Chapter 6: and she will

5 0 0
                                    

Monique's POV

[Continuation nung nasa rooftop sila]

"Hey, Monique. Ano bang sinasabi mo dyan? So ganon? Matapos mong ipamukha samin na kaya nating gawin tong bagay na to basta gagawin natin to ng sama-sama tapos bigla mo kaming tatanungin ng ganyan??? Anong gusto mong palabasin? Ayaw mo?" 


Nagulat ako sa biglang salita ni Sofia. Medyo tumagos kasi sa puso ko yung sinabi nya. Pero kasi..... Hayyy. Kung alam nyo lang.

"Pero-----"

"May pasabi-sabi ka pa ngang kaya mong lumipad pero pag tayo ay magkakasama eh lilipad ka talaga tapos anong nangyari? Handa na ang pakpak natin para lumipad tapos ano? Anong nangyari sayo? Pinutol mo pakpak mo ganun?" -Sofia

"H-Hindi naman sa ganun..."

"Eh ano ba kasing ibig sabihin mo sa sinasabi mo???" -Kzea

Pakiramdam ko nakatingin saken si Iris habang iniintay sasabihin ko. Alam kong nasa isip nya eh aayaw ako dito at kukumbinsihin ko ang mga kaibigan namin na huwag nang sumali dahil ako lang naman ang makakagawa nun.

Pero... nagkakamali sya ng iniisip.

Hindi ako aayaw.

Lilipad ako.

Lilipad kami.

Napangiti ako nang bahagya. Umupo ako sa upuan ko. Nakatingin silang lahat saken, iniintay ang sasabihin ko. Alam kong sa sinabi ko kahapon eh naconvince ko na kagad sila. Alam kong kaya nilang gawin to. Alam kong kaya naming subukan ang bagay na ito. Tapos ako? Bigla ko nga namang tatanungin yon sa kanila, eh hindi ba't parang ang bilis ko namang sumuko pag ganon eh hindi pa nga kami naguumpisa diba?? Ako tong nangumbinsi sa kanilang sumali tapos ako din ang kukumbinsing wag na lang???

Magpapadala ba ako sa sinabi sakin ni Iris? Sa pagkontra nya sa gagawin namin? Makikinig ba ako sa mga paratang nya saken? Oo, masakit. Masakit na masabihan ng mga bagay na ganun. Oo, mahina ako pagdating sa mga ganung bagay. Pero sapat na dahilan ba yon para sumuko ako? Para sumuko kami? Hindi sapat yun eh.

Dahil sya, kung ayaw nya, mas marami kaming may gustong simulan ang kalokohan, katangahan, at katarantaduhang ito.

"Iris."

Napatingin kaming lahat kay Iris.

Nginitian ko naman ito.

"Samahan mo naman ako sa canteen oh? Nagugutom ako eh."

Okay, this time may lakas ng loob na akong sabihin sa kanya na mali ang iniisip niya. Kaya ko to. Fighting!!!

-----

"So anong gusto mong palabasin ngayon?!"

"Calm down, Iris. Sakin lang kase, bakit mo naisip ang mga bagay na yun?"

Keep strong, Monique. Kaya mo yan. Wag kang iiyak. Wag kang iiyak. 

Aba, bakit pala ako iiyak!? HAHAHA.

Umiwas ng tingin si Iris. Andito ulit kami ngayon sa kung nasasaan nya'ko sinabihan at kinontra kahapon. Ngayon, ako naman ang magbibigay ng opinyon.

"Ikaw? sa sarili mo, gusto mo ba talagang sumali dito----"

"Ayaw ko."

"Bakit? ayaw mong sumali dito, bakit?"

Umiwas sya ng tingin. habang ako inuusisa ko ekspresyon ng mukha nya. At kitang-kita ko doon na naiinis sya.

"Alam kong wala tong patutunguhan."

"At pano mo naman nasabi?"

Natigilan sya sandali.

Oh ano.

"Ikaw... bakit? sigurado ka bang kaya mo silang dalahin??"

Sighs.

Okay.

"Bakit ko naman sila dadalahin? Eh tayong lahat naman ang gagawa nito hindi ako lang ah. Kaya kung anong meron ako, meron din kayo. kasi tayo. magkakaibigan tayo eh. sama sama nating gagawin to."

OMG. Whuuut. Hindi ko pinagisipan to. Basta na lang lumabas sa bibig ko. Pero... Bakit parang pakiramdam ko guminhawa ang pakiramdam ko? Ah, di ko alam. Jusq.

Hindi umimik si Iris. Nanatili syang nakaiwas ng tingin. Magsasalita pa sana ulit ako kaso...

"Huy, Monique, Iris! Anong ginagawa nyo dyan? Tara na sa rooftop!" 


Napatingin kami kay Sofia. 


"Luh? Kanina ka pa ba dyan?" 


Tanong ko dito. Naku di pedeng marinig nya pinag-usapan namin ni Iris. Umiling si Sofia nang nakangiti. 


"Kadadating ko lang. Kagulat ko nga sa inyo bat kayo nasa daan eh. Haha! Likana." 


Saka sya tumalikod at naunang maglakad sa amin. Sumunod na lang kami ni Iris.

Hmm...

Nagbago kaya ang isip ni Iris?

××××××××××××××××

Sofia's POV

Andito na ulit kami ngayon sa rooftop pagkatapos kong sunduin at makita sina Iris at Monique na nandoon lang naman pala sa may hagdan, nag uusap. Jusq naman. Akala naman kasi namin, iniwan na naman kami nung dalwang yun!

Nagdadaldalan ang bawat isa ngayon dito sa lamesa namin. Kahit ako. Magkashare kaming dalawa ni Kzea ng earphone habang nakikinig sa mga kanta.

Napatingin ako kay Monique. Hawak nya ang cellphone nya at seryoso syang nakatingin dito. Abugh. Ano ginagawa nito.

"Oy, Monique ano ga yan?!" 

Mukhang nagulat pa nga ang luka pagkasabi ko nun. Tinago nya phone nya. Pffft.

Uub-ob sana ako para pumikit kaso bigla syang nagsalita.

"Alisin nyo nga muna yang mga nakasagabal sa inyo at kailangan nating mag usap." Seryoso nyang sabi. Pero..

"Bakit naman?" Tracy.

"Ano naman gang pag uusapan?" Lorraine.

At may kanya kanya pa silang kumento. Medyo nainis ako sa mga inasta nila at alam kong ganon din si Monique kaso hinayaan ko na lang para di na lumaki ang gulo.

Napatingin si Monique samin ni Kzea. Kumunot noo nya. "Alisin nga muna yang headset na yan at makinig kayo." Ow. Nalimutan naming may headset nga pala kami ni Kzea. Tinanggal namin agad to.

Nagbuntong hininga si Monique.

"Kaya natin to di ba?" Tapos ngumiti sya. Halatang pilit... Pero totoo.

Teka... Huh? Ano bang nangyari? Anong pinagusapan nila ni Iris? Mukha namang sobrang seryoso sila eh. Hmm.

----

Note: Hi, snazzyvice salamat dun sa msg mo skn ah :* sana matupad mo yun kasi ikaw na mismo ang nagsabi nun eh. Labyu. :*


This is Infin8y, This is UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon