CHAPTER 19 FINALE

3.5K 106 10
                                    

“AYAN na !” Binalibag ni Cindy ang karton sa harap ni Mark.Nakaupo ito at pinapanuod ang mga kasama sa paglalaro.Matapos umuwi ni Betty ay dumiretso siya sa varsity pad upang sugudin ito.Hindi niya alintana ang ilang miymebro ng varsity side na naroon.This man ought to learned a doctrine !

Malawak ang pagbuka ng bibig ng mga binatang nakamasid sakanila.Naibitawan pa ni Carlo ang hawak nitong bola dahil sa ginawa niya.

“Ang kapal ng mukha mo !Ang lakas ng apog mong sabihin sa kaibigan ko nawala kang gusto sakanya ! Pagkatapos mong pagudin ang kaibigan ko sa paggawa niya sa inyo ng assignments ay ganito pa ang gagawin mo sakanya?Anong akala mo kay betty? Alipin mo na mapapasunod mo sa gusto mo? Pwes, manghinayang ka ngayon dahil hindi na siya magpapakatanga pa sa’yo! Ayan na ang mga gamit mo.Binabalik na niya sa’yo!” Sinipa niya pa ang sombrero at baller na naabot ng kanyang paa. “Huwag na huwag ka na ding magpapakita sakanya ! Naintindihan mo ba?”

“Tama na ‘yan.Hindi natin alam ang tunay na nangyari kaya ‘wag mong sisihin si Mark.” Inawat siya ni Rindo.May ilang distansya siya nitong inilayo dito na nasa mukha ang bakas na animo’y nagsisisi ito.

“Kinakampihan mo pa siya?”

Lumapit ito sakanya.Naidikit niya tuloy ang sarili sa katabing binata.Nabahala siyang baka nabigla niya ito at kagyat na lamang siyang suntukin.

Unti-unti ang pag-awang ng bunganga niya ng lumuhod ito sa kanyang harapan.Nadaganan pa ng tuhod nito ang gamit na nagkalat sa sahig.Hindi siya agad nakabawi.Hindi ito nakatingin sakanya at nanatiling nakababa ang ulo.

“Gusto ko siya pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin at ipapakita sakanya.Pinahalagahan ko ang pride ko na kailanman ay hindi ako maaaring magkagusto sa sinumang tagahanga ko.Kaya hindi ko naipakita sakanya kung gaano siya kahalaga sa akin.I’m sorry Cindy.Kung pwede lang sana tulungan mo ako para makapagpaliwanag ako nang maayos kay Betty.”

“Gusto ko lang din klaruhin.” Napatingin siya sa pagsingit ni Mathew. “Hindi sinabi ni Mark na hindi niya gusto ang kaibigan mo.Narinig niya kaming nag-uusap kanina kaya inosente siya dahil wala siya roon.It was only our conception.”

“Paano ko naman kayo paniniwalaan? Eh? Puro kayo hindi mapagkakatiwalaan.All of you always love to play maliban nalang kay Rindo.” Nabawasan ang haling sakanyang dibdib.

“Oh ? Talaga lang ? Parang kilala mo na kami ha !Ang sarap talagang tabasan niyang bunanga mo kapag nagsasalita ka.Naririnig mo ba ang sarili mo? Puro kasinungalingan ang sinasabi mo.” Ani Carlo.Nag ngisian ang mga ito na parang walang nangyaring komusyon.Maging si Rindo ay nakitawa sa mga ito. Parang gusto niya tuloy isama na din ito sa mga kagrupo.

“Subukan mo lang na pagbuhatan ako ng kamay at makikita mo ang pinagkaiba ng langit sa impyerno.”.

“Itigil ninyo na nga ‘yan.Hindi kayo ang bida dito.Kaysa magsagutan kayo, ba’t hindi nalang kaya kayo umisip ng paraan kung paano magkakaayos sina Betty at mark?” Ani William.

“Wow! Nagsalita ang pinuno.” Biro ni Doso.

Tiningala siya ng lalaking nakaluhod. “Cindy?” Sumamo nito.

 “Basta ! Hindi ako ang dapat mong kinakausap.Habulin mo nalang si Betty.Pauwi palang naman siya.”

 “But I’m nervous she would not trust my words anymore.Kaya please------I hope you will lend a hand on me.”

“Willing kaming sumama para makatulong sa’yo Mark.Ewan ko lang sa babaeng ‘yan.Wala naman yata ‘yang konsensya !” Si Carlo muli.Naibaliko niya ang nguso sa patama nito sakanya.Beuno’y hindi naman iyon ang oras upang makipaggera siya dito.

VARSITY SIDE : MARK ANTHONY GARCIA : SERIES 1 (COMPLETED)(EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon