Due to advanced typing, eto ang bunga. XD
Yohoho! Eto na ang first major mission nila. Hahaha. From now on, Grey's POV muna tayo. Masyadong magulo kapag paiba-iba. Pero mag-iiba ako dito since mission naman ito okay?
Comments naman guys. XD
Kamsahamnida! ^___^
Grey's POV
Hello! Nagustuhan niyo ba ang Yel 2.0? Haha. Tinamad na kasi kami ni Trey na gumawa ng plano kaya gumamit na lang kami ng tao. Nagpeprepare kasi kami sa isang malaking misyon. Remember Shiela Montes? Siya ang subject namin ngayon at kasalukuyan akong nasa tapat ng school nila at nasa EK na si Trey. Siya yung naghahanda para sa finishing touches at nandun na rin yung mga schoolmates niya dahil may three-day foundation day sila sa EK at naiwan sina Shiela at Samuel para ayusin ang ilan sa mga gusot ng Foundation Day. Alas dos na ng hapon kaya medyo mainit ang kapaligiran dahil sa tirik ang araw.
Makalipas ng 20 minuto...
Pagkatapos kong humikab ay nakita ko na ang aking subject. Si Shiela. Kaya dali-dali akong lumabas ng kotse at kinawayan siya. Sa una ay nag-alangan siya pero nang tumagal ay naalala niya ako at kumaway pabalik. Lumapit naman siya sa akin ngumiti.
"Oh kuyang nagbigay ng panyo. Anong ginagawa mo dito?" bungad niya sa akin. Bakas sa mata niya ang tuwa dahil ako lang naman ang nagcomfort sa kanya nung in pain siya. Nakita ko naman na medyo inis sa akin si Samuel knowing na masaya ang tono ni Shiela sa akin.
"Ihahatid sana kita sa EK. Alam kong may Foundation Day kayo doon kaya kung pupuwede sana, ako na lang maghatid sa iyo." I said while scratching my head. Galing ko talagang unakting!
"Sure why not." sabi niya sabay ngiti ng malapad sa akin. Kung kanina inis lang ang nadarama ni Samuel, malamang sa hindi, nagseselos na siya. Sa mukha, ekspresyon at ang kanyang kamaong handang manapak pa lamang ay evident na ang jealousy. For sure anytime this moment ay bibigay din yan. Iba kasi ang makakasama niyang lalaki eh.
"No!" medyo kalmado pero halata ang stress sa sinabi ni Samuel. Nagulat naman si Shiela at binigyan niya ito ng 'bakit?' look.
"You'll come with me thats why. Wala akong tiwala sa lalaking yan. Akalain mo, sasama ka sa lalaking recently mo lang nakilala. How absurd." inis na sabi ni Samuel. Medyo namula si Shiela sa sinabi ni Samuel yun nga lang ay ako lang ang nakakita. I held Shiela's hand but Samuel held the other.
"She's coming with me!" matigas na sabi ni Samuel.
BINABASA MO ANG
Cupid's Heartbreaker
Novela JuvenilThe story of Christian Grey Wilson. Ang gumawa ng Happy Ending sa One Shot na Umaaligid. Tara na't basahin natin XD