Jace's pov
Naglalakad na ko ngayon patungo sa parte ng resort kung saan naroroon ang ina at kapatid ko.
Kung tutuusin ay hindi ko na inaasahan na may aabutan pa kong dinner dito dahil kanina ko pa sila pinauna dahil may iba pa akong dinner meeting na inasikaso, sadyang napngakuan ko lang si momma na sasamahan ko siya sa time na makikilala niya na ang magiging bagong sheres holder ng negosyo ni momma.
May sariling negosyo si momma na siya ang nagmamanage, kasama niya si Crystal sa business na iyon dahil naisipan lang naman daw nila iyon dala ng pagiging close nila,
Ngayon papunta ko doon dahil sa bukod sa negosyo ni momma na mahiging kamerge ng Moore's corporation ay magiging isa rin ang Moore sa magiging kabusiness ko para sa may pagpapaunlad pa ang kumpaniya, sa kumpaniyang iyon ay kasama ko si Crystal na siyang hindi ko na uli nakausap magmula nang makipag balikan ako sa kaniya na hindi naman nito tinggap.
Speaker of Crystal. Siguradong nandito rin siya, kauspin niya na kaya ako?
Bhagyang napatungo ako nang makita ko na ang pintong hinahanap ko, kung saan ang pinaroroonan ng ina at kapatid ko.
Habang naglalakad ako ay may isang babaeng nakatungo ang umagaw ng pansin ko, babaeng nakatungo ngunit hindi ako maaring magkamali, kahit hindi ko makita ang kaniyang mukha ay kilala ko siya sa kahit ano'ng anggulo niya.
Tatawagin ko sana siya ngunit may napansin agad akong isang service staff sa hotel na hindi nakatingin sa daan at mukhang babangga na siya sa babaeng nakatungo dahilan para hindi nito makita ang kaniyang dinadaanan.
Kung kaya't iba ang salitang bumulalas sa aking bibig imbes na tawagin siya sa kaniyang pangalan sabay hila sa kaniya, hindi ko man balak ngunit napasandal siya sa dibdib ko habang nakatago ang kasniyang mukha.
“Watch out!” sita ko don sa service staff na kasalukuyan ng yumuko at mabilis na inayos ang mga nakakalat na sa sahig na kaninang dala nito.
Naramdaman ko ang dahan dahan na paggalaw ng babaeng nasa pisig ko ngayon at di nagtagal ay dahan dahan niyang iniangat sa akin ang kaniyang paningin.
Napalunok ako nang magtama ang aming mga mata.
Napakatagal kong hinintay ang pagkakataong ito, na finally ay muli kang bumalik sa pisig ko…
Aurea.
Aurea's pov
Hindi madaling alisin ang mata ko na tila ay nadikit na sa kaniyang mga mata kung kayat hindi ko ito maialis, ngunit alam kong kaylangan…
Kaylangan kong lumayo bago ako tuluyang madala sa imosyon ko.
Bigla akong humiwalay sakaniya at nag iwas ng aking mga mata.
“T-thank you…” sabi ko na alam kong hindi mababasahan ng sensiritad.
Tatalikod na sana ko nang bigla niya kong hawakan sa wrist ko.
Ang bilis ng tibok ng puso…
Para bang nais kong lumayo sakaniya dala ng takot ko na baka madama niyang tinitibok ng puso ko.
Binaling ko ang ulo ko sa kaniya ngunit hindi ko sinunod ang katawan ko, tanging ang balikat at ulo ko lang ang nakaharap sakaniya.
Napalunok ako dahil sa kirot na naramdaman ko sa puso ko ng makita ko ang napaka lungkot na imosyom sa kaniyang mga mata. Bakit Jace? Bakit mo ako pinapahirapan ng ganito?
“Rea, kaytagal kong hinintay na magbalik ka sa pilipinas, umaasa na-“
“Ano Jace?” Pagputol ko sa sinasabi niya. “Umaasa ka pa rin ba na maduduktungan pa ang bagay na pinutol ko na?” Nanghihina kong tanong.
Haharapin ko na sana siya ngunit napabaling ako sa gawi ng pinto na linabasan ko kanina nang bumukas iyon at linuwa non ang kapatid at ina ni Jace at si Crystal na kausap ni Aiden.
Dahan dahan na binawim ko ang aking kamay at napahingang malalim nang mapatingin na sa amin ang mga kasama.
Tahimik na pinanood ko nalang sila nang magbigay bati si Jace kay Aiden na patingin tingin sa akin. Di nagtagal ay hiniling ko na kay Aiden na ihatid na ako sa bahay ni Belle kung saan ako ngayon nanantili dahil sa biglang sumama ang aking pakiramdam, mabuti nalang at kaagad na pinagbigyan ako ni Aiden kaya hinatid niya na ko sa bahay ni Belle.
Tahimik na binuksan ko ang seatbelt ko nang huminto na ang sasakyan sa tapat ng bahay.
Ngunit agad niyang binasag ang katahimikan ng hindi sa akin nakatingin.
“I’m sorry, I have no idea na kumpaniya pala ng pamilya ng ex mo ang kumpaniya na iyon.”
Binalingan ko siya. Hindi masama ang loob ko sa kaniya sa kaganapan kanina, sa katunayan ay masama ang loob ko sa sarili ko, dahil alam kong isang pagtataksil ang kahibangan na naramdaman ko kanina nang makita ko si Jace,
Alam kong mali ang nararamdaman ko, mula kasnina hanggan ngayon.
Ngunit isang tanong parin ang nais kong malaman sa kabila ng kung anong pakiramdam na hindi ko maintindihan.
“Crystal, sino sya?”
Napabaling siya sa akin bago sumagot. “Sya yung sinasabi ko sayong kapatid ko sa labas na gusto kong makatrabaho” kumunot ang noo niya na mukhang dala ng pagtataka. “Don’t tell me, hindi coincidence ang pagiging poareho ng pangalan nila?”
Imbes na sagutin ay nagpaalam nalang ako at pumasok na. Naabutan ko pa si Belle na nanonood ng movie kasama si Peter, dapat nga ay iignorahin ko nalang sila para magka quality time naman sila sa isat isa ngunit mukhang napansin nila na problemado ako kaya pinilit nila ko na magkwento tungkol sa nangyari sa amin sa lakad namin ni Aiden, kaya walang nagagawang nagkwento na nga lang ako.
“Grabe dinaig niyo pa ang na reincarnate at nauulit ang mga nangyari noon” naiiling na sabi ni Belle. “Buhay pa kayo naka reincarnate agad kayo” dagdag pa niya.
Yinakap ko ang tuhod ko at bahagyqng yumukyok doon.
Tama siya, parang nauulit nga lang ang nakaraan.
Muling rumihistro sa isipan ko nang sakit na mababasa sa imosyon ng mga mata ni Jace.
Nasasaktan parin siya?
Hinihintay niya parin ako?
Napabaling ako kay Peter nang bigla siyang magsalita. “Sabi nila ang reincarnate daw ay para lang sa mga taong may kaylangang ayosin sa nakaraan nila, paano kung kayo din?” Nakatingin lang ako kay Peter.
Pagkakamali?
“Ang corny mo” sita ni Belle sa boyfriend.
Nagkibit ng balikat si Peter. “Basta Shin, matuto ka sa mga nangyari noon, wag na wag niyong uulitin ang mga wrongs niyo, yung puro rights lang”
Imbes na sagutin ay muli akong yumukyok sa tuhod ko.
Wag ulitin ang mali?
Paano ko iyon maiiwasan kung kahit ngayon na lumayo ako sa kaniya ay nadarama ko parin ang presensya niya…
Dito sa puso ko.
Crystal’spov
Binalingan ko si Jace na kasalukuyan na diretsyo ang asng tingin. Nandito na kami ngayon sa tapat ng bahay ko. Pinauwi na kasi ni Jace ang driver na nagdrive at naghatid samin ni tita sa resort kaya siya na ang naghatid sa akin.
“Hindi kayo nag usap?” tanong ko na pilit na iniignora ang sakit.
Nakita ko kanina ang imosyon ni Jace, alam kong hanggang ngayon ay walang nagbabgago sa nararamdaman niya,
Kapareho ng akin.
Binalingan niya ako. “Sinasadya mo b to?Bakit sa dinami dami ng bibigyan mo ng proposal? Nanadya kas ba?” Akusa niya sa akin.
A laugh bitterly. “What? Alam mo ba yang sinasabi ko?” I ask then unti unting nawala ang ngiti ko na naiwan dahil pa sa peke kong ngiti. “Sa tingin mo sinadyas ko dahil kay Aurea?” pinunasan ko ang buong mukha ko sabay hugot ng buhok pataas. “Ano ba ang sa tingin mo? Na araw araw kayong makitang magkakasama para masaktan ako? Tanga ka ba?”
Pagkasabi ko non ay agad na akong lumabas ng sasakyan niya.
BINABASA MO ANG
A Resentment Of Love (On Going) (Book 2 Of A New Beginning With A Heartless Ex
Roman d'amourCrystal; "Naranasan mo na bang maging kontra bida sa buhay ng dalawang nag mamahalan??? Ako oo! Masakit kasi bantang huli talo ako at eto nasasaktan hanggan ngayon... Hanggan sa natanong ko na lang sa sarili ko... Mahirap ba akong mahalin? O sadyan...