Dave's POV
Maaaring nabasa niyo na yung mga nakaraang chapters ng istoryang ito. Pero hinding hindi ko papalagpasin kung hindi niyo makikilala ang aming minahal, kinainisan, kinacharotan, kinabwisitan, kinatuwaang at kinagisnan na eskwelahan. Ang San Francisco High School.
Note: Wag nga pala kayong magtataka kung laging si Dave ang makikita niyong naka-POV dito. Wag kayong ano, ako ang writer HAHAHAHA :)
Eto na, ang aming eskwelahan ay pinamumunuan ng isang principal. Syempre, may eskwelahan bang walang principal? duh! SUBALIT, kakaiba itong principal naming ito. Ang pangalan niya ay Mrs. Mercy Java.
Profilce Check:
Name: Mercy Java
Description: Ito ang reyna ng sparta sa amin. Kapag freshy ka sa amin, maghanda ka dahil kapag nakasalubong mo ito baka masindak ka, sige ka! Kasi.... sa talas niyang magsalita sinong hindi masisindak? Isa pa, "palautos" talaga siya.
Halimba:
Estudyante 1 naglalakad sa corridor masayang masayang makakasalubong si Ma'am Mercy.
"Good Morning Ma'am Java!" *proud, sobra ang kagalakan makita ang principal*
Ma'am Mercy:*nakataray* Hoy Ineng! Bakit hindi ka naka-uniform? Monday ngayon ha? Ano?! Hindi ba nakalaba ang mga magulang mo? Dumaan na ang sabado't linngo... paano na lamang kapag may mga bumisita sa atin at nakita ka? Nako Ineng pulutin mo nalang yang basura diyan... ngingiti-ngitian mo pa ko nakita mo na ngang may kalat hindi mo pa pinupulot!
Si estudyante 1 ay walang nagawa kundi ngumanga at halos mapaiyak na sa sinabi ni Ma'am Java. Ganun talaga yun, sanayan na lamang yan sa amin!
Ewan ko ba parang laging galit yun!
Gayunpaman, masipag yan si Ma'am Java umaga pa lang nililibot na niyan ang aming buong eskwlahan na binubuo ng 6 na building para magcheck kung may dumi sa corridor at maayos ang room.
Punta naman tayo sa room namin..
It is located at the 3rd building in front of the second one. 2nd floor, first room in the left.
Bago ka makapasok sa room namin madadaanan mo muna ang isang magandang landscape. May bulaklak, magandang damo at naka-disenyong mga halaman. Nagkakahalaga daw itong 50k sabi nila. *mahinang boses* at malilintikan ka kay Ma'am Java kapag tumapak ka dito. Love na love niya kaya yun! :3
Isang araw nga eh! bagong gawa lang yung landscape na yun tapos may bakas ng paa na feeling ko isang grade 7 na eggsayted makita ang CrUzXHz at sige haliparot tumakbo doon. Sa huli, inakyat kami ni Ma'am Java naghihimutok at booom! kami ang nasisi :3 Kami lang naman daw ang umaakyat ng hagdanan doon dahil ang katabi naming room sa kabila daw dumadaan! esen eng hestiesye!?
Kaya naman, sa tuwing may kuwit ng sapatos doon ay kami agad ang nasisisi. Ang IV-Amethyst!
Binubuo ang IV- Amethyst ng "matatalino" daw kuno na mga estudyante. 50 kami sa kabuuan, 11 na lalaki at 39 na babae. Ang daming babae sa amin no? kaya naman sabi nila halos lahat daw ng lalaki dun unti-unti nang nagiging babae. Including me?
Katulad ng isang tipikal na classroom makakasalamuha ka ng iba't ibang makukulay na ugali.
may girl, boy, bakla?, tomboy, butiki, baboy
On your left, on your right "Hoy hoy"
Kami ang Amethyst may utak man..
Maingay man, makulit man....
Nagkakaisa sa kaharutan...
*break a way*
Nahahati ang section namin sa 6 na grupo. Gayunpaman, WE ARE ONE <3
Botchie - given na
Tweedles - given na
G.U/Green University - ito ay binubuo nila Roslyn, Layla, Natty, Hayny, Marben, Felipe, Asperdy at itbp (madami sila promise!). Kadalasan nilang topic sa room ay may kinalaman sa PORN. Yes, sila ang mga expert diyan. Di mo aakalaing kahit kababaihan ay interesado sa mga ganitong bagay. Iw! Gayunpaman, may mga utak din naman yan at basta... puro SPG. Interesado ako minsan sa mga istorya nila. hahahhaha
Muymuys - sila naman ang kilalang mga anime/kpop lovers ng section namin. Mababait sila. Binubuo sila nila Setty, Alri, Layla, Meggy, Aprilene, Biansia, Kares at Maharjy. Sila minsan yung hindi mo maiintindihan sa klase dahil medyo weird silang tao.
Tres Marias - sila naman ay binubuo ng tatlong katao (halata naman diba? tres nga eh?) sila mikay, katara, at Hemy. Laging nasa hulihan. May kanya kanyang trip din pero mahilig sila sa music. Magaganda din mga boses nila.
Hot Mamas- OMG! They are known naman as the Angel Locsin, Christine Reyes, Marian Rivera, at Miranda Kerr (di niyo kilala noh? search niyo! hahahha) ng room namin because they are the hottest over the sun. the body the body uhmm.. the face? oo pwede na pero grabe ang hubog ng mga katawan niyan parang college na yummy! HAHAHAH. Medyo tahimik sila pero may iba ding trip pag magkakasama.
Sa room namin wala namang nao-OP pero madaming nabu-BULLY. Ganun talaga puro tuksuhan at kaharutan lang naman magagaling kami but wait, talented kami huh! Lahat nasa amin na! jokes! I mean, lahat ng klase ng ugali.
KAMI ANG AMETHYST.
NAPAPAGALITAN MAN NG MGA GURO MINSAN
NAHIHIRAPAN MAN MINSAN
PATULOY PA RING LUMALABAN
PARA IPAKITANG KARAPAT-DAPAT KAMI SA AMING PINAGKAKAUPUAN!
you like it? Comment and vote na!
Yey! see you sa next chapter!
HAYAHAAAAAAY! VIVA SF!
![](https://img.wattpad.com/cover/39119506-288-k861232.jpg)
BINABASA MO ANG
Meet the "A" Class: Halo-halong Sparta Edition
Fiksi RemajaFirst time kong gumawa ng story dito sa Wattpad. Di naman ako writer pero I will try my very best (wow!) para maging maganda yung story na toh! This is based on my real life experiences in high school! Yung iba siguro papalitan ko nalang pero andun...