Chapter 15 - Confessions

69 5 0
                                    

Author's Note:

 

Inspired na inspired talaga akong magupdate kasi alam kong may nagbabasa. Ewan ko lang kung nagugustuhan nila, walang comments eh. Please comment naman kung gusto niyo o hindi. No bad feelings pramis! Kung ang mga readers ay nagbaba ng kwento, siyempre ang writers naman ay ang mga comments ng readers kaya comment kayo. 

I dedicate this chapter to purpleyhan, author of Tantei High.

Basahin niyo po iyon kasi nakakaadik basahin at magugulat na lang po kayo na nasa last chapter of update na kayo sa pagbabasa then yung oras, naku po, hindi niyo mamalayan. Based on Experience po iyan. XD

 

Grey's POV

"Woooo!"

"Ang presko!"

"I love the view!"

"First time ko lang dito."

"Tara dun tayo."

"Selfie tayo guys."

Yan ang bukambibig ng aking mga kasama ng makarating kami ng Sky Ranch sa Tagatay. Gulat kayo no? Kala niyo uuwi na kami sa mga kani-kanilang bahay? Hell no! Nandito kami sa Sky Ranch para makapagrelax at sure ball na uuwi kami ng Sunday Morning. 

"Ang ganda dito Trey." sabi ni Geneva.

"Parang ikaw lang. Pero siyempre ikaw ang pinakamaganda." namula naman si Geneva sabay palo ng mahina kay Trey. Mga galawang Trey talaga oh.

"Trey naman. Maginform ka naman kapag magpapakilig. Hindi yung papatayin mo ako sa kilig. Sige ka, baka mahalikan kita diyan ng wala sa oras." natuwa naman si Trey sa sinabi ni Geneva.

"Dapat pala dalas-dalasan ko para may kiss ako lagi." pilyong sabi ni Trey. Tumawa lang si Geneva and here goes a kissing scene again. Halatang inlove talaga sila sa isa't isa. Hay -,- Naglakad na ako palayo at gumala-gala kasama yung iba. NakakaOP dito.

"Hey guys. Wait up." sabi ko sa isang kumpol ng kasama ko. Doon muna ako lulugar. Nakakasuka na yung kalandian ng bestfriend ko. I never thought na ganun siya kalandi.

"Oh naligaw ka ata?" tanong ni Hiro.

Cupid's HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon