Trisha's P.O.V.
"Minsan nagtitimpi lang talaga ako sa kanya eh. Oo na siya na ang magaling, siya na matalino. Pero alam niyo kung anong kulang sa kanya? Yung hindi niya kayang tanggapin sa sarili niya na talo siya. Yung hindi niya kayang isipin ang nararamdaman ng ibang tao"
Ako si Trisha Castillo. Member ako ng botchie pero hindi ko talaga alam kung bakit tila lumayo na sila sa akin. Porket ba may girlfriend ako? Oo, girlfriend kasalanan ko bang ma-inlove? Naniniwala akong love knows no boundaries nor limits. Porket ba hindi ko maibigay yung time ko sa kanila minsan? Porket ba nakilala lang naman nila ako nung 3rd year? Dun ba nasusukat ang isang tunay na kaibigan? Sa tingin ko. Hinde!
"Oh Trisha? Ano late ka nanaman?" sabi ni Dave galit na galit.
"Sorry naman may mahalaga kasi akong ginawa sa bahay eh" malumanay kong sagot
Hindi na ko umimik pa. Alam ko namang wala akong laban kay Dave. Siya ang leader eh.
"Hay nako ganyan naman kayo lagi. Late kayo lagi sa practice tapos gustong-gusto niyo nananalo tayo. Sana naman magkaroon din kayo ng effort para manalo tayo. Tignan niyo, alas-tres na pero wala pa rin sila Nine, Chemae, Jollie, iilan pa lang tayo dito oh!" sabi ni Dave
"Elem me nemen mga Filipino time" hirit ni Zary
"Tara na kasi practice na tayo! Hayaan niyo sila! Pag ako nabadtrip iiwan ko kayo ha... bahala kayo!" sabi ni Natnat. Galit na rin ata.
Kadalasan kaming nagpa-practice uwian minsan mga alas-singko na rin kami nakakauwi sa school sa sobrang daming ginagawa. Tapos, kaya lalong tumatagal kasi yung iba umuuwi pa imbes na dumiretso sa practice. Kung saan saan lang naman kami nagpa-practice. Minsan sa bahay ng classmates, minsan sa park.
Kahit wala pa yung iba nag-practice na kami.
"Oh. Ito yung lyrics ah! pina-photocopy ko na to. Habang nag-aantay tayo kumanta muna tayo ok?" sabi ni Dave
Nagsimula na nga kami.
" Aberi abeday aberi ebeday kumain ng gulay lalalalala upang lumakas ang katawan lalalalalala........"
"Lakasan niyo naman!" sabi ni Dave
"Yeyeyeyye hallelele iwas sa sakuna. Maghanda parati beeerrere lalalallala.. Ingatan ang bata lalallala.. masustansya muna aberderere..."
Dumating na yung iba. Tuloy pa rin kami sa pagkanta. Makalipas ang ilang minuto gumawa na rin kamin ng mga steps. Natapos na kami siguro mga 8:30 na ng gabi. Dumaan ang isang linggo at natapos din namin lahat lahat.
2nd place lang kami. Natalo kami ng III - Apple. Gayunpaman, proud ako dahil kahit hectic ang schedule namin nagawa namin ito.
"Good job guys!" sabi ni Dave
BINABASA MO ANG
Meet the "A" Class: Halo-halong Sparta Edition
Novela JuvenilFirst time kong gumawa ng story dito sa Wattpad. Di naman ako writer pero I will try my very best (wow!) para maging maganda yung story na toh! This is based on my real life experiences in high school! Yung iba siguro papalitan ko nalang pero andun...