Chapter 4: Hindi pa nga umaakyat, may humihila na kaagad pababa.

19 6 0
                                    

I'M TELLING YOU GUYS. LOVE LIVE: SCHOOL IDOL PROJECT IS THE BEST ANIME SERIES I'VE EVER WATCHED. It make me laugh, it make me cry. It touches my heart. Everything is so perfect. I never regret I'd watch it. It's so FUNtastic =))))

dedicated to ambertiara

lorraine's POV

Natapos ang usapan namin about the decision if we'll try to join the contest. Lahat kami, OO ang sagot.

Pero hindi na kami binalikan nina Iris at Monique. Pagkarating namin sa classroom ay nakita naming wala na doon ang kanilang mga bag. Ibig sabihin ay nauna na yung dalawang yun.

Hindi man lang nagpaalam.

Gabi na ngayon at kasalukuyan na ako ngayong nakahiga sa kama ko upang matulog.

But I can't sleep with him on my mind.

Hindi ko makalimutan ang lahat. Lalo na ang kanyang mukha. Grabe, tinamaan na ata ako. Para kasing there's something good at him eh.

Sana makita ko sya ulit.

Gagawa ako ng paraan para makilala ko sya.

Gusto kong pumasok sa buhay nya.

..alam kong may magandang idudulot sakin kapag nakilala nya ako, kapag naging close kami.

Sana hindi ko pagsisihan.

Tracy's POV

Hi mga lukaaaaa!~ Well, kasama ang sarili ko sa tinatawag kong luka! Mwahahaha! :P

Kasalukuyan ako ngayong kumakain ng Dowee Donut. And oh! Take note the word, STRAWBERRY FLAVOR! Waaah. My favorite flavor of all my life. Yeah parteh parteh. Hehe.

"Oy, Tracy! Pahingi nga ako!"

Pumutol si Sofia ng kapiraso. Kahit di pako umoo. Ugh. My baby. :( nabawasan tuloy. :( Gaganti ako! Gaganti talaga ako!

Yung kaibigan mong nagpaalam nga, pero hindi naman inantay ang oo mo. Anoba. :(

Nilingon ko si Monique sa tabi ko. Kumakain sya ngayon ng Pillows na color violet. Yung ube. At nagbabasa sya ng kanyang biniling libro——My Prince.

"Ohmyghad. Tracy! Waah."

Sabay paypay. At hindi lang bastang paypay. Gamit nya ang kamay nya pangpaypay at ginagawa nya lang yon pag totoong natutuwa sya. Mukhang eng-eng diba? Wala namang hangin ang kamay kahit ipaypay eh.

Pero di na lang ako nagsalita at hinayaan ko na lang sya. Napangiti ako. Bumalik kasi sa pagkaseryoso yung mukha nya. Ang bipolar lang eh.

Napatingin naman ako kay Iris. Nakatitig sya saken. At hindi lang basta titig. Yung titig bang parang pinag-iisipan ka. Yung titig na parang sinasaulo ang bawat detalye sa mga parte ng mukha mo.

"Huy, Iris. Ano ba namang tingin yan?!" Nakàkatakot kasi.

Umayos naman sya ng upo at dahil nasa unahan sya ni Monique nakaupo ay nakaharap sya samin, dito sa likod.

"Tabi ka sakin, Tracy. May sasabihin ako sayo."

Monique's POV

Kanina pa akong kinikilig dito sa librong binabasa ko. Aba, eh totoo namang nakakakilig ah. Ang sweet kasi ni Jiro eh. Nakakaloka. :">

"Goooood morniing, Ma'aaam Euniceee"

Isang napakahabang bati ng mga kaklase ko ang narinig ko. Aba, tine na pala namin ng English. Hindi ko man lang narinig ang bell na dapat ay magsisilbing hudyat na tapos na ang recess.

This is Infin8y, This is UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon