CHAPTER 8

205 12 11
                                    

INO'S POV.

Simula na malaman ni Papa Ang sikreto ni Mommy Aesha ay bumalik ito sa pagiging tahimik at malungkutin.

Naka focus na siya ngayon saakin at sa Business namin.

It's been 5 months simula Ng mangyari iyon.

Papasok na Sana ako Ngayon sa school Ng biglang may lumapit saakin na babae.  Hinawakan ako nito sa pulsuhan. Inalis ko ito at nagawa ko naman.

"Sino ka? Ano kailangan mo saakin?" Tanong ko dito at hinanda ko na sarili ko na tumakbo kung sakali na dudukitin ako nito.

"Ikaw ba si Ino Xiander Martinez?" Tanong niya saakin at tumango ako.

"Bakit ano kailangan niyo saakin?" Walang galang kong Sabi dito.

"Ako si Shermane Taga Dswd ako, andito kami Kasi hinahanap namin si Mr. Zeyn Ciander Martinez, pero nung pumunta kami doon ay ayaw niya Kaming kausapin at nakita Rin namin na. May anak siya na nag aaral dito. Kaya agad Kaming nagpunta dito at tinuro ka Ng Isa sa mga estudyante na papasok palang Sana."  Mahabang paliwanag nito saakin.

Tumango ako at curious, bakit Naman nila hinahanap Ang papa ko.

" Ano kailangan niyo sa papa ko?" Hindi ako tumingin sa kanya sa halip ay sa cellphone ko.

" Kilala mo ba Si Sunny Blaire Wilson?" Napakunot ako sa pangalan na sinabi Ng taga Dswd daw.

"I don't know her, why?" Tumingin ao saglit pero agad ding bumalik Ang tingin ko sa cellphone ko.

"Sigurado ka na di mo siya kilala? Anak siya ni Celeste Wilson." At doon talaga niya nakuha Ang atensyon ko, anak siya Ng mama ko?
So kapatid ko siya Kay mama, so may pamilya na Pala Ang mama ko. Kukhang masaya na siya sa bago niyang pamilya ah.

"I know Celeste Wilson.." mahinang Sabi ko at nagliwanag Ang Mukha Ng babae.

"So ikaw nga Ang hinahanap namin. Pwede mo ba sabihin sa tatay mo na kausapin namin siya, may importante lang Kaming sasabihin." Masayang Sabi niya na para bang nanalo sila Ng lotto.

" I don't know if papayag ba siya. Bakit ano ba sasabihin niyo sa kaya, you can tell tapos Ako na magsasabi" natigilan naman Ang Babae sa pagsasaya ng sabihin ko iyon.

" Uhmm. .. it's about Kay Sunny, may leukemia Kasi siya and Hindi kaya Ng Dswd na ipagamot siya kaya naisipan namin na hanapin Ang pamilya Ng Nanay niya and nakita namin pangalan Ng tatay mo sa birth certificate niya kaya agad naming hinanap tapos sinubukan din namin siyang I contact pero di Naman siya sumasagot kaya naisip ko na akoo nalang MISMO Ang pupunta sa inyo para sabihin iyon." What!? Si papa Ang nakalagay sa birth certificate niya. Impossible na anak yon ni Papa, sasabihin ko ba ito sa kanya o Hindi na.

"Cge Po ako an bahala magsabi Kay papa" at doon sumaya nanaman siya. Binigay niya saakin kung saan naka admit daw Ang kapatid ko.

"Nasaan Po Pala Ang mama ko I mean si Celeste Wilson." Biglang tanong ko. Na isip ko lang na bakit andon siya sa Dswd, ano Ang ginagawa ni mama bakit mukhang pinapabayaan ata niya siya.

Biglang napatigil Ang mga ito at nagtaka naman ako.

"P-patay na siya, 5 months ako" yumuko pa ito. Napatigil ako sa sinabi niya.

Ano daw Patay na Ang mama ko.

Biglang nanikip dibdib ko sa sinabi niya. Hindi ko namalayan na nasa Bahay na pala ako, Hindi ko alm Kung ano na Ang mga sumunod na Nangyari basta bigla Koo nalang narealize na nasa Bahay na pala ako.

Pagpasok ko sa kwarto ay pumunta agad Ako sa cabinet at doon nilabas ko Ang photo album namin nila mama at papa.

At nng makita ko Mukha ni mama bigla nalang bumuhos Ang kanina ko pang pinipigilan an luha.

"Mama.." Sabi ko at niyakap Ang litrato nito.
Sa litrato ay Ang picture ni mama na naka upo sa Isang bench at uminom Ng milk tea. Si papa Ang kumuha Ng litrato na ito ni mama. Nag family bonding kami Kasi eto Ang gusto ni mama Sabi niya Wala na daw kqming time sa isat Isa kaya gusto niya na pumunta kami Ng amusement part. Agad Namang pumayag dito si papa at Yun nga nag family bonding kami. Naalala ko Ang saya saya namin noon. Tinatawanan pa namin si Mama Kasi nahihilo daw siya kapag sasakay. Pero dahil mapilit ako dati ay sumasakay siya pero pagbaba namin ay sumusuka ito. Agad Naman siyang inaalalayan ni papa, Ang saya saya namin noon. Nasira Nga lang kami. At Ngayon Wala na siya.

Naalala ko ung gabi na umalis siya. Ang sakit sakit saakin noon pero Yung isipin na un na Pala Ang Huli kong kita sa kanya Sana niyakap ko siya. Sana nag sorry ako, Sana sinabi ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Although oo masakit saakin ung ginawa niya Kay papa pero mama ko parin siya.

At simula Ng umalis siya ay palagi kong namimiss ung mga pag aalaga niya saakin.

Simula Kasi Ng dumating na si Taylor ay sa kanya napunta Ang atensyon ni papa. Feeling ko nga di na ako belong sa pamilyang ito. Pero kahit ganon may time parin saakin si papa kahit papano. Hanggang sa Nangyari nga Ang mga bagay na Yun at nasaktan nanaman kami.

Naisip ko na what if hindi kami nasira. Sana masaya kami hanggang Ngayon.

Huminga ako Ng malalim at tumungo ako sa higaan ko.  Doon ako umiyak pa Ng umiyak.

"Mama, I miss you po" habang hawak Ang litrato ni mama.

Tumigil ako sa pag iyak Ng Maalala ko Yung sinabi Ng taga Dswd kanina. Agad akong nag ayos at nagpa hatid ako sa driver sa hospital kung nasaan Ang kapatid ko.

Pinuntahan ko ito at nakita ko siya. Kamukha siya ni mama at Ang daming naka kabit sa katawan nito.

Nakita ako Ng babae kanina. Agad itong lumapit saakin.

"Gusto mo bang pumasok?" Tanong nito dahil tinitignan ko lang ito sa salamin

"Hindi na Po aalis Rin Po ako agad, pumunta lang Po ako para tignan siya." At tinignan ko siya ULET. Habang tinitignan Koo siya, pakiramdam ko na buo ULET Ang buhay ko, Ang liit liit niya gusto ko siya lapitan pero natatakot ako.

Baka di niya ako tanggapin.

Matagal Kaming di nagkasama kaya baka ayawan lang niya ako.

Di ko namalayan na umiiyak na pala ako.

Di ko na napigilan sarili ko, ganito pala pakiramdam na makita mo Ang kapatid mo na may sakit. Ang sakit sa pakiramdam parang dinudurog puso ko, gusto ko siyang protektahan palagi, ayaw ko siyang mahirapan gusto ko maging masaya siya.

-----------

Oh diba bitin nanaman Hahhahaha. Para may thrill kaya ko kayo binibitin ehehe charot lang hahaha.

Thank you pala sa support 💓🥰

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 04 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sunrise Familia #1 (Familia Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon