(An. Sorry sa matagal na update, pinagisipan ko po kasi ng maigi ang mga plano ko para sa storyang ito, ngayon pong napagpasyahan kong gawin itong book 2 ng A new beginning with a heartless ex pero hindi po msgbabago ang takbo ng storyang ito pero masasaksihan din dito ang storya ni Jace at Aurea na ex ni Crystal. Sorry sa matagal na paghihintay pero eto na siya, thanks for reading in advanced. 😊)
Rafael’s pov
“Ayos na ang sasakyan. Medyo mahirap siya dahil expensive ang sasakyan ah pero goo thing naiayos pa siya.” Sabi ni Marc habang pinupunasan ang medyo magrasa niyang kamay.
Inikutan ko ang sasakyan ni Beatrix habang nasabalakang ko ang isa kong kamay at ang kabila ay nasa may chin ko.
Maayos na nga ito, wala ng crack at ayos narin ang pintura. Mabuti nalang talaga kay kuya Marc ko ito dinala, magaling kasi masyadong magmanipula ng sasakyan tong kaybigan kong ito, palibhasa racer.
“Salamat ah, magkano ba?” sabi ko nang muli ko siyanbg balingan.
“Mahal pero wag ang mag-alala, babawasan ko ng five hundred” may ngisi niyang sabi at iniabot sakin ang listahan ng mga kinaylangan na materyales.
Ngumiti ako ng sarcastic. “Wow, natouch ako sa pagiging galante mo ha”
Ngumiti naman siya na parang proud. “Teka nga, kanino ba yang sasakyan na iyan? Buti hindi kayo pinakulong ni Kate “
“Ay, oo mabuti nga hindi eh, kung mainitin ang ulo niyon baka sa kulungan mo kami pinickup”
Pero sa totoo lang, mukhang mainitin ang ulo ng babaeng iyon dahil kahit anong bait ko sakaniya ay tinaray tarayan niya lang parin ako. But over all mukha naman siyang mabait, mas naisip pa niya ang maaring mangyari kay Kate kesa sa sampalin o hampasin ito,
Ito naman kasing si Kate, pinagtakpan ko na nga eh sinabi pa na siya ang nakabangga.
Tumuro si kuya Marc sa sarili niya. “Ako ang pipickup sainyo? Nandito ka na uli sa maynila, may ama ka na” sabi niya habang pinupunasan ang ibabaw ng kotse.
Inismiran ko siya at nagcrossarm. “Matagal na kong may ama sa baguio at hindi ko kinaylangan na magbalik dito para magkaroon ng ama” tugon ko. Kahit hindi ko nakikita ang sarili ko ay alam kong lukot na lukot na ang mukha ko.
Hindi kasi kami magkasundo ni dad, dahil sa malalim na dahilan, ang mga kamaganak ko sa baguio na ang tinuring kong pamilya magmula palang nung siyam na taong gulang ako, ngayon nalang uli ako bumalik sa maynila upang magtrabaho,
May sarili naman akong puwedeng tirahan dito sa maynila pero minsan nasa bahay ako ni dad, kinumbinsi niya kasi ako na muling manirahan sa bahay niya kasama ang bago niyang pamilya,
Magmula ng magasawa siya uli matapos nang limsng taon na pagkawala ng mommy ko ay nagsimula na uli niya kong kausapin at contact-in pero hindi ko siya pinansin, hindi na rin naman siyang nagabala na kunin ako sa pangangalaga ng tito Paulo ko, ang siyang pumuno ng mslaking pagkukulang niya simula ng mawala ang mommy ko, simula ng isinisisi niya sa akin ang bagay na hindi naman talaga dapat isisi sakin.
“Hoy Robi, nandito ka pa ba?” Muli akong napabaling kay kuya Marc na siyang nagsnap sa may mukha ko.
Hindi ko napansin na lumalim na pala ng lumalim ang pagiisip ko.
“Sige na, hindi ko na uli bubuksan ang topic” sabi niya in apologetic tone
Pinunch ko sa braso. “Sira may naalala lang ako” pagdadahilan ko.
Napatingin ako sa cellphone ko nang magring iyon. Agad kong sinagot iyon kahit na unregistered number, baka kasi importante tungkol sa trabaho.
“Hello”
“Hey Robi, ako to si Belle” masiglang sabi ni Belle sa kabilang linya.
“Woah, where did you get my number?” Tanong ko na kunwaring masungit.
Nakarinig ako ng tawa sakabilang liniya pero parang hindi boses ni Belle.
“Ay nako, binigay lang naman sa akin ni Shin.”
Napatango naman ako. Namiss ko rin ang dalawang magkaybigan na ito ah, si Belle at si Shin na hindi ko na nakikita. Ewan ko ba sa babaeng yon, she risk for nothing.
After what happened, she was left and leave Jace here, I understand her but they love each other and hurt together, that’s enough, they should be happy together if they love each other.
“Oh napatawag ka? Kamusta?”
“Nandito ngayon sa pilipinas si Shin,” bigay balita niya sakin.
Hindi ba ko nakakapagreact ay nagsalita na mula sa kabilang liniya si Shin na kasama na nga ni Belle.
“Robi, namiss kita, kita naman tayo”
“Kamusta ka na?” tanong ko pagkaupo ko sa upuan na kaharap ng upuan ni Shin at ni Belle sa mesa. Nandito kami sa Starbucks, dito namin napagpasyahan na magkita.
“Okay lang, ikaw, namiss kita ah” nakangiti niyang tugon.
Hindi nagbago si Shin, maganda parin ito at may malambing na ngiti, mas pumuti pa nga ito at mas gumanda, mas naging maayos din ang kulot niyang buhok, ngunit ang awra niya ay walang pinagbago…
Para parin may isang malaking kulang…
“Mukhang mas naging okay ka na, kamusta ang puso?”
Ngumiti siya at humawak sa may kanan na dibdib niya. “Eto tumitibok, sayang nga dahil umalis kaagad si Aiden, hindi ko pa siya mapapakilala sayo”
Ngumiti ako ng tipid. “So totoo nga na may boyfriend ka na? Nabalitaan ko lang” sabi ko at nagkibit ng balikat. Sinabi na sakin ni Jace na nagkausap na sila ni Aurea, at napagalaman niyang nakamove on na ito, ngunit mas mabuti siguro na huwag ko nalang banggitin sakaniya.
“Oo, alam na nga ni Jace eh, kamusta na ba siya?” Tanong niya habang linalaro ang straw ng iniinom niya. Napansin kong nawala ang ngiti ni Aurea pero mukhang pilit niyang pinagpapanggap ang sarili niya sa bagay na hindi totoo.
Pinilit ko nalang na ignorahin iyon. “Kahit papaano, nagiging okay. I won’t lie, hindi madali sakaniya ang mga naging desisyon mo”
Tumikhim siya at muling nagangat ng tingin sa akin mula sa iniinom niya.
“Nagdesisyon lang ako ng sa palagay kong tama para sa aming dalawa”
“But you made a big decision by your own, you just leave him with no choice”
“Robi, she just did that for good,” singit naman ni Belle.
Tumango ako. “Of course I understand, but I just can’t help myself from asking,”sabi ko nang balingan ko si Belle, muli kong binalik ang tingin ko kay Aurea. “Why you two have to suffer to be hurt?”
Huminga ng malalim si Aurea. “I hurted Crystal and Peter, alam kong maling mali ang naging relasyon namin na iyon, alam kong hindi porke nasaktan ako noon ay may karapatan na kong manakit, kaya gusto ko nalang talikuran ang mga maling desisyon na nagawa ko…” malungkot na tugon ni Aurea.
Alam kong naiintindihan niya ang punto ko at naiintindihan ko din ang punto niya. Hinawakan ko siya sa kamay niyang nasa lamesa.
“Past is past, masaya ka na ba ngayon?”
Lumipas ang ilang segundo bago siya sumagot at pilit na ngumiti.
“Oo, I should be happy, with Aiden and without Jace…”
Aurea's pov
Binuksan ko ang mahabang kurtina na nakasabit sa may malaking bintana ng hotel na tinutuluyan namin ni Aiden.
Ilang buwan narin ang nakalipas magmula ng huling beses kong nakita ang pilipinas…
Wala parin itong pinagbago, kagaya ng mga naiwanan ko dito sa pinas, ang sariwang memorya na meron ako dito sa isipan at puso ko.
Hindi ko alam kung tama ba ang pangungulila na nararamdaman ko hanggang ngayon pero hindi ko mapigilan ang kung anong nararamdaman ko.
Kanina, nang tanongin ako ni Robi kung masaya ako… bakit pakiramdam ko, naninikip ang dibdib ko at hirap akong sabihin na masaya ako?
Dapat oo, dapat yon ang nararamdaman ko pero bakit parang hindi?
“Shin?”
Napalingon ako sa may likuran ko kung asan ang boses na tumawag sa akin. Si Aiden.
Yinakap niya ko from the back. “How are you? Nagkita na kayo ng old friend mo?”
Tumango ako at hindi nalang siya hinarap dahil sa ayokong mabasa niya ang expression sa mukha ko ngayon na halatang naguguluhan. Hindi ko man nakikita ang sarili ko ngunit ramdam ko iyon…
Dito lang sa dibdib ko.
“Okay na, gusto ko naman sanang makausap si Peter, kahit na alam kong ikakasal na siya gusto ko parin na malaman kung okay na siya at mas ayosin uli ang friendship namin na nasira. Lalo na kanina nakita kong mukhang malungkot si Belle nang mapagusapan namin ang kasal.”
Hindi pa sa akin pinapaliwanag ng buo ni Belle kung para saan at kung bakit sila ikakasal ni Peter, na naging dahilan ng paguwi namin dito sa pilipinas,
Pero sana kung ano man yon ay maging daan iyon para maging masaya sila at hindi makulong sa kalungkutan na pakiramdam ko ay kinukulungan ko hanggang ngayon…
Nung una naman ay masaya ko at kuntento ngunit nang napagalaman kong lumabas na ng bansa si Jace matapos naming magusap sa state ay bigla akong nakaramdam ng pangungulila, ang dating pagiging kontento ko ay biglang naglaho, sapagkat pakiramdam ko ay biglang nawalan ng saysay ang paglayo ko…
Magiging sapat na nga ba ko ngayong ginawa ko ang bagay na alam kong dapat pero hindi ako masaya?
“Nakausap ko na ang mga investors ng family natin dito sa pinas, pagtapos mong kausapin si Peter bukas, magdinner tayo with them?”
Tango lang ang sinagot ko sa paanyaya niya. Maigi pa nga na kagaya ng ginagawa ko mula ng magpunta ko sa state kasama si dad, ang abalahin ko nalang uli ng abalahin ang sarili ko sa trabaho.
Sana lang ay sa pamamagitan non ay magtagumpay ako na iwaksi sa isipan ko ang lahat ng dapat kong iwaksi hindi lang sa isipan ko kundi maging sa puso ko.(An. Thanks for reading 😊)
BINABASA MO ANG
A Resentment Of Love (On Going) (Book 2 Of A New Beginning With A Heartless Ex
RomanceCrystal; "Naranasan mo na bang maging kontra bida sa buhay ng dalawang nag mamahalan??? Ako oo! Masakit kasi bantang huli talo ako at eto nasasaktan hanggan ngayon... Hanggan sa natanong ko na lang sa sarili ko... Mahirap ba akong mahalin? O sadyan...