iNTRODUCTiON 2: Transferee

35 15 4
                                    

"Ang magkakaibigan, nagpipikunan pero hindi nag-iiwanan"


[The Join Forces & The Transferee]


Monique's POV


2 months later...


"Uy! Tracy? May boyfriend ka ga--este, may assignment ka ga?"


Tumingin sa'kin ng masama si Tracy. Naniningkit ang mga mata nya. Hala? Parang olags oh! HAHA! Matatawa sya kapag nakikita nya ang itsura nya sa ngayon.


"Alam mo Monique napakasama mo talaga :( -_-"


Pag-iinarte nya. Doon, magmula sa malawak kong pagngiti, tumawa ako ng malakas! As in malakas! Rinig ng buong klase. Eh sa gusto kong ilabas ang feelings ko eh. Wala silang magagawa. :)


"Oy, Monique! Ano ga namang tawa yan?!"


Sita sa'kin ni Iris. Kaklase rin namin siya. Nakaupo sa harapan ko at isa sya sa mga nakausap ko nung first day of school, noong mga panahong wala pa kaming masyadong kakilala.


"HAHA! Sorry na poooo!"


Panggagaya ko pa kay Chichay. Ang lakas ng boses ko. Napatingin tuloy sa'kin ang mga kaklase ko--yung tingin na hinuhusgahan nila ako. Pero wala akong pakialam. Hindi ako perpekto, at mas lalo na sila kaya wala silang karapatang husgahan ako.


"Eh di nga, Tracy? May assignment ka?"


First subject namin sa umaga, vacant time. Kaya pwedeng late ka pumasok. Pero, hindi kapag Monday dahil may flag ceremony kapag Friday.


Napatingin sakin si Tracy.


Nanlalaki ang mga mata.


Bahagyang nakanganga.


May gumugulo sa kanyang isipan.


"MONIQUE! Bat di mo sinabi sakin na may assignment?"


O___________O


Wala din pala syang assigment.


Tiningnan ko ang oras sa wrist watch ko... 20 minutes na lang, may klase na ulit.


Oh no. We're dead.



"Aaaahhh! Lorraine! Lorraine!"


Tawag ko kay Lorraine mula sa kabilang side ng classroom. Hati kasi yung mga upuan namin. 48 students kami at tig-24 sa magkabilang side ng classroom. Katabi ko sa kanan si Tracy at ako ay nasa gilid. Sa kabilang side na katapat ko sa kaliwa, nakaupo doon si Kzea. At sa tabi ni Kzea, doon nakaupo si Lorraine.

This is Infin8y, This is UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon