CHAPTER 3

2.1K 52 1
                                    

Mabilis ang mga sumunod na nangyari.Tumaas sa harapan ni Betty ang malaking itim na tela.Inakala niyang pader lamang iyon na may tapis at hindi inaasahan na isa iyong malaking LCD screen.Bumukas iyon at nagsimulang magloading.

Niliko niya ang tingin sa katabing si Doso at Carlo.Pawang nakangiti ang mga ito na buo ang atensyon sa malaking telebisyon sakanilang harapan.Nang tingnan niya si Mark ay naroon din ang tingin nito.

Sumunod na lamang siya sa ginagawa ng mga ito.Lumabas sa malaking monitor ang nakaraang laban ng varsity side.Nakita niya ang isang arrow na may tinuturo sa di kalayuan.Nang mapagtanto kung sino iyon ay naitabon niya ang kamay sa bunganga.

It was her!

Kitang-kita niya ang sarili kung paano niya kinuha ang nahulog na gamit sa upuang bakante.Sumunod na lumabas ay ang pagkuha niya ng baller at cap nito sa iba pang laban ng mga ito. Hindi makapaniwalang napanganga siya.

Para siyang naputulan ng dila dahil sa pagkabigla.Hindi niya akalain na maabot siya ng surveillance camera na nakapalibot sa buong palaruan.Mas lalo pang napokus sakanya ang atensyon dahil sa isang pulang palaso na nagtuturo sakanya na marahil ay pina-edit pa nito sa mga taong bihasa sa kompyuter. Ngayon mas lalo lang niyang napatunayan kung gaano kalakas ang kapangyarihan ng mga miyembro ng varsity side.

Wala talagang nakakaligtas sa mga ito.Una ay nahuli sila ni Cindy sa labas nang lugar ng mga ito.Ngayon naman ay alam na nito na siya ang may sala sa mga gamit nitong nagkakawalaan.

VARSITY SIDE : MARK ANTHONY GARCIA : SERIES 1 (COMPLETED)(EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon