Crystal's POV
Nagsalita ako ng pumasok sya sa sasakyan.
"Alam mo, hindi ko matanggap na ikaw pa ang nangloko sa'kin. Kasi alam mo naman diba? Na mahal kita, na natatakot akong masaktan.."mahina lang ang boses ko pero sapat na para marinig nya.
"I'm sorry.." Yan lang ang sabi nya.
ngumiti lang ako pero halatang peke.
"Haay," buntong hininga ko. "Kahit anong gawin ko talaga, hindi ka mapasakin ng buo. Sabagay, lahat naman, walang naging sa'kin ng akin lang, lagi akong may kaagaw.. "
Sabi ko na parang naiintindihan ko na ang lahat at sanay ng masaktan. Kahit na sa totoo ay kahit kaylan hindi ko magawang masanay na paulit ulit nasaktan.
"Ano ba'ng ayaw nyo sakin? Bakit lahat kayo, iniiwan ako?"
Hindi ko mapigilang mapahikbi dahil sa sakit na nararamdaman ko." Crys, bukas na natin to pag-usapan, lasing ka lang."
Umiling lang ako at pinunasan ang luha kong tumulo na galing sa mga mata kong namumula na.
Oo nakainum nga ako, lasing ako pero hindi sapat lahat ng ininom ko para makalimutan ang lahat dahil kung sapat na yon, bakit nasasaktan parin ako?
" Okay na ko, nahimasmasan na ko, ngayon na natin pag usapan to, wag na natin patagalin to, para maka move on na ko. Para naman atlis bago matapos tong araw nato, alam ko kung sino ko sa'yo, anong papel ko sa buhay mo. Para matapos na'tong pag-papakatanga ko, kakaiyak dahil sayo, kasi pag tapos na tayo, wala na kong karapatan umiyak at masaktan di ba?"
Yumuko sya at nagsalita "Crystal minahal kita, maniwala ka. Hindi kita ginustong saktan, patawarin mo ko. Pero maniwala ka, minahal kita."
"Pero mas mahal mo sya? Tama ba?"
" I'm sorry.." Sabi nya sa malungkot na boses.
"Ang sakit pala ng may 'mas' noh. "
May muling pumatak na luha sa mga mata ko. Pupunasan nya sana yon, pero pinigilan ko sya.
"Wag kaya ko na 'to"
Sabi ko at pinunasan ko ang basa kong pisngi at tumingin sa harapan ng kotse.
"Alam mo, mula ng makasama kita, hindi na ko natakot masaktan....kasi sabi ko, kung masasaktan ako ulit ng paulit ulit, Okay lang, kasi may kasama na ko, hindi na ko mag-isa lang...may magpupunas na ng mga luha ko..kaya hinayaan kong masanay na ko dun.."
Muli kong pinunasan ang mga luha kong muling kumakawala sa mga mata ko. Traydor talaga ang luha na ito, ayaw mawala sa mga oras na kaylangan at gusto kong kalimutan at itago.
Tumingin ako sakanya at ngumiti ng mapait. Ang ngiting may kasamang luha...
"Pero hindi na pwede ngayon, dapat sanayin ko ulit ang sarili kong wala ka, na sanayin ko ulit ang sarili kong ako lang to, ako nalang ang mag co-comfort sa sarili ko, pag nasasaktan ako. ako nalang ulit ang magpupunas ng mga luha ko, ako na lang ulit mag-isa."
Sabi ko at pinunasan kong muli ang mga luha ko, at tumingin sa labas.
Bakit kasi kaylangan ko palaging masaktan? Kahit ang pamilya ko hindi ako minahal ng buo, ako parin ang nakikihati."Alam mo, kung may makikita kong wishing star sa langit, hindi ko na hihilingin na mabalik ka sa akin..alam mo kung ano ang hihilingin ko?"
Muli kong binalik ang tingin ko sa kanya. But this time, wala akong pinunasan na luha, wala akong itinagong luha. Hinayaan kong makita nya ang weakness ko.
BINABASA MO ANG
A Resentment Of Love (On Going) (Book 2 Of A New Beginning With A Heartless Ex
RomanceCrystal; "Naranasan mo na bang maging kontra bida sa buhay ng dalawang nag mamahalan??? Ako oo! Masakit kasi bantang huli talo ako at eto nasasaktan hanggan ngayon... Hanggan sa natanong ko na lang sa sarili ko... Mahirap ba akong mahalin? O sadyan...