Kabanata VI: Instant Market?

56 4 0
                                    

Roslyn POV

" Masarap kumita ng pera pero mas masarap sigurong umasang mamahalin ka din ng taong 3 taon kang pinaasa. PINAASA! PINAASA!"


Hi guys! It's my time to shine charot! My name is Roslyn Sevilla, a proud member of Green University. Medyo emo ako pero kalog! Yung sinabi ko doon sa itaas wag niyong pansinin yun. Pero dahil mukhang curious kayo sige sasabihin ko sa inyo.

Ganito kasi yun eh... na-inlove ako sa author nitong wattpad story na toh! First year nagsimula yun eh. Mataba pa siya. Panget pa siya. Nakakainis pa siya. Ewan ko kung anong nagustuhan ko sa kanya feeling ko gayuma eh. So ayun na nga, hindi ko alam kung bakit ang sweet sweet niya sa mga text niya tapos sa personal ang torpe torpe. Ewan ko ba kung gusto niya talaga ako o hindi eh.


Alam niyo hanggang ngayon umaasa pa rin akong mamahalin niya ako gaya ng pagmamahal ko sa kanya pero mukhang malabo na. MALABO NA! Kaya naman, itinuon ko nalang ang sarili sa pagluluto ng SIOMAI! Yes siomai! Hindi ko naman alam na dadating sa punto na mapapansin niya rin ako..


Emergheeed! Oh my Siomai!

For the first time kakaibang feelzxs ang nereremdemen ko kepeg sye eng bibili ng fresh siomai ke! Emergeds!


Nagsimula akong magtinda ng siomai sa room namin siguro mga second week yun ng pasukan. Ang dami kasing needs sa school eh. Eh syempre para-paraan din ng pagtitinda. Ako kaya ang reyna ng tindahan dito sa paaralan cheret! Buti na lamang at mabilis tinangkilik itong siomai ko ng mga kumag.


Eksena: Nahihiya pa ko nung una kong dinala yung siomai ko sa room namin. Baka kasi walang bumili e. Dati kasi ang tinitinda ko lang naman eh mga tinapay at crackers. Syempre di ko muna ilalabas toh aantayin ko muna mag-recess.


"Put* ano yon? ang bango ah. Amoy .... amoy ... di ko ma-distuinguish basta mukhang masarap" sigaw ni Marben 1st subject palang namin nun at buti nalang bumaba si Ma'am Arlina.


"Oo nga nu! Hoy sinong nagtitinda diyan ilabas na!" hirit naman nitong si Felipe


Syempre hindi muna ako umaamin mamaya sabihin nila pabida effect ako eh! Pero ang mga adik na yun ay hinanap talaga kung saan nanggagaling yung amoy kaya nabuking din ako.


"Sayo pala Roslyn eh. Ano ba yang tinda mo? Tinapay ulit?" sabi ni Marben

"Di nuh!" sabi ko

"Ta****na! sabe na pre siomai eh tignan mo oh!" sabi ni Felipe. Hindi ko namalayang nakakawit na pala ang hinayupak na kamay nun sa lalagyanan ng siomai ko. So, inalabas ko na and it's time to say...


"Guys! Gusto niyo ba ng siomai? Bili na kayo oh! Meserep toh tres lang isa oh!" sigaw ko

"Anong siomai siomai yan? Bumaba lang ako nagkaroon na agad ng siomai? Back to your seats!" nahuli kami ni Ma'am Arlina

"Sorry po Ma'am!" sabi ko

"Mukhang mabango ah! Dalhan mo ko niyan sa baba mamaya!" tumawa ang lahat ng sinabi yun ni Ma'am Arlina


Pero ang dalawang kumag nakakuha na pala. Ngingiti-ngiti pa nung tinignan ko.


Meet the "A"  Class: Halo-halong Sparta EditionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon