Kung pwede lang ay gusto niyang mabura ang mukha nang mga oras na iyon dahil sa sobrang kahihiyan.
It was a facade evidence !
"Dahil sa sunod-sunod na pagkawala ng mga gamit ko kaya ako nagpa-imbestiga.Kinuha ko ang kopya nang surveillance camera mula sa security nang Westville.Pinaayos ko ang mga nakuha kong video mo sa lahat ng mga laban namin na kinukuha mo ang gamit ko.Para oras na macorner kita ay hindi kana makakatanggi.Like now, siguro naman aamin ka na?" Lalo itong lumapit sakanya.Tinungkod nito ang mga kamay sa tuhod upang sulyapan ang mukha niyang nakababa. "Ngayong nabisto ko na ang mga pinaggagawa mo, anong balak mong gawin?"
Nawalan ng lakas si Betty.Hindi niya din magawang itaas ang ulo upang ipaglaban ang sarili dahil sa harap-harapang ebidensya sakanya.Nadama niya ang pag-sakit ng ulo at pag-ikot nang paningin na para bang bumabaliktad siya.Nanlalambot ang kalamnan ng kanyang mga paa at nanginig ang kanyang tuhod.Napapikit siya sa tuluyang pagbasak.
"HEY !" Si Mark nang makitang babagsak ang dalaga.Maagap nitong inikot ang matibay na mga braso upang saluhin ito.Nakahinga siya ng maluwag nang matagumpay siya.
Napatanga ang mga kaibigan niyang naroon dahil sa pagkabigla sa kabilisan ng mga pangyayari.Tinulungan siya ng mga ito sa pagbubuhat dito.Hindi naman ito kabigatan sa balingkinitan nitong katawan.Sadyang wala lang sa bokubyularyo niya ang magbuhat ng babae.He just don't like the feeling.Maybe because he's not a sweet person.
BINABASA MO ANG
VARSITY SIDE : MARK ANTHONY GARCIA : SERIES 1 (COMPLETED)(EDITING)
RomanceAng mapansin ni "Mark Anthony Garcia" ang matagal nang pangarap ni "Ma.Betty de Leon".Isa ang binata sa miyembro ng sikat na Varsiy Side, grupo ng magagaling na manlalaro ng Westville University pagdating sa basketball, ang unibersidad na kanilang p...