura dun kagaya ni Asperdy at Roslyn pati si Hayni. Mas malulutong pa nga magmura 'yung mga babaeng yun eh. Valedictorian ako nung elementary. Pero ngayon, mas ninais kong maging masaya at malaya. Atleast, nasa first section pa din ako.
Kaya nga pala ako nandito ay upang ibahagi ang natatanging kwentong magpapaiyak sa inyo.
Lunchbreak noon at medyo magulo yung klase namin kasi pinaghalo yung section namin tsaka yung section Ruby. Kailangan daw kasi kahit ayaw namin. Madaming teacher ang wala. Patapos na rin naman yung klase nun kaya pumayag na rin kami. Kung papipiliin kami, mas gusto naming kasama 'yung Diamond kasi mas close na namin sila. Medyo adik kasi 'tong section na kasama namin eh. Anyways, ito na nga.
(Lunchbreak)
"Kain na tayo dudes!" aya ni Felipe
"Tara nagugutom na rin ako. Wag na nating antayin 'yung Mar na yun tutal matagal pa yun sa Journ Room!" sabi ko
"Loyal eh!" sabi ni Mike
Kumain na nga kami nung mga panahong iyon. Kwentuhan ng kung anu-ano. Kadalasan ko lang naman kasabay kumain ay yung G.U. o kaya yung mga tropapipz ko na sina Felipe uhugin, Mike ututin at Mar payatin. Ayt baligtad pala si Felipe yung payatin.
"Nagpractice kayo kahapon boy?" tanong sa akin ni Felipe
"Hindi. Ang dami dami nating ginagawa eh!" sagot ko
"Boy anong ulam niyo pahingi naman!" sabi ni mike
"Wag na kumain ka na lang diyan. Hindi ka pa ba kuntento sa buhay mo? sa ulam mo? sa inihanda ng magulang mo? effort yan boy sana ma-appreciate mo yung ginagawa sa'yo ng mga magulang mo!" ang drama ni Felipe
"T***ina mo payatot!" sabay kami ni Mike
Tumawa naman yung mga abnormal. yung magic word ko narinig nanaman nila. Teka, kulang pa 'tong pagkain ko kaya roronda muna ako para makapag-snatch ng pagkain. Oo, gawain ko na talaga 'iyon eversince patay gutom na nga yung tawag nila sakin minsan pero okay lang 'yun gutom eh!
"Uy Annie ang sarap naman ng ulam mo mechado overload pahingi naman" sabi ko kay Annie na dali dali akong binigyan dahil mabait naman siya.
"Zary ang sarap naman ng ulam mo hotdog hahahahah" natawa ako dahil may naalala nanaman ako
"Hahahaha alam ko na 'yang iniisip mo abnormal ka!" sagot ni Zary
"Zary ketchup ka ba?" tanong ko kay Zary
"Isa. Epal ka!" sagot ni Zary
"Ano nga. T***ina naman nito sagutin mo nalang!" sabi ko
"Oo nga. Iba na 'yan Zary hindi na gaya ng dati. Yung kay Mar? Tss.." sabat naman ni payatot
"Ewan sa inyo!" sabi ni Zary
BINABASA MO ANG
Meet the "A" Class: Halo-halong Sparta Edition
Teen FictionFirst time kong gumawa ng story dito sa Wattpad. Di naman ako writer pero I will try my very best (wow!) para maging maganda yung story na toh! This is based on my real life experiences in high school! Yung iba siguro papalitan ko nalang pero andun...