Aurea's POV
"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko noong isang gabi. Si Crystal ba na half sister ko at ex ni Winters ay iisa?"
Tiningnan ko si Aiden na kasalukuyang nakaupo sa sofa. Noong isang gabi nang huli namin napag-usapan ito dahil hindi kami nagkita kahapon. Ngayong umaga ay naisipan niya 'kong dalawin sa bahay ni Belle para mag-usap.
Isa sa mga attitude na nagustuhan ko kay Aiden, he loves doing an effort pagdating sa mga ganitong bagay. Para sa kaniya ay hindi dapat pinag-uusapan ang issue through line at habang mainit pa. Kaya siguro minsan lang din kami magtalong dalawa dahil doon.
Understanding din siya at marespeto. Kagaya na lang ng pag-intindi niya na hindi pa ko handang makipag-live in kaya mas pinili kong tumuloy kina Belle habang nandito kami sa Pilipinas kaysa sumama sa kaniya sa tinitirhan niyang condo ngayon.
Naupo ako sa sofa para tabihan siya, at siya naman ay sinunod lang ang tingin sa akin habang nakaupo pa rin sa sofa at nakatukod ang isang siko sa kaliwang hita at palad naman sa kanan.
Humugot muna 'ko ng hininga bago ibinaling ang ulo sa kaniya. "Ayoko sanang maging issue natin' to, pero oo siya nga. Hindi ko alam ag kabuuan ng pangalan ni Crystal dahil bihira lang naman siyang magpunta sa hotel noon." Tinitigan ko siya at hinawakan sa ibabaw ng kamay na nasa hita niya. "I'm sorry, I promised na kikilalanin ko ang kapatid mo, pero hindi na 'ko sigurado kung matutupad ko pa 'yon."
Hinawakan niya ang kamay ko. "Its okay, kung hindi ka rin komportable ako na lang ang aasikaso sa business. You can stay here with Belle and help them for preparation of their wedding," sabi niya nang may ngiti, napangiti na lang din ako.
Sabay kaming napatingin sa cellphone niyang nasa ibabaw ng mini table sa harapan ng sofa. Nagpaalam siya nang kunin niya iyon at lumabas para sagutin. Siguro business.
Sumandal ako sa sofa at saktong nakita kong lumabas si Belle sa kusina. Naupo siya sa armrests ng inuupuan ko at saglit na sumilip sa bintanang nasa tapat ng sofa.
"Mukhang ayos naman si Aiden, understanding at hindi ma-egos," komento niya.
Natawa kong bahagya at ipinahinga ang ulo sa backrest. "Hindi kagaya ni Peter, 'no," biro ko.
Nakita kong umingos siya sabay kibit-balikat. "Alam mo minsan iniisip ko rin kung bakit siya pa. Unang-una may mahal siyang iba, ikaw iyon. Pangalawa, hindi naman ako close sa kanya, ikaw lang ang bridge namin kaya kami nagkakasama. Pangatlo andami niyang imperfections, malayo sa ideal man ng isang babae. "
"Pero mahal mo."
Nagkibit-balikat uli siya. "Wala namang makakapagsabi kung bakit minahal natin ang isang tao 'di ba? Kasi iba ang pagmamahal na may dahilan sa pagmamahal na bigla na lang pinili ng puso."
Natigilan ako sa sinabi niya. Saka napatingin sa kapapasok lang na si Aiden. Tama siya, kasi walang makakapagsabi kung bakit tayo nagmamahal, at kung bakit siya ang pinili ng puso natin.
Pero bakit ganito? Isip ko ang nagsasabi ng dapat kong mahalin?
"Hon, are you okay?"
Bahagya akong ngumiti at umiling sa kaniya, habang di Belle ay pasimpleng nakangisi lang sa amin. Makalipas ang ilang minuto ay nagpaalam na si Aiden dahil kailangan daw niyang makita ang process ng contract na inaayos ng kapatid niya. Kagaya ng sinabi niya kanina ay hindi niya ‘ko sinama at hinayaang sa kasal na kang ng best friends ko mag-focus.
Ilang sandali nang umalis si Aiden ay si Peter naman ang dumating para sunduin kami ni Belle. Pupuntahan namin ang venue ng reception na napili ng dalawa. Maganda at maganda sa mata ang pinaghalong puti at asul nitong kulay. Bumabagay din ito sa blue theme ng wedding.
“Shin, hindi naman sa tinataboy kita ah. Pero sigurado ka bang okay lang kay Aiden na narito ka?”
Tiningnan ko si Peter na katabi ni Belle na tumitingin ng sketch design ng iba’t ibang design ng bouquet, saka tumango habang nangingiti. Sa simpleng gesture nilang dalawa ay bagay na bagay sila. Gayon din ang kinang sa kanilang mga mata. Walang duda na para talaga sila sa isa’t isa.
“Naiintindihan niya naman, nagkausap na kami.”
“You mean inamin mo sa kaniyang affected ka pa?”
Nakita kobg siniko siya ni Belle na mukhang nawalan na ng gana sa sketch paper at napapakamot sa kilay niya. Mabuti na lang at hindi drawing iyon kung hindi ay kumalat na ang eyebrows niya.
Kahit hindi ko nakikita ang sarili ko ay ramdam ko ani-unting pagngwi ko imbes na ngiti.
“Alam niya, inamin ko. Bakit, may problema ba doon?”
Umiling siya. “I don’t know, Shin. Its just that for me nang sabihin mong affected ka pa kina Jace at Miss Crystal, para mo nang inamin ba may feelings ka pa.”
Natigilan ako sa sinabi niya habang siya ay nagpatuloy.
“Advice ko lang ah, mag-iingat ka. Baka hindi mo alam nasasaktan mo na si Aiden. I was in his place so I get him silently.”
Nakita ko ang marahang pagtango ni Belle habang ako ay tahimik na ibinaling ang atensyon sa sketches.
Tama si Peter, at siyempre kung may unang taobg makakaintindi niyon ay si Peter ‘yon. But should I do? Magkunwari at magpanggap?
Crystal’s POV
Inikutan ko ang sasakyan ko habang sinusuri ang kabuuan niyon. I was on my meeting with Kuya Aiden nang tumawag sa akin si Rafael para sabihing maayos na ang sasakyan ko, after 2weeks.
“So, bawi ba ‘ko?”
Tiningnan ko si Rafael na nakamasid kang sa akin at maliit na ngumiti. Tiningnan ko saglit si Kuya Aiden na sinamahan ako. Nakatayo lang siya sa gilid ng isa pang kotseng katapat ng kotse ko na mukhang isa sa mga ginagawa rin.
Nagkibit-balikat ako at muling binalingan si Rafael. “Sa pagkakaalala ko, bawi ka na sa akin. Remember that night-“ Sabay kaming napatingin kay Kuya Aiden nang bigla siyang tumikhim. Nsng una ay naningkit ang mga mata ko nang subukan kong basahin ang nasa isip niya, ‘di nagtagal ay natawa ‘ko nang ma-gets ko siya.
Tinapik ko sa braso si Rafael upang sa akin uli bumaling. “Nang ihatid mo ako sa bahay that time,” patay-malisya kong rugtong.
Tumango-tango si Rafael at nakitas ko rin sa gilid ng mata ko ang pagtango ni Kuya Aiden.
Kahit na hindi ako nakapunta sa important meeting ko ay dahil ayos lang. Hindi naman ang aksidente ang dahilan, dahil ihahatid niya naman ako. ‘Yong pagkakagulo ni Xander at Jace ang dahilan. Pero dahil sa aksidente ay inakala ng ka-meeting ko na iyon ang dahilan. Hindi ko na tinama para hindi pumalya ang business proposal ko.
“Nagse-selos ata boyfriend mo,” pasimple niyang sabi.
Ngumiwi ako. “He’s not my boyfriend, he’s my,” nag-isip na muna ko bago rugtungan. Hindi ko naman maaring sabihin na kapatid ko, mamaya kumalat pa. Sikat pa naman ‘tong talyer na kinaroroonan namin. “Best friend, na parang kapatid. Isa pa, may girlfriend siya,” unti-unting bumagal ang pagsasalita ko nang muling pumasok sa isipan ko si Aurea.
Nakakainis, sa dinami-rami ng magiging nobyo ay kapatid ko pa. Ang liit ng mundo.
Napa ‘ahhh’ na lang siya. Bandang huli ay nagpasya ‘kong ipa-pick up na lang sa driver ko ang sasakyan habang ako namsn ang nagmaneho ng sasakyan namin ni Kuya. Mas kabisado ko ang Pilipinas kaya naman mas mainam na iyon.
“Crys?”
Tiningnan ko siya habang inaayos ang seatbelt ko.
“Is it okay kung isama ko bukas sa opisina si Aurea?”
Natigilan ako at napatingin sa phone niyang hawak niya. I slowly nodded at mukhang nakukuha ko na.
“Gusto niyang sumama na?”
Kanina sinabi niya sa akin na kaya hindi niya na sinama si Aurea ay para malayo sa issue namin. Nang tinanong ko siya kung desisyon niya iyon ay hindi na siya nakasagot.
Bahagya akong ngumiti at tumango. “Sure.”
Pumungay banyaga niyang mga mata at napailing. “Ayoko sanang isama si Aurea dahil alam kong affected ka pa. I’m sorry, hindi ko akalain na ang dahilan pa ng heartbroken mo ay ang mismong naging girlfriend ko. Now, I wanted to protect you at least.”
Ngumiti ako at bahagya siyang siniko. “I appreciate it, but protected your relationship, too. Isama mo siya, and I won’t mind.”
BINABASA MO ANG
A Resentment Of Love (On Going) (Book 2 Of A New Beginning With A Heartless Ex
Storie d'amoreCrystal; "Naranasan mo na bang maging kontra bida sa buhay ng dalawang nag mamahalan??? Ako oo! Masakit kasi bantang huli talo ako at eto nasasaktan hanggan ngayon... Hanggan sa natanong ko na lang sa sarili ko... Mahirap ba akong mahalin? O sadyan...