Rafael's POV
"Osige na Kate! Ako na ang bahala, iwanan mo na lang dyan kay Kuya Marc." Bilin kay Kate na syang kausap ko ngayon sa phone.
Hanggan ngayon ay nakadungaw lang ako ng bintana habang nagmamaneho. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero ayaw huminto ng utak ko kung nasaan si Beatrix ngayon.
Naguguilty ako dahil sa ginawa kong pagtulak kay Rea at Jace.
Kung hindi ko siguro pinagsasabi yon baka nasakanya pa si Jace hanggan ngayon dahil mukhang wala naman talagang balak ilaban yong dalawang yon kung walang gigising sa nahihbing nilang pag-uutak."Eh Robi, kasama mo parin ba si Miss- ano nga ulit ang pangalan nya?"
"Beatrix and Kate I'm not with ok?" Nasabi ko na lang. Ayokong magpaliwanag ng mahaba dahil baka mamaya ay nadaanan ko na si Beatrix na galiktaan ko lang.
Hindi alam or hindi kilala ni Kate si Aurea o maging si Jace dahil naging kaybigan ko yong dalawa ay dito na sa manila at hindi sa tagaytay kung saan talaga kami naninirahan ni Kate.
Kababata ko si Kate kaya naman sobrang lapit ko sa kanya. Sya ang kasama ko sa mga oras na hindi ko na kayang ihandle ang mga hinanakit ko mula sa ama ko kung saan ako nakatira paminsan minsan dito sa maynila.
Siguro kung hindi ko nakilala si Kate bata pa lang ako ay mahihirapan akong makihalubilo sa ibang tao maliban sa mga tumayong pamilya ko matapos ng hindi magandang kaganapan sa buhay ko...
Kaya ngayong bago lang sya dito sa maynila ay pinangako ko sa kanya na akong bahala sakanya...
Pero hindi ngayon.
"Ah! Eh bakit hindi mo na lang ako sunduin?"
"Busy pa ako Kate. Mabait naman si kuya Marc ah." Kilala ko ang talyer na pinagdalhan nya ng sasakyan. Talyer kasi ng kaybigan ko ang tinawagan ko para ipickup ang sasakyan ni Beatrix. Malala kasi ang tama nun kaya hindi ko yon ipagkakatiwala sa iba.
"Oo nga, mabait sya pero pauwi na kasi ako."
"Magtaxi ka nalang Kate, hindi pa talaga ako puwede ngayon." Natuon sa isang parte ng daan ang tingin ko ng may mahagip ang paningin kong babaeng naglalakad lang sa kalsada.
"Osige na Kate. Tatawagan na lang kita mamaya." At tinanggal ko na ang headset ko na nakakabit sa phone ko at pinahinto ang sasakyan sa tapat ng babaeng kanina ko pa hinahanap.
"Beatrix!!!"
Beatrix's POV
"Beatrix!!!"
Napalingon ako sa sasakyan na huminto sa tapat ko na pinanggalingan ng boses na tumawag sa akin pero patuloy parin akong naglalakad kahit na nakalingon na ako.
Binaba nya ang salamin ng bintana nya at sa laking gulat ko na si Rafael ang nasaloob non.
Pinangkitan ko sya ng bumaba sya mula sa sasakyan nya.
"Ano'ng ginagawa mo dito?" Hinarap ko sya with a crossarm."Ah napadaan lang, tas nakita kita kaya huminto na ako."
Tumango lang ako at tinalikuran na sya handa na sana kong maglakad palayo ng biglang may maalala ko.
Hinarap ko sya bigla."Nandito ka na rin, ihadid mo na ako."
"Oh bakit? Driver mo ba ako?"
Nagtaas ako ng kilay. "Duh! Sinira nyo ng girlfriend mo ang kotse ko so you don't have a right to say 'no' to me." Pumalakpak ako ng tatlong beses sa may mukha nya.
BINABASA MO ANG
A Resentment Of Love (On Going) (Book 2 Of A New Beginning With A Heartless Ex
RomanceCrystal; "Naranasan mo na bang maging kontra bida sa buhay ng dalawang nag mamahalan??? Ako oo! Masakit kasi bantang huli talo ako at eto nasasaktan hanggan ngayon... Hanggan sa natanong ko na lang sa sarili ko... Mahirap ba akong mahalin? O sadyan...