Chapter 22 - Mr. and Ms. Chance Academy (Part 3)

16 4 0
                                    

Author's Note:

After a few months ay naupdate na rin siya. Yey on me guys!

Sensya na talaga sa mga nagbabasa neto (kung meron man haha) dahil hindi siya naupdate. Rest assured na tatapusin ko yung isa ko pang story then ito naman ang pagbubuntunan ko ng effort. (Though mas nauna ito kesa dun sa isa)

Here's le update. Enjoy na lang kayo. xD

***

Grey's POV

Matapos ang mga performances ng iba ay dumating na ang oras para kami naman ang magtatanghal sa entablado. Kinakabahan ako sa totoo lang. Ayon kasi sa roleta, isa lang ang kantang pwede kong iperform ng buong husay. Ito ay mismong pinili ko, yung Your Call ng Secondhand Serenade. The rest ay puro pambabae na.

Panay ang lunok ko habang umiikot ang roleta. Dito nakasalalay ang magiging performance namin. Sa totoo lang, ayokong sumayaw ng KPOP songs though KPOPPER ako. Wala kasi akong practice eh. Tsaka mas gusto kong pakiligin ang soon to be girlfriend kaysa asarin niya ako sa pagkembot ko.

Speaking of her, pinasadahan ko siya ng tingin at pinagmamasdan niya lang ang pagikot ng roleta. Anong kanta kaya ang gusto niyang makuha?

Dinasal ko na ata sa lahat ng kilala kong santo na huwag tatama ang pointer sa mga pambabaeng kanta. Pwede naman kasing sing along na lang ang pinili nila. May nalalaman pa silang KPOP. Sadyang mali sila ng choice ng song.

Pigil ang hininga ko nang unti-unti nang tumigil ang pag-ikot ng roleta. Pinikit ko ang aking mga mata hoping na matinong kanta ang tatapat dito. Nang wala na akong marinig na pagtunog ay unti-unti kong minulat ang mata ko. Laking tuwa ng kaloob-looban ng mapasadahan ng mga mata ko ang kantang nakakaatas sa amin na gawan ng performance.

"Please give it up to Ms. Torres and Mr. Wilson, our last set of performance." nagpalakpakan na ang audience at kami'y naupo sa stool provided for us. Napagusapan na namin ni Scarlet ang division of parts. Mas marami kaming duet parts habang naggigitara ako.

Sinimulan ko na ang pagstrum at pinasadahan ng instrumental ang madla. Nagpalakpakan sila ulit bilang pampabuwenas sa amin. Hindi ako kinakabahan kasi kakantahan ko lang naman ang babaeng pinakamamahal ko. Why a man would be ashamed to dedicate a song to his girl right?

Nagsimulang kumanta si Scarlet at halos matanggal ako sa pagkakaupo nang marinig ko ang boses niya. Ang lambing. Ang sarap pakinggan. Music to my ears and to my heart. Cloud ang feeling mga dre.

Nagsimula na rin ang solo part ko. Habang nagiistrum ay nakatitig ako sa kanya. I want to make her feel my sincerity and dedication to her. That is the ingredients of a heartfelt song that would touch everyone's hearts. A song sung with full of emotion and inspiration. A lesson learned from my kuya Red.

Isang buwelo ng strum ng guitar at sabay na kaming kumanta. Nagkatitigan kami habang kumakanta. Napangiti ako at ganun na rin siya. Paring kami lang ang tao sa loob ng venue. It feels heavenly and serene. I could my heart vocalizing her name. Only hers to hear and replay it endlessly

Dumating ulit ang solo part ko. Napapikit ako sa sobrang attachment sa song. Feel na feel ko talaga. Iba talaga ang effect ng isang kanta may kakaibang hugot sa puso at isipan mo. Mapapakanta ka sa paraang hindi mo inaasahang maganda ang kalabasan. Nakakamanghang isipin talaga.

Tumigil ako sa pagkanta at siya naman pinagpatuloy ito. Kinabisa ko ang bawat detalye ng kanyang mukha habang dinadama niya ang pagkanta. Ang kanyang buhok na mahaba na kaysarap amuhin buong araw. Ang kanyang mata at kilay na hinahatak ako para titigan at lunurin ang sarili sa misteryong dala nito. Ang ilong niyang perpekto ang pagkakahubog at tangos. Ang kanyang labing laging laman ng utak ko. Mapula at malambot, kaysarap halikan. Overall, she is beaut all right.

Cupid's HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon