We fight. We conquer. We battle. We learn to be one for many reasons. To be happy, to win, and to learn things from experiences
Dave's POV
Syemperds. Sa isang klase mawawala ba naman ang Class Officers? Sila yung mga taong super hero ang datingan sa klase. May nagsasaway, may naglilista ng maingay, may maganda, may gwapo, may madaldal, may leader, may alien at kung anu-ano pa.
At sinisigurado ko sa inyo pagdating na pagdating ng araw ng mala-eleksyon na ito, madaming papansin.
Ma'am Anice: Okay Mr. Mayuga, please take charge...
Mayuga: Hala ba't ako Ma'am? (todo ngiti)
Ma'am Anice: Bakit may angal ka? Trip kita ngayon Mayuga! Chos!
Mayuga: Ok...
the table is now open for the election of class officers....
for President? .....
Ayan ang pinakamahalagang bagay sa lahat para sa amin. Dito masusubukan minsan kung sino ang mga tunay mong kaibigan at kung sino ang hindi. President, syempre ang mangangalaga sa lahat. He/She needs to be the true leader of the country? country? Dapat kaya niyang panindigan yung pwesto niya.
But..
But..
But...
Hindi ito nadadaan sa mga ganung usapan. Minsan napapagtripan lang.
*ayan na bibong-bibo na yang mga yan sa pagtataas ng mga kamay*
Emang: I nominate myself as president! *with conviction*
Ria: Nice Emang! *sabay hampas!
Lista....
Syempre nagulat ang lahat. Konti lang pala. Napa-WOW naman ako dun dahil given naman na makapal talaga yung mukha ni Emang pero kinabog niya ko sa ginawa niya, feeling ko di ko magagawa yun parang nakakahiya kasi na ikaw ang magno-nominate sa sarili mo eh. Sabagay kung gusto mo talaga GO!
Another one?
Roslyn: I respectfully nominate Papa Suazo for President.
*palakpakan ang lahat*
Natnat: Woohhh— i close niyo na yan!
Hayny: Oo nga si Papa Suazo na yan wooohhh!!! ^^
Lista lista lista.......
(Sa isip ko)
Hala nako... gusto ko sana maging president kaso mukhang wala naman na akong pag-asa sige kahit anong position nalang hanggang...
Shanna: I nominate Kuya Dave for President!
Ako: Hala! Shanna naman eh! Di eke ready enebe!
*nagpalakpakan naman din sila siguro dahil nag-joke nanaman ako!*
Judith: I move the nomination to be closed....
Hanggang sa ayun na nga kaming tatlo ang nominee para sa Golden Dove Awards este sa President ng class. Pinatayo kami sa harapan para magpakilala at sabihin ang adhikain joke. Wala yun.
BINABASA MO ANG
Meet the "A" Class: Halo-halong Sparta Edition
Teen FictionFirst time kong gumawa ng story dito sa Wattpad. Di naman ako writer pero I will try my very best (wow!) para maging maganda yung story na toh! This is based on my real life experiences in high school! Yung iba siguro papalitan ko nalang pero andun...