Chapter 2: Mission Impossible

31 13 0
                                    

"A true friend is the one who's listening on your non-stop dramas over and over again."


××××××××××××


Monique's POV


Nandito kaming lahat ngayon sa rooftop ng school. Mayroon ritong parang garden tapos madaming mga upuang malalaki at mahahaba na may lamesa.

Umupo kami sa isa doon.


Katabi ko sa kaliwa si Lorraine at katabi ko naman sa kanan si Sofia.


Alam na nila. Sinabi na namin.


"Sasali ba tayo?" Pangamba ni Iris.


Walang nakasagot sa tanong nya. Ibig sabihin, walang nakakaalam ng isasagot sa kanyang tanong. Walang may alam kung OO o hindi.


"Ano bang meron tayo?" Tanong naman ni Tracy.


"Eh.. ako, marunong maggitara." Sabi ko.


Tas walang nagsalita, walang sumagot kaya nagsalita ulit ako.


"Ikaw Tracy diba! Choir ka dati?! Tas marunong ka magbanduria diba? Eto si Lorraine, marunog din kumanta." Sabi ko ulit.


"Eh paano naman yung iba?"


Doon kami natigilan lahat. Muling nanahimik ang katahimikan sa grupo namin.


Readers: Ano ba kasing meron?!!!


Hihihi. Oo na, ito na. sasabihin ko na. Nakakahiya naman -.-



~~~~Throwback~~~~



Pagkarating na pagkarating ko pa lang sa may gate ng school, may nakita akong pinagkakaguluhan ng mga kapwa ko estudyante sa may bulletin board.



Hindi na lang ako nakigulo doon at nilampasan ko na lang, imbis, ay nagdiretso na lang ako sa classroom namen. Panigurado naman ay alam na ng mga kaklase kong nauna dumating sakiin ang meron don.



Pagkarating ko...



"——ficers na lang kaya?!"



Boses yon ni Angel, treasurer ng klase amin.



"Ay pwede. Wala namang sinabing bawal eh. Pero ang sabi, dapat daw ay dalawa."



This is Infin8y, This is UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon