"A friend never tells you what you want to hear, best friends tell you the truth and what's best for you"
++++++++++++++++++++++++
Monique's POV
"Saan ka galing?"
"Bakit hindi ka pa nakasuot ng uniform?"
"Pwede mo ba akong maging kaibigan?"
"Ako nga pala si achuchu"
Ganyan ang inaasahan namin ni Tracy habang nakatingin kay Ms. Transferee. Dahil nasa kahulihan kami ng mga seats, as in sa pinakahuling row, ang hirap tingnan. Sa unahan kasi pinaupo si Ms. Transferee eh.
Akala namin pagpepyestahan sya ng mga tanong ng mga kaklase namin pero hindi eh. Ang gara nga, walang kumakausap sa kanya.
"Tracy, kaibiganin kaya natin?"
"Edi kausapin mo!"
"Nahihiya nga ako?"
Nagkibit balikat sya. Tong babaeng to talaga naku!
"Eh kung yayain kaya natin sumabay satin mamayang lunch?"
++++++++++++++++
"Saan ka galing?"
"Bakit hindi ka pa nakasuot ng uniform?"
"Pwede kabang bumarkada samin?"
Okay. So inaakala kong ganyan na ang magiging scenario namin habang kasabay namin syang kumain sa Terraza ng school.
Hindi.
Ilang na ilang kami. Kalokaa. Sino ba kasing may sabing isama sya? >,< Walang nagsasalita kahit isa. Oo na, kami na ang mukhang tanga. Ui! Nakakahiya kaya! Tsk. Simulan ko na nga.
"Ahmm... paano ka napadpad dito kung sa Muntinlupa ka pa nanggaling?"
Pagbasag ko ng katahimikan.
"Mmm, yung mama ko kasi, taga dito..."
Tumango tango lang ako. Ang hinhin nya magsalita! Dahan dahan kung dahan dahan!
"Ahhhh.. eh bakit hindi ka pa nakauniform?"
"Hindi pa kasi natatahi eh..."
Ahhh. Feel ko nerd itong babaeng to eh. Ang hinhin kasi tapos ang tahimik.
"Ahh..... eh.. pwede mo ga kaming maging kaibigan?"
Kinagat nya yung tinidor nya at saka tumango.
Okay.. may bago na kaming kaibigan.
++++++++++++
Sofia's POV
Nagtransfer ako dito sa eskwelahang ito dahil sa isang personal na dahilan. Akala ko wala akong magiging kaibigan dahil isang linggong pagkatapos kong magtransfer ay wala pang kumakausap sakin. Pero may kumausap sakin at nagkumbinsing sumama sa kanila.
Sa totoo lang, hindi naman talaga ako palakaibigan eh. Actually namimili ako ng mga kaibigan ko dahil..sawa na ako sa mga namlastik saking akala ko kaibigan ko doon sa dati kong pinapasukang school bago ako magtransfer dito.
Pero wala na akong magagawa, napalapit na rin ako sa kanila eh.
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
Monique's POV
Simula nang magkalapit kami nina Kzea, napagdesisyunan na naming maghalu-halo na. Pito na kami ngayong magkakaibigan.. ang dami na namin :) Nagkasundo kaming lahat at...
"Ohmygad Tracyyy! Kinikilig talaga ako kayna *girlcharacter* at *boycharacter* Kyaaahhhhh!"
OKAY so, hindi nyo aakalain kung sino yung nagiinarteng yon. As in, hindi nyo talaga aakalain. Sa ilang weeks naming magkakaibigang pito, nakita namin ang mga pagbabago ni Sofia...
Akala namin mahinhin at tahimik nya..
Sobrang daldal! Grabe! Kung madaldal ako, at kung sinuman, wala nang makakatalo pa sa kadaldalan ni Sofia! Ay naku, sinasabi ko sa inyo, magugulat talaga kayo kung kayo ang asa posisyon ko. Grabe lang, mas adik pa pala sya sa Wattpad kasi samin!!!Ang dami na nyang nabasang stories, ang dami na nyang kilalang author at wattpad characters! Grabehan lang, as in! Di ko inakalang ganito pala ang tunay na kulay ng balat niya. Kalahi pala namin sya, bruha.
DITO NAGTATAPOS ANG KWENTO KUNG PAANO NABUO ANG INFIN8Y, PERO ABANGAN ANG MGA PAGSUBOK NA KINAHARAP NILA NANG SAMA-SAMA..
..AT ANG MGA PANGYAYARI SA BUHAY NILA NA HINDI NILA KAILANMAN MAKAKALIMUTAN.
BINABASA MO ANG
This is Infin8y, This is Us
LosoweTrue love exist. True love last. True love is sacrifice. True love is destiny. But, how about friendship? FRIENDSHIP. "The greatest treasure in the world is not gold, nor jewel, nor works of art. They cannot be held by your hand, they're held withi...